Jasmine Red POV*
Nang makarating na ako sa opisina niya agad akong kumatok at pinapasok naman ang niya ako.
Nakita ko siyang may tinitipa sa laptop niya. Kaya agad kong inilapag ang mga papeles at aalis sana nang magsalita siya.
"Yan ba ang tamang asal pag kaharap mo ang Asawa mo?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Di makagalaw ang katawan ko dahil sa sinabi niya.
Ano daw!!!
Agad akong napatingin sa kanya at nakita ko muli ang malamig na mukha niya habang nakatingin saakin.
"Asawa?" Natatawang sabi ko. "Diba, wala ka nang asawa simula nung limang taon na ang nakalipas dahil mas pinili mo pa ang babae mong mayaman kesa sa akin na tanging panininda lang ang alam." Pinipigilan ko ang sarili ko na maipakita sa kanya na nasasaktan pa din dahil sa nangyari noon.
Natahimik naman siya at magsasalita sana nang magsalita agad ako.
"Bigyan mo nalang ako ng Annulment Papers para maging tuluyan ka nang makalaya at makasal mo na yung babae mo." Sabi ko agad at wala na akong pake kung ano ang mga sinasabi ko.
Pero sa looban ko gusto ko pa siyang patawarin dahil mahal ko pa eh pero kung mahal na niya ang babaeng iyon ibibigay ko nalang sa kanya ang kasayahan niya.
"Wag kang mag aalala, may pares na din ako at di na din ako malungkot. At sana walang makakaalam na asawa kita at ituring mo akong empleyado kagaya ng ginagawa mo sa ibang empleyado." Sabi ko at agad umalis sa opisina niya.
At dumiretso ako sa banyo at agad nilock ang isang cubicle na pinasukan ko at agad akong napahawak sa puso ko at doon lumabas ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ko nasabi na may pares na ako. Ang totoo naman ay wala dahil siya lang ang minahal ko at di ko rin kayang maghanap ng iba dahil siya pa din ang hinahanap ng puso ko. Ilang minuto ako doon hanggang lumabas na nga ako at napatingin ako sa salamin at namumugto ang mga mata ko habang nakatingin sa salamin agad akong nag retouch ulit para di halata at tumayo ng maayos.
"Wag mong ipakita na mahina ka. Dahil sa simula palang kinaya mo na ang lahat kahit walang ibang tumulong sayo kaya ngayon kakayanin mo ulit!" Pagchecheer ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Agad akong lumabas nang nagulat ako dahil sa nabangga ko ulit at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. Nakita ko muli si Kyzler at mabuti naaalalayan niya ako na muntik ko nang ikatumba.
"Jasmine, are you okey?" Nag aalalang sabi niya. Agad akong napaayos ng tayo at napangiting tumingin sa kanya.
"Oo naman. Sorry talaga kanina pa kita nababangga napaka clumsy ko talaga." Natawa nalang siya at mahinang kinurot ang pisngi ko na kinapout ko.
"Nagkita na ba kayo?" Biglang tanong niya at mukhang alam ko na kung sino ang sinasabi niya.
"Uhmm.. kailangan ko na palang bumalik baka hinahanap na ako ng Supervisor namin." Agad na sabi ko at aalis sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bigla niya akong hinila papalapit sa kanya.
"Okey, di ko na siya babanggitin. By the way mamaya lunch tayo." Sabi niya sabay lahad ng cellphone ko na kinalaki ng mga mata ko.
Teka kailan pa nasa kanya ang cellphone ko.
"Nahulog mo kanina nung binangga mo ko. By the way nandyan na ang kontak ko at nakuha ko na din ang number mo. Tatawagan lang kita kung Lunch time na libre kita." Nanlaki ang mga mata ko.
"Nako, ako na ang magbabayad sa sarili ko may malaking sweldo na naman ako kaya okey na." Sabi ko agad at napangiti naman siya at pinat ako sa ulo.
"Please, ngayon lang. Ngayon pa ako makakalibre sayo puro ka nalang tanggi noon kahit ngayon lang reunion natin kung baga." Wala na akong magawa nagpacute siya kahit hindi naman. Tumango nalang ako at ngumiti nang may naalala akong bagay na kanina ko pa gustong matanong.
"By the way ano na palang trabaho mo. Mukhang saludo atah sila Sir Go sayo. Nanalo ka ba sa lotto ha." Natatawang sabi ko at natawa din naman siya.
"Nah, di ako sumasali doon. Just hardwork." Napatango tango nalang ako.
"By the way ano nga trabaho mo at magkano sweldo mo malaki pa ba saakin?" Natatawa siya at umiling.
