Chapter 1

2097 Words
Jasmine Red Cortez POV* Nagmamadali akong tumatakbo papasok ng kompanya. Naiinis kasi ako dahil sa traffic sa daan at di naman ako matatraffic kung di lang ako natagalan ng gising at di din naman ako matatagalan ng gising kung di ko lang tinapos ang lahat ng Power point presentation na gaganapin ngayong araw at lima ka pa ang ginawa kong presentation at kahapon pa lang binigay saakin. Sa mga kasamahan ko iyon at binigay lang saakin at ito namang bibig ko na hindi maka hindi eh sa ginawa ko nga kaya ito na ang nangyari malelate na talaga ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na puno na ang elevator at papasok sana ako nang biglang nag warning dahil puno na kaya no choice ako at lumabas nalang ulit at sumira na. Napatingin ako sa relo ko at five minutes nalang at nasa ten floor pa ang opisina na papasukan ko. "No choice ang ikalawang plano." napatingin ako sa hagdan. Tinanggal ko ang sandal ko at hinawakan ko ito at humingang malalim hanggang sa tuamkbo ako ng mabilis paakyat ng hadanan. Walang hindi kaya saakin, lahat kinakaya ko hanggang sa magka asawa ako pero nung nakakasama ko pa siya parati siyang nasa tabi ko siya ang gumagawa sa mga gagawin ko kahit kaya ko naman dahil sanay na ako pero di niya ako hinahayaan at pinabayaan. Dalawang taon kaming nagsama at ang masasabi ko nalang ay siya na ang pinaka perfect na asawa sa akin pero nasira ang lahat ng iyon dahil sa isang tawag at isang pangyayari na kinasira ko ng tiwala sa kanya. Mamaya na iyong topic na iyon ang saakin lang ngayon makarating ako sa opisina namin. Hinihingal akong makarating sa tenth floor at agad akong pumasok sa loob hanggang makarating ako sa attendance notebook at attendance na computer pero pag time in ko nanlaki ang mata ko dahil one minute late ako. Napaupo ako sa sahig dahil sa problema dahil sa one minute late lang malaking problema na iyon. "Hey, Jasmine! Nasaan na ang Presentation ko?" nakapamewang na sabi ni Janice sa akin. Dahan dahan akong tumayo at lumakad papunta sa table ko at agad inopen ang computer ko at binigay niya ang flashdrive niya saakin at agad kong kinopy ang ginawa kong presentation na gawa ko. "Mabuti nagawa mo." at umalis naman siya at napapout nalang ako di man lang nagpasalamat. At dumating na din ang apat para kunin din ang mga presentation nila at kagaya nung una hindi man lang nagpasalamat. Napasandal ako sa upuan ko nang biglang nagsalita ang Supervisor namin na si Ma'am Angela. "Guys, Attention, please!" agad naman kaming lumapit sa kanya. "Anong meron, Ma'am A?" tanong ni Aiza na isa din sa mga kasama ko sa trabaho. Tumikhim muna ito bago magsalita. "Ngayong araw na ito dadating ang bagong CEO natin at lilibot siya sa boung Opisina dito sa boung building ngayon." anunsyo nito sa amin at mukhang excited naman sila. "Ang sabi ng Secretary ng CEO na napa kagwapo daw ng bagong CEO natin, ganun daw ang mukha ng dating CEO nung kabataan pa nito." chismis ni Juvana kay Braine at mukhang kinilig kilig naman silang dalawa. "Gwapo si Sir Swift ngayon kahit may kaedadan na paano nalang nung kabataan niya?" sabi din ni Braine. "Omo, magreretouch tayo ngayon, Girl." tumango tango naman si Braine kay Juvana. "Tama na ang daldalan, maghanda na kayo dahil baka papunta na ang bagong CEO natin." sabi ng Supervisor namin at tumango nalang kami. At aalis sana ako nang bigla akong tinawag ni Ma'am Angela. "Jasmine, ikaw bumili ka ng Milktea, burger at tsaka french frice at isama mo na din ang prutas." nakataas kilay na sabi nito at binigyan niya ako ng pera at napakamot nalang ako sa ulo. Mauubos niya ito lahat ng bibilhin ko? Agad akong bumaba gamit pa din ang hagdan dahil puno muli ang elevator at agad dumiretso sa bilihanan ng mga pinabibili saakin. Hanggang sa makabalik na ako sa kompanya habang dala dala ang mga pinapabili saakin. Hinihingal muli ako kahit sila Kuya Guard naaawa na saakin araw-araw na nila akong nakikitang nahihirapan. "Jasmine, araw-araw ka nalang inuutusan niyan ha. Tulungan ka na namin." nag