Chapter 6

2129 Words
Jasmine Red Cortez POV* Napamulat ako dahil 3 na ng umaga agad akong naligo at nagbihis para magbenta ng kakanin sa daan na inangkat ko naman sa kakilala ko. "Puto, Kutsinta, Puto Maya kayo diyan!" Sigaw ko sa mga kabahayan. Lumabas naman nag isang kakilala ko na si Deseree. "Oh, Ohayo, Deseree-Chan!" Mas gugustuhin kasi niyang tawaging ganun dahil may half Japanese siya. "Ohayo, Onee-chan, pabili nga ng Puto Maya." Nakangiting sabi niya. Tumango naman ako at agad kinuha ang gusto niya. "Kumusta ka naman, Deseree-Chan. Nabalitaan ko na babalik na kayo ng Japan sa susunod na linggo." Napangiti siya at tumango at bigla ding nalungkot. "Oo nga, Onee-Chan. Mamimiss kita." Pinat ko ang ulo niya na kinatingin niya saakin. "Wag kang malungkot nandito lang naman ako sa Pilipinas mahahanap mo din ako pag uwi mo." Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti. "Wag kang mag aalala, Onee-chan. Padadalhan kita ng maraming chocolate." Natawa naman ako. "Wag na masisira ang ngipin ko. Kahit ikaw lang ayos na ako." Napangiti siya at niyakap ako. Nagpaalam na ako at mabuti naubos ang paninda ko ngayon. Naglakad ako pauwi nang mapansin ko ang isang pamilyar na kaibigan. "Eh? Ton-Ton? Siya nga!" Agad akong lumapit sa kanya. "Good Morning, Ton-Ton!" Masayang sabi ko sa kanya na kinagulat niya. Agad naman siyang napatingin saakin. "What are you doing here?" Napangiti ako dahil sa itsura niya ngayon napatingin ako sa hawak niya at brief pala yun galing pala siya sa sampayan. Nang makita niya ang tinitingnan ko agad naman niyang itinago sa likuran niya na kinangiti ko. "Sinusundan ka." Sabi ko sabay kindat. Ang sarap asarin ng taong ito. Napatingin ako sa taas nang may lumabas na mga ulo at mukhang kasamahan niya ito sa boarding house. "Woah, girlfriend mo pala si Jasmine, Tol." Sabi ng dalawang kaibigan niya. Sinamaan naman ni Ton-Ton ng tingin ang mga kaibigan nito. "Hello, Mer at Sam!" Bati ko sa kanila at kumaway din sila. "Hello din, Jas. Bakit di mo sinabi na syota mo pala ang Prince of Cold na si Krypton?" Natawa nalang ako sa tawag nila at dahil ako si Jasmine sinakyan ko ang jokes nila. "Gusto ko lang kumustahin tung boyfriend ko kung nakaligo na ba." Nakatingin ako kay Ton-Ton habang sinasabi iyon. Natawa naman ang dalawa sa taas. "Bagong gising pa yan. Hindi pa yan naliligo!" Sabat ni Sam sa taas. "Ano bang kailangan mo? Hindi kita Girlfriend para pumunta dito." Natawa naman ako at surrender agad ang kamay ko. "Joke lang naman, di mabiro. Coincidence lang na nakita kita nagbibenta ako ng kakanin kaya wag kang mag assume." Natatawang sabi ko, kasi tinutoo kasi eh. "Pero okey lang din na maging tayo. Hahaha Joke ulit! Sige una na ako kita nalang tayo mamaya sa kompanya kasi ngayon na kasi ang exam namin pwede na akong magbenta mamaya so makikita na kita." Nakangiting sabi ko na mas lalong kinakunot ng noo nito. "Tsk, leave me alone." Sabi niya sabay akyat sa taas. "Ang brief mo naiwan." Agad naman siyang napahinto at agad bumaba at pinipigilan ko ang tawa ko dahil hawak pa din niya ang brief niya. At narealized niya na hawak pa din niya ito. "You woman." Galit na sabi niya at di ko din mapigilang di tumawa. "Hahaha you too, Old Man." Makakalimutin na kasi hawak naman niya. "Sige, una na ako see you mamaya." Agad na akong tumakbo baka kasi bubuga na ito ng apoy. Nakarating ako sa bahay at biglang tumunog ang tyan