"Wala akong sweldo." Napakunot ang noo ko napatingin din sa damit niya.
"Weee, branded ang damit mo. Imposible na wala kang sweldo noh!"
"Hahaha totoo nga. Ayaw mo talagang maniwala?"
Napapout talaga ako. Di naman siya nagsasabi ng totoo eh!
"Okey, ipapaliwanag ko. Ang totoo niyan ako ang nagpapasweldo sa mga empleyado ko sa kompanya ko in short CEO ako ng kompanya ko doon sa pinagtatrabahuan ko noon kung saan tayo nagkita." Napanganga ako sa sinabi niya. Pinagtatrabahuan niya noon na kompanya pero ngayon pagmamay ari na niya!
"Woah!! Paano nangyari yun! Nanalo talaga kayo sa lotto ano!"
"Ikaw talaga, noon ang papa ko ang humawak sa kompanya noon kaya saakin na pinasa nung tatlong taon na ang nakalipas." Napatakip talaga ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya.
"Mayaman na talaga kayo noon pa."
"Sila Papa at Mama lang ang mayaman noon pero ngayon pa ako naging mayaman dahil sa mga pinatayo ko pang kompanya sa ibang bansa at dahil na din sa sipag at tsaga kagaya mo." Nakangiting sabi niya. Di talaga ako makapaniwala sa narinig.
"Ang swerte mo talaga, inborn na ang lucky charm mo."
Bigla nalang tumunog ang cellphone ko na kinatingin ko.
"Hala, ang Supervisor ko!" Nagpapanik na sabi ko sabay turo sa cellphone ko.
"Go ahead. Kita nalang tayo mamaya para di na bitin ang usapan natin." Sabi niya. Agad naman akong tumango at nagpaalam na sa kanya.
"Bye!"
Agad ko namang sinagot ang tawag habang tumatakbo.
"Ma'am Angela, papunta na po ako." Sabi ko sa kanya.
'Saan ka ba pumunta balita ko kanina ka pa umalis sa opisina ng CEO!' Napalayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa sigaw niya.
"May dinaanan lang po ako saglit pero nandito pa din naman ako sa Kompanya di ako lumabas." Paliwanag ko. Parati nalang akong kinakabahan pag ganito mabuti nga wala sa lahi namin ang magkaroon ng pimples dahil sa problema.
Nakarating na ako sa opisina ni Ma'am Angela at kunot noong nakatingin siya saakin.
"Anong nangyari sa inyo sa loob ng opisina ni Mr. Swift." Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. Teka may alam ba siya sa nangyari?!
"I-Ipinasa ko lang ang mga pepermahan niya, Ma'am..." Nauutal na sabi ko sa kanya.
"Yun lang? May sinabi ba siya sayo?" Malalaking pawis ang nangyayari saakin. Ano ba ang alam ni Ma'am Angela?!
Sinundan ba niya ako o narinig niya ba ang mga sinasabi namin sa loob ng opisina?
"Pinagalitan niya po ako dahil ang tagal ko daw." Nakapikit na sabi ko habang sinasabi iyon. Dahan dahan naman akong nagmulat at nakita ko na mukhang sang ayon naman siya sa sinabi ko.
"Like as always ganyan talaga siya sa lahat ng babae." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Nakita niyo na po talaga siya noon, Ma'am Angela? Mukhang kilalang kilala niyo po siya." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya at sabay wagayway sa buhok niya.
"Syempre, kasali kami sa meeting sa France noon at nandoon din siya at pinakilala siya ng dating CEO na anak niya at akala nga namin walang anak ang CEO pero meron pala." Nagulat ako sa sinabi niya.
Swift nga ang apelyedo ng dating CEO dito at yun din ang apelyedo ko ngayon pero di ko ginagamit. Di ko pinansin na magkaparehas kami ng apelyedo kasi akala ko na parehas lang kami sa ibang tao na magkaparehas ng apelyedo pero magkaibang pamilya.
Teka Janitor naman si Ton-Ton noon ibig sabihin mayaman talaga si Ton-Ton at naging Janitor lang siya dahil trip lang niya at trip lang din niya na tumira sa boarding house at sa Mayor lang kami ikinasal at wala namang problema doon dahil magkaparehong inipon naman namin ang ginamit sa pagpakain ng bisita kahit iilan lang at nandodoon din si Kyzler nun at walang pamilya niya ang dumalo dahil wala naman siyang kinukwento saakin na may pamilya siya ang sabi niya na siya lamang ang bumubuhay sa sarili niya.