aalalang sabi ni Kuya Guard agad naman akong napangiti at umiiling. "Kaya ko na po ito, Mga Kuya. Laban lang!" hyper na sabi ko sa kanila at napangiti naman sila at nag aja sign din. At agad akong tumakbo nang biglang may nabangga ako mabuti nakabalik agad ako sa balanse at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ang mga malalaking tao dito sa kompanya at napatingin ako sa lalaking nakabangga ko. At napasinghap naman ang mga katabi nito nang makita ako. "Anong karapatan mong banggain si Mr. Kyzler!" nagulat ako nang biglang sumigaw ang isa sa mga malalaking tao sa kompanyang ito. Agad naman akong napakagat labi dahil sa ang malas ko naman mukhang Boss din ang lalaking kaharap ko. Napatingin naman ito saakin at nakayuko lang ako. "P-Patawad po! Nagmamadali po ako ngayon." nakayuko pa ding sabi ko. "Mr. Kyzler, pasensya po dahil nadumihan po ang damit ninyo." hahawakan sana nito ang damit nung Mr. Kyzler nang bigla itong napaiwas nang agad din nitong kinayuko. "Look at me." napatingin naman ang katabi ko na nakayuko pero agad ding napatingin saakin. "Ikaw ang sinasabihan ni Mr. Kyzler!" Nagulat ang lahat nang biglang sumigaw ang nasa gilid ko yun yung nakayuko din kanina at mukhang si Mr. Go iyon. Agad naman akong napatingin kay Kyzler at nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. "K-Kyzler!!" masayang sabi ko. Ang malamig niyang emosyon ay nag iba gulat ang mukhang nakikita ko agad niyang hinawakan ang dalawang kamay ko na may hawak na mga pagkain. "Jasmine, ikaw na ba iyan? Kumusta ka na?" sabi niya. Naiilang naman ako dahil mukhang mas lalo kasi siyang yumaman at ako mukhang ibang iba talaga ako sa kanya. Napatingin ako sa gilid at gulat na makita na nag iba ang emosyon ng Mr. Kyzler na kasama nila kanina. "Wait, how dare you to shout Jasmine?" Biglang lumamig ang boses ni Kyzler na nakatingin kay Mr. Go na namumutla na. "I'm sorry, Mr. Kyzler!" Ipakilala ko sa inyo ang lalaking nasa harapan ko. Siya si Kyzler Dave Swift, 25 years old at pinsan niya si Ton-Ton na asawa ko. Nasa mayaman sila na pamilya sila. Dahil sa nagsikap sa pag aaral itong si Kyzler kaya naging mataas na siya ngayo di ko alam kung ano na ang trabaho niya dahil noon nagtatrabaho lang din siya sa kompanya kung saan nagtatrabaho si Ton-Ton pero siya sa opisina siya di ko alam kung ano ang ginagawa niya doon. "Ayos lang ako, Kyzler. Teka kailangan ko na palang umalis. Baka hinahanap na ako ni Ma'am Angela." sabi ko at magsasalita sana siya nang bigla nalang akong tumakbo dahil papasira na ang elevator at malaki ang pasasalamat dahil walang tao pagpasok ko. Hanggang makarating na ako sa opisina namin. At nakakunot ang noong nakatingin saakin si Ma'am Angela. Napalunok naman ako at agad inilapag ang mga binili ko sa kanya. "Bakit ngayon ka lang!" Sigaw niya na kinapikit ko nalang. "S-Sorry po, uhmm ano..." "Nandito na ang CEO!" Nagulat kami nang biglang mag announce ang isang kasamahan namin kaya agad kaming pinalinya ng dalawang linya. Pagbukas ng elevator sabay kaming yumuko lahat. "Welcome, Mr. Krypton Zen Swift, our new CEO." Bati ng Supervisor namin at nanigas ako sa kinatatayuan ko ang pangalang iyon. Imposible na siya yun baka may kaparehas lang siya ng pangalan at CEO pa. Pero tinatraydor ako ng mga mata ko gusto ko siyang tingnan. Kaya dahan dahan akong tumingin sa kanya hanggang sa makita ko ang napakagwapong mukha niya kaya nanlaki ang mga mata ko. S-Siya nga! Siya si Krypton Zen Swift, ang asawa ko mula noon hanggang ngayon. Naaalala ko na naman noon yung tinawagan ko siya at babae ang nagsalita at pagkarating ko sa boarding house niya na magkatabi sila sa higaan at walang mga saplot sa katawan. Di ko alam kung ano ang kulang saakin kung bakit siya nangbabae at mayaman pa na babae ang kinama niya at sa mismong higaan pa namin sa boarding house. Simula nang makasal kami dalawang taon kaming nakatira sa boarding house at masaya kami at mahal namin ang isa't isa kahit mahirap lamang kami. Napayuko muli ako at napakamao ang kamay