ko. Gutom nanaman ako. Nagutom ako sa kakatawa kanina. Nakarating na ako sa school nang makita kong nagbabasa ang mga kaklase ko ng libro para sa exam mamaya na mas lalo kong kinakaba. "Jas, ito oh juice libre ko. Binigyan ko din ang ibang mga kaklase natin." Sabi ng kaklase ko na si Ruby. Napatingin ako sa juice. "Salamat nalang di pa ako nauuhaw." Sabi ko. "Sige na ngayon lang naman ako nang lilibre ayaw mo pang tanggapin ang sakit aa heart." Paiyak iyak naman siya na kinatingin ko sa mga kaklase namin na parang naawa kay Ruby. Napatingin muli ako sa juice. Parang may mali. Kasi sa pagkakakilala ko kay Ruby sa simula palang isa siyang bully. Matalino nga siya kaya siya nakikipagtaasan saakin ng grado. "Ngayon lang talaga ako manglilibre dahil ito na ang last exam natin at gagraduate na tayo." Paiyak iyak effect pa siya. "Inumin mo na, Jas." Napatingin ako sa mga ininum nila katulad din ng binigay nila sa akin. Agad ko nalang kinuha at ininom na kinangiti ni Ruby at niyakap pa ako. "Thank you!" At umalis na siya. Kinabahan ako baka kasi may mangyari. Nagsimula na ang exam at wala naman akong naramdamang kakaiba. Mabuti nalang wala. Walo lahat ang sasagutan namin na exam kaya kinabahan ako baka makalimutan ko ang iba. 'Trust yourself...' naalala ko ang sinabi ni Mr. Swift saakin. Tama yun nga wag mabahala nabasa ko ang lahat ng yan sa libro. Nakatatlong subject na nang biglang umikot ang paningin ko parang inaantok ako di ko alam. Nanlaki ang mata ko dahil naalala ko ang juice na pinainom saakin ni Ruby. Napatingin ako kay Ruby na nakangiting nakatingin saakin. "Serves you right!" Mahinang sabi niya. At di ko naiwasan isang iglap nahulog na ako sa kinauupuan ko at narinig ko na nagpapanik ang lahat ng kaklase ko bago ako mawalan ng malay. Napamulat ako at nasa clinic na ako naka dextrose at nanghihina pa ang katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil di ko pa natapos ang exam ko. Biglang pumasok ang adviser ko at napatingin ako sa kanya. "Ma'am, mag eexam pa ako. Anong oras na po ba?" Tanong ko sa kanya. "6 na nang gabi." Nanlaki ang mga mata ko at bigla nalang tumulo ang luha ko. "D-di na po ba ako makakagraduate? Pinainom po ako ni Ruby ng juice na may sleeping pills kaya po ako nawalan ng malay sana po pag bigyan niyo po ako ng isa pangpagkakataon maka take ng exam." Umiiyak na sabi ko parin. Pinat naman niya ang ulo ko. "I know that na nagsasabi ka ng totoo. Don't worry makakaexam ka pa din. Yun din kasi ang sinabi ng nurse na pinainom ka talaga ng sleeping pills. At may nakita kaming sleeping pills sa bag ni Miss Ruby." "Ma'am pwede po bang ngayon ko po sasagutan ang exam ko." Tanong ko sa kanya. "Pwede naman." "Salamat po!" At agad naman niya akong inanalayan sa pag tayo. Nasagot ko nga ang lahat ng exam ko sa gabing iyon hanggang sa umuwi na ako. Naglalakad ako at ramdam ko ang init sa katawan ko di ko alam kung bakit at paghawak ko sa noo ko ang init ko pala. Napahawak ako sa poste at napapikit dahil sa umiikot muli ang paningin ko. Wala naman ito nung nag exam ako wag mong sabihin epekto din ito ng sleeping pills. Napaupo ako sa gilid ng poste habang nakahawak sa ulo ko. Gusto ko nang makauwi sa bahay pero malayo layo pa iyon. Ayokong manawag ng kaibigan baka nakakaestorbo lang ako sa kanila. Napatingin ako sa taong naglalakad pero malabo ang mga mata ko para makita kung sino iyon. Ayon sa paglalakad at sa