Tumalikod ako at naglakad palabas ng opisina ng Supervisor namin at dumiretso sa mesa ko kung nasaan ang nakatambak nanamang gawain.
Napayuko ako dahil di ko na maintindihan ang nangyayari. Mag asawa nga kami pero bakit niya tinago ang lahat saakin. At mukhang di nga kami bagay dahil mayaman siya at lalo na ang babaeng iyon na katabi niya kaya bagay sila.
Biglang may malakas na inilapag na mga folders sa harapan ko na kinatingin ko kung sino ang naglagay at si Janice iyon.
Na naka taas ang isang kilay nito.
"I need that now." Sabi niya. Napayuko muli ako at napatingin sa folders na nasa harapan ko.
Kaya sinimulan ko na hanggang sa di ko napansin na Lunch na at wala na ang mga kasama ko at naglunch na at ako nalang ang naiwan dito. Nang biglang tumunog ang cellphone ko at nagulat ako dahil si Kyzler iyon.
Agad kong hininto ang ginagawa ko at agad sinagot ang tawag.
"Hello, Kyzler? Pasensya na di ko napansin ang oras." Agad na sabi ko.
'Ganun, halika dito sa may lobby hihintayin kita dito.'
Napatingin ako sa mga gawain ko.
"Uhmm... Marami pa kasi akong ginagawa eh. Pwede bukas nalang." Sabi ko sa kanya.
'Ganun ba. Sige bukas na lang. Promise ha bukas ha.' natatawa ako dahil sa sinabi niya. Tung lalaking ito talaga.
'Wag kang magpapagutom. Kumain ka.' Sabi pa niya.
"Opo, Master." Natatawang sabi ko nalang.
'Okey, Servant. Okey, I'll hung up now.'
"Okey, ingat ka."
Binaba ko na ang tawag nang biglang may nagsalita sa gilid ko.
"Is that your lover?" Napahawak ako sa puso ko habang nakatingin sa kanya. Bakit nandito ang lalaking ito?
"Anong ginagawa mo dito, Ton-To--- I mean Mr. Swift? Teka kanina ka pa diyan?" Tanong ko agad at agad napatingin sa paligid baka may makakarinig sa amin at wala ngang tao sa paligid.
"Yes, Mrs. Swift. Di ka pa pala kumakain palagi na lanang bang ganyan ang routine mo kaya ang payat payat mo na." Malamig na sabi niya na kinakunot ang noo ko.
"Ano naman ang paki alam mo at wag mong sabihin yan baka may makakarinig sayo." Sabi ko. Nakakainis kasi pinagdiinan niya pa ang Mrs. Swift.
"By the way, paano ka nakapasok sa kompanya ko na mali ang pangalang inilagay mo sa info mo sa computer." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?!
"Tama ang pangalan ko anong mali doon?"
"Jasmine Red Cortez? Nah, pwede kitang paalisin niyan." Doon na nagsink sa isipan ko na hindi apelyedo niya ang gamit ko.
Natahimik naman ako. Nag apply ako dahil may kaibigan akong backer dito kaya agad akong nakapasok at di na ako pina Background check up.
"Gusto mo bang makasuhan o maalis sa position mo ngayon?" Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya.
"H-Hindi po." Mahirap maghanap ng trabaho ngayon magsisimula ka na naman sa simula. Matagal na akong nagtatrabaho dito at sanay na ako sa trabaho ko. Ayokong mawala nalang bigla ang lahat ng pinagtatrabahuan ko.
Lalo na si Lola Ning. Bigla nanamang sumakit ang tyan ko mukhang inatake nanaman ako ng ulcer ko. Wag naman sana ngayon.
Pero di ko pinahalata at tumingin ako sa kanya.
"Importante po saakin ang trabahong ito kailangan ko ng pera." Hahawakan ko sana ang kamay niya nang agad kong binawi at yumuko muli.
"Importante saakin ang pera sa mga panahon ngayon sana mapagbigyan niyo po ako kahit ngayon lang."
"Sumunod ka saan sa opisina na natin pag uusapan." Natigilan ako at napatingin sa mga papel at folder sa lamesa. Di muna ngayon kailangan ko munang tapusin.
Nagulat nalang ako nang biglang kinuha nito ang isang folder at binasa kung ano ang nakasulat doon at napakunot naman ang noo niya.
"Bakit ikaw ang gumagawa nito?" Kumuha pa siya ng isang papel at bigla niya itong ibinagsak sa lamesa.
"Kasi uhmm.." di ko napigilan napahawak sa tyan ko dahil sa sakit. Hanggang sa mawalan ako ng malay.
"Jasmine!"
******
(Not Edited Yet)
LMCD22