ko. "Welcome, Mr. Swift." Sabay sabi nilang lahat at tumingin na sila sa bagong CEO namin pero ako umatras ako para di ako makita. Ayoko siyang makita. Masakit pa din kahit limang taon na ang nakalipas. Di ko aakalain na gaganunin lang ako ng asawa ko. Flashback... Nagmamadali akong dumiretso sa boarding house namin at pagbukas ko nakita ko ang magkatabing katawan ng asawa ko at ang babae niya. Parang nanghihina ang mga paa ko dahil sa nakita at napa iling iling pa ako habang nakatingin sa kanya. Lumapit ako sa kanila habang nakatakip ang bibig ko habang umiiyak at ang asawa ko nga ang nakikita ko. Agad kong kinuha ang mga gamit ko na wala man lang ingay para magising sila. Masaya naman kami kahit mahirap lang kami pero bakit ganito ang ganti niya sa akin? Lalabas sana ako nang biglang may tumawag saakin. "Teka.. Jasmine." Napatingin ako at makita ko ang asawa ko na gising na at takot ang mga mata niyang nakatingin saakin. "Mali ang nakikita mo!" Nagpapanik na sabi niya. Agad kong pinunasan ang luha ko at agad hinubad ang wedding ring ko at inilapag sa higaan namin. Tulala naman siyang nakatingin sa singsing na nilapag ko. "Jasmine, please wag ganito. Walang nangyari saamin ni Samantha." Agad na sabi niya at lalapit sana saakin nang biglang hinawakan ng babaeng iyon ang asawa ko sa braso. Mas lalong gumuho ang mundo ko nang magsalita ito. "Babe, aminin mo na ang sarap ng nangyari saatin." Umatras atras ako habang napailing iling. "Di mo man lang sinabi saakin na may mahal ka na pala at di na ako." Umiiyak na sabi ko. "Mukhang ito na ang huli natin, Ton-Ton.... Sana maging masaya na kayo." Lumabas ako at naririnig ko pa din ang sigaw ni Ton-Ton sa pangalan ko pero di na ako huminto sa pagtakbo. End Of Flashback... Agad akong napayuko nang dumaan siya nang bigla siyang napahinto sa harapan ko at nakatingin lamang ako sa sapatos niya di ko kayang tumingin sa mga mata niya. "What's your name?" Tanong niya saakin. Unti unti akong tumingin sa kanya at nagtagpo nga ang mga mata namin at nakikita ko ang lamig sa emosyon niya. Hindi na siya yung Ton-Ton na nakilala ko. Siguro masaya na siya sa babae niya noon. "Jasmine Red Cortez po. Mr. Swift." Pakilala ko habang nakatingin sa mga mata niya nang biglang kumunot ang noo niya. "Okey, MISS Cortez, dalhin mo ang lahat ng pipirmahan ko sa opisina ko ngayon mismo." Mas lalo niyang diniinan ang Miss na word. Ano bang problema niya? "O-Okey po..." Nauutal ko na namang sabi. "Good." Malamig na sabi niya bago ako tinalikuran. Di ko alam nanginginig ang kamay ko kahit na ang tuhod ko. Gusto ko nang malubog sa kinatatayuan ko dahil sa nangyayari. Sa dami dami namin dito ako pa ang tinawag ng lalaking iyon. Lumapit ako sa supervisor namin na naniningkit ang mga mata na nakatingin saakin nasa kanya kasi ang mga folders na kakailanganin ng CEO namin. "Bakit sayo pa inutos ang mga pipirmahan niya na pwede namang ako?!" Naiinis na sabi niya. "Kung yun po ang gusto niyo. Kayo nalang po ang maghatid." Sabi ko sa kanya. Sana please pumayag ka Ma'am Angela. "No, I know him, nakakatakot siyang magalit kung ano ang inuutos niya gawin mo." Padabog niyang inilagay ang mga papeles sa mesa na kinagulat ko at agad ko namang binuhat ang mga pipirmahan ng CEO. Napakagat ako sa labi. Seryoso ba talagang siya na ang CEO! Sana hindi, tatanggapin ko ang lahat ng pang aapi nila basta wag ko lang makita ang lalaking iyon dahil nandito pa din ang sakit sa puso ko. Mahal ko nga siya pero iba na ang mahal niya kaya siguro siya yumaman dahil doon siya sa bagong babae niya. Nang makarating na ako sa opisina niya agad akong kumatok at pinapasok naman ang niya ako. Nakita ko siyang may tinitipa sa laptop niya. Kaya agad kong inilapag ang mga papeles at aalis sana nang magsalita siya. "Yan ba ang tamang asal pag kaharap mo ang Asawa mo?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Di makagalaw ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Ano daw!!! ****** (NOT EDITED YET)  LMCD22 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD