Jasmine Red Cortez POV*
8 years ago...
Nakapikit ako habang hinihintay kong tawagin ang pangalan ko. Please sana mapasa muli.... Please...
"Ang nangunguna sa exam ngayon ay si Miss Jasmine Red Cortez!" Napamulat ako at gulat muli ako dahil di mawawala ang scholar ko sa susunod na Sem. Nakahinga naman ako ng maluwag at maraming nagcongratulate saakin lalo na yung mga pinacopy ko.
Sulit ang perang binigay nila saakin. Kasi tinuro ko sa kanila ang mga posibleng lalabas sa exam at lumabas nga ang mga tinuro ko.
Todo kayod ako sa aking pag aaral todo ipon ang ginagawa ko dahil ako lamang ang bumubuhay sa sarili ko. Walang pamilya at tanging nasa ampunan lang ako at tumakas dahil sa pagmamalupit ng mga umampon saakin noon pero nagpapasalamat ako dahil may mga kaibigan ako na nagpapasok saakin. Lalo na mga taga city councilors at marami pa. Nagbebenta din naman kasi ako ng mga gamit doon.
"Cindy, heto yung inorder mo. Pinili ko talaga yung ka size mo at ang kalidad ng tela napaka tibay niyan siguro mag kaka apo ka na di pa yan masisira." Sales talk again. Yan ang bunganga ko kahit mga guro nga dito bumibili din saakin.
"Woah! Talaga!" Sabi ni Cindy at binigay na saakin ang pera at naeganyo naman ang iba kaya bumili din sila ng damit na yun.
Uwian na at agad akong dumiretso sa boarding house ko at agad nagbihis para lumibot nanaman sa ibang kompanya.
Nang makita ko si Kuya Guard na kasama ang pamilya niya at mukhang rest day niya ngayon.
"Kuya!" Napatingin naman ito saakin.
"Oh ikaw pala yan, Jasmine." Bati nito saakin. Napangiti ako at nakita ko ang anak niya na si Baby Nicole.
"Halika, Baby." Agad naman siyang tumakbo saakin at yumakap.
"Ate, di mo na ako binisita. Miss na miss na kita." Nakapout na sabi niya.
"Tampo naman ang Baby Nicole namin. Sorry na nagdidiskarte pa ang Ate Jasmine mo." Sabi ko sabay kindat.
"Hmmm... Mukhang may masarap na kendi ako dito... Tadahh!!" Pinakita ko ang isang lollipop at masaya naman niyang kinuha ito.
"Thank you, Ate!" Sabi niya at ngumiti ako at tumango.
"Basta maging Good girl ka ha." Tumango naman ito at ibinalik ko na siya kay Kuya.
Napangiti ako sa kanila bago mag paalam at dumiretso ako sa kompanya at naningil ng mga utang nila. Hanggang mapansin ko muli yung cold na janitor na nagwawalis nanaman at naka mask pa din may sakit ba ito?
"Hello! Naaalala mo pa ako?" Di naman siya sumagot kaya napapout ako.
"Bakit ayaw mong magsalita? May virus ka ba? Bad breath ka ba?" Natigilan siya at sinamaan ako ng tingin.
"Joke! Di ka naman mabiro. Hula ko sayo na gwapo ka tapos makakaasawa ka ng masipag na babae kagaya mo." Napakunot naman ang noo niya.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Nag aalanganin pa ako pero tumango nalang ako pero ang ganda ng boses niya.
"Alam mo ang ganda ng boses mo, magsalita ka naman baka mapapanis ang laway mo niyan." Sabi ko na kinakunot ng noo niya.
Umiling nalang at aalis sana nang pumagitna muli ako at nginitian siya.
"Di ako susuko gagawin ko ang lahat mapangiti ka lang. May binibenta akong Enervon baka maging masigla ka." Sabi ko pero di pa din niya ako pinapansin.
"Ayaw mo nun? Uhmm... Ano nalang tiktak para mabango na ang hininga mo." Bigla siyang huminto at tumingin saakin.