pananamit niya para siyang si Ton-Ton. "Ton-Ton.." di ko na masabi ang ibang sasabihin ko nang napahiga ako pero gising pa din ang diwa ko. Umiikot lang ang paningin ko. "What happen to you?" Napangiti ako nang marinig ang mala inborn niyang english. "Ang init mo." Nagpapanik na sabi nito. "Yeah, I'm hot." Napangiti ko nalang sabi at naramdaman ko nalang na binuhat niya ako na kinakapit ko sa kanya. "Kaya ko namang umuwi pabayaan mo na ako doon." Nanghihinang sabi ko. "Those d*mn skirts." Natawa muli ako nang agad niyang tinakpan ng damit niya ang binti ko. Maikli naman kasi ang palda namin doon sa school. "Kahit Janitor ka bakit ang bango mo pa din?" Nakapikit kong sabi at mas lalong inilapit ang mukha ko sa leeg niya ang bango naman kasi ng lalaking ito. "Pasensya na di kita napuntahan kanina. Marami kasing nangyari bago ako napunta sa ganitong sitwasyon." "I'm not waiting you." Napangiti nalang ako. As usual ang malamig na Prinsipe. "Pero wag ka munang lumapit sa akin sa ngayon dahil baka mahawa ka. Baba mo ko baka magkakalagnat ka pa." Sabi ko at pilit na bumababa. "Stop, moving." Kaya di na ako gumalaw. Di ko napansin na nakatulog na ako sa bisig niya. Nagising ako nang may naramdaman akong malamig sa noo ko. At sa gilid nakita ko si Ton-Ton na natutulog sa sofa. Mukhang boarding house niya ang lugar na ito. Dahan dahan akong tumayo at napatingin ako sa gilid may gamot at tubig. Di ko alam may Private Nurse pala ako. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko at naglagay ng 200 pesos para sa mga nagastos niya. At dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Salamat, Ton-Ton." Sabi ko bago lumabas at dumiretso sa bahay. Ala una na kasi ng umaga. Nagbihis muna ako bago ibinagsak ang sarili sa kama ko. Mukhang magpapahinga muna ako para sa susunod na araw negosyo nanaman. At isang iglap dinalaw muli ako ng antok. Napamulat ako at nasa isang maliwanag na hardin ako at nakikipaghabulan sa isang lalaki. Napakagandang hardin nun puno ng bulaklak at puno parang nasa forest kami. "Teka, Kuya!" Tawag ko nalang malay ko ba kung sino yun. "Jas, dalian mo haha." Napakunot ang noo ko at hinabol pa din siya. Naman ang bilis niyang tumakbo hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Asan na ba iyon? Biglang may tumakip ng mga mata ko at pagtingin ko mukha muli ng lalaking hinahabol ko kanina at pamilyar ang mukha niya saakin. "Kuya, akala ko nawala ka na." Sabi ko sa kanya at natawa naman siya at pinat ako sa ulo. "Di ko iiwan ang baby Jas ko." Sabi niya sabay kurot ng pisngi ko. "Tara na baka hinahanap ka na." Napamulat ako habang hinihingal. Teka panaginip di ko pa nalalaman ang pangalan niya! Napatingin ako sa orasan at 9 na sa umaga. Tatayo sana ako para magbihis para magtrabaho nang mapahinto ako dahil ngayong araw na ito kailangan kong magpahinga. Napaupo muli ako at napatingin sa labas. Sayang kasi ang oras pero hindi kailangan mong magpahinga! Kung tutunganga naman ako dito sa bahay wala naman akong makausap dito. Tumingin ako sa cellphone ko wala din namang laro dito. Kung mamamasyal kaya ako. Sayang pera... "Tama mamamasyal ako! Wala na akong maayos na damit." Napatingin ako sa damit ko. May punit na din. Basta hahanap ako ng murang damit. Agad akong nagbihis at agad lumabas nang napahinto ako dahil sa isang taong nakatayo sa labas ng boarding house ko. Paano niya nalaman ang bahay ko? "Ton-Ton?" Gulat na