"Di ka ba mananahimik?" Tanong niya pero umiling lang ako.
"No, No, No, wala yan sa dictionary ko. Gagawin ko nag lahat to make my customer happy." Sabi ko sabay ngiti.
"Nakakairita ka." Sabi niya saakin at umalis na agad at tulala akong nakatayo habang pinagmamasdan siyang lumakad palayo.
"Ako nakakairita? Pwes akala mo susuko ako pero hindi!" Nakangiting sabi ko.
Kinabukasan, naningil muli ako ng mga umutang saakin sa kompanya.
"Ang cold talaga ng Janitor na yun parang may dalaw. Mabuti di yan nasisante dito." Chismis ng isang empleyado.
"Oo nga ang sama makatingin parang ayaw atah ang trabaho niya."
Lumapit ako sa kanya.
"Malamig din siya saakin. Akala ko saakin lang." Sabi ko sa kanila.
"Ikaw pala yan, Jasmine. Sa lahat malamig yan kahit sa mga guards at hindi pa nga namin nakikita ang mukha niya." Chismis pa nung isa.
Oo nga kahit ako gusto kong matingnan kung ano talaga ang mukha niya. Na aattemp akong tingnan iyon.
Maglalakad sana ako nang biglang may nabangga ako at agad naman niya akong inanalayang tumayo.
"I'm sorry, Miss. Are you alright?" Tanong niya. Agad akong napangiti at tumango.
"Woah, ang gwapong lalaki naman." Natawa naman siya sa sinabi ko. Totoo naman na ang gwapo niya.
"Thanks."
Napatingin muli ako sa gilid at wala na doon ang Janitor. Nawala tuloy siya.
"Mukhang ikaw yung sikat na sales talker na si Jasmine, right?" Napatingin ako sa kanya at tumango.
"Yeah, that's me and you are?" Tanong ko.
"I'm Kyzler, nice to meet you." Nakangiting sabi niya. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Nice to meet you din, hmmm mukhang hindi ka empleyado dito." Sabi ko sa kanya. Natawa naman siya at tumango tango.
"Woah, paano mo nalaman? Akala nga ng iba na empleyado ako dito pero ikaw alam mo?" Namamanghang sabi niya.
"Syempre ako pa walang hindi makakalagpas sa mga mata ko. At kung paano ko nalalaman? Ganito kasi iyon." Tiningnan ko muli siya mula ulo hanggang paa.
"Sa pananamit mo mukhang nasa college level ka pa, wala ka pang ID, kung may ID ka pa parati yang nakadikit sa kaliwang damit mo para malaman agad na isa kang empleyado dito at sa kamay mo." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Di ka mahilig sa sulat at tanging tingin lang ang ginagawa mo in short tinitingnan mo lang ang mga galaw at trabaho ng mga tao dito. Pero sa nakikita ko matalino ka at mukhang may kaya sa buhay at mukhang nag aaral ka din sa Business course dahil may talent ka sa mga ganitong bagay kaya ka nandidito. At mukhang may kapit ka dito kaya ka nakapasok." Natawa naman siya at pumalakpak.
"May tama ka. Ang galing mo naman." Sabi niya at nginitian ko siya.
"Ako pa."
"Paano mo nalaman ang mga yan?"
"Araw araw akong nakakaharap ng mga tao at parati kong binabasa ang mga nasa isipan nila kung ano ang kanilang mga ginagawa sa buhay at marami pa magkakapera din ako nun kaya ikaw din bayaran mo din ako dahil hinulaan kita." Nakalahad na ang kamay ko na kinagulat niya.
"You're unbelievable. Pero nakakatuwa ka kaya sayo na yan." Sabi nito sabay lahad ng 500 pesos.
"Woah, thank you, Master." Natawa naman siya. Ang hirap na kayang makakuha ng 500 ngayon.
"Maka Master naman ito." Natatawang sabi nito.
"Sige alis muna ako may mga sisingilin pa ako ngayon kaya babay na!" Sabi ko at agad na tumakbo.
Uwian na at lumabas na ako sa Kompanya at naglakad ako pauwi nang napatingin ako sa isang pamilyar na lalaki.
Siya yung Janitor. Sinundan ko siya nang bigla siyang napahinto kasi may pumagitna sa kanya.
Na mga kabataan mukhang mga lasing atah sila at may dalang mga bote ng alak at may mga baton din silang dala. Mukhang delikado si Kuya Janitor.
Nagtago ako sa isang puno habang pinapakinggan ang usapan nila.
"Para di ka ulit masaktan, ibigay mo saamin ang sweldo mo ngayon." Sabi nila. At napakunot ang noo ko nang biglang dinukot nito ang pitaka nito na kinalaki ng mga mata ko. Hindi biro maghanap ng pera pinaghirapan iyon ni Kuya Janitor tapos ibibigay lang niya. Nakatalikod siya kaya di ko kita ang mukha niya di kasi siya naka mask.
Napatingin ako sa gilid at may nakita akong kahoy. At barumbado akong lumakad papunta sa kanila.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko sa kanila kaya napahinto sa pagdukot si Kuya Janitor sa pitaka niya.
Napakunot muli ang noo niya nang makita ako.
"Sino ka naman?" Tanong nung isa. Tiningnan ko ang kahoy na hawak ko at tiningnan sila.
"Ako? Di niyo kilala?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi ka nga namin kilala!" Napalaki ang mga mata ko at tinampal ang noo nung sumigaw.
"Bakit ka sumisigaw! Gusto mo ipagulpi kita sa Tatay mo! Kilala ko Tatay mo gusto mo tawagin ko na nasa sugal? Sabihin ko na nagdadrugs ang anak niya at wanted ngayon sa presinto!" Pambabanta ko. Namutla naman siya.
"Kayo! Gusto, niyo kayo rin?" Panghahamon ko at agad naman silang nagtakbuhan. Akala nila malakas sila. Basa ko atah ang ugali ng mga iyon kahit ngayon ko lang sila nakita. Ngayon lang ako nakadaan dito.
Napatingin ako sa likuran ko at nakatingin lang siya saakin. At natulala ako sa kagwapuhan niya. Mas gwapo pa siya kesa nung Kyzler na nakilala ko kanina. Napaiwas ako ng tingin.
"Sige umuwi ka na." Sabi ko at aalis sana nang hawakan niya ang braso ko na kinatingin ko.
"Why did you do that? I don't need your help." Napakunot ang noo ko.
"Ibigay mo na nga ang pera mo kanila na pinaghirapan mo. Sayang din kung ibibigay mo. Kung di mo kailangan saakin mo nalang ibigay need ko iyan." Nakangiting sabi ko.
"Tsk."
"Biro lang naman at sa totoo lang di ako nanghihingi ng di ko pinaghirapan. Importante ang pera sa ating mga mahihirap kaya wag mong ipamigay save it for the future." Sabi ko pero nakatingin lang siya saakin.
At umalis na ako doon at umuwi na.
Kinabukasan...
Tumatakbo ako hanggang makarating ako sa kompanya at gaya ng dati ganun pa din ang gawian at parati ko nalang kinukulit si Kuya Janitor. At ganun pa din cold.
"Sumusuko ka na, Jasmine?" Tanong ng isang empleyado. Napangiti naman ako at umiling.
"Di ko alam gusto ko siyang tulungan kung ano man ang problema niya pero ayaw naman niyang magpatulong." Sabi ko nalang.
"Jasmine!" Napatingin ako sa tumawag saakin.
"Ikaw pala yan Master Kyzler." Sabi ko.
"Maiwan muna kita babalik na ako sa trabaho ko." Sabi ng isang kaibigan ko at tumango naman ako at nagpaalam na at napatingin ako kay Kyzler.
"May problema ba?" Tumabi siya saakin.
"Wala naman. Di ba pwedeng hindi muna ngumiti?" Natawa naman siya at kinurot ang ilong ko.
"I also read you. Malungkot ka hindi ganyan ka joyful ang mukha mo." Sabi niya.
Ganun na ba ako kahalata?
"Libre nalang kita para mawala ang lungkot mo." Napatingin ako sa kanya at umiling.
"Nah, ayokong magpalibre. Pero gutom ako kaya tara pay your own food ha." Sabi ko sa kanya. Natawa naman siya at tumango nalang.
Habang kumakain...
"Napapansin ko na kinakausap mo parati ang pinsan ko." Napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kanya.
"Pinsan? Sino?" Tanong ko. Ngumuso naman siya kay Kuya Janitor na naglilinis.
"Pinsan mo siya?" Ngumiti siya at tumango.
"Parang di naman eh malamig siya ikaw--"
"Hot?"
Bigla akong natawa sa joke niya. Di tinapos ang sinasabi ko.
"Ano yun joke? By the way ano palang pangalan niya?" Sabi ko nalang.
"Krypton ang pangalan niya." Sabi niya. Napatango nalang ako nang may naisip akong tawag sa kanya.
"Short for Ton-Ton!" Natawa din siya sa naisip ko. Ang cute kaya nun.
Tiningnan ko ulit si Ton-Ton at nagulat ako nang nasa harapan ko na siya at nakatingin siya kay Kyzler na parang may pinag uusapan sila gamit ang mga mata nito.
Bigla nalang siyang magmop sa harapan namin at pinatatamaan niya ang paa ni Kyzler.
At natawa muli ako kasi para siyang nagtinikling sa ginagawa mi Ton-Ton sa kanya.
"Ang laki ng lugar dito talaga? Couz oi!"
"Ingay mo parang babae." Sabi nito at pilit pa ding pinapalayo nito si Kyzler.
May sinabi si Ton-Ton sa kanya at bigla siyang tumakbo palayo. Problema nun?
"Okey, Ton-Ton." Napatingin naman siya sa akin dahil sa tawag ko sa kanya.
"Ton-Ton?"
"Yeah, short for Krypton. Yun na ang tawag ko sayo." Nakangiting sabi ko.
"Wag kang makipag usap sa pinsan ko. Baka kung ano nanaman ang lumalabas sa bibig ng taong iyon." Sabi niya na kinagulat ko nang bigla akong napangiti.
"Nagseselos ka ba?" Sabi ko sa kanya na kinakunot ng noo niya.
"Hindi ako magseselos sa taong bago ko pang nakilala. At sino ka naman para magselos ako." Di pa din humihinto ang ngiti ko sa mga labi ang cute niyang magalit.
"Don't worry di pa din ako titigil hanggang hindi ka bibili saakin ng Enervon para happy ka always." Sabi ko sa kanya.
"Crazy." At umalis na siya.
Aalis sana ako nang biglang may tumawag saakin at isa iyong empleyado dito sa kompanya.
"Jasmine." Tawag niya. Sa pagkakaalala ko David ang pangalan niya at HR siya dito sa kompanya.
Madali ko lang ma memorise ang mga pangalan nila kahit presyo nga at mga paninda ko memorise ko na nga.
"Bakit, Sir David?" Ayon sa pagtingin ko sa kanya may sasabihin siyang isang importante saakin dahil nakikita ko sa mga galaw niya na parang kinakabahan siya at nilalaro niya pa ang mga kamay niya at di pa siya makatingin saakin.
Don't tell me, aamin siya ng feelings niya saakin?
"Di ko alam kung kailan ito nagsimula pero gusto kita." Sabi niya.
See? Hindi ito ang unang nangyari saakin kaya sanay na ako may itsura naman ako pero di lang halata dahil sa baduy kong awra.
"Jasmine." Nagulat nalang ako nang may humawak sa kamay ko at isang iglap nasa likod na ako ng taong humila saakin.
At pagtingin ko ay si Ton-Ton iyon.
Teka kailan pa siya bumalik? At mukhang nagtagisan pa sila ng tingin ni David. Teka nagseselos ba siya dahil may umamin saakin?
******
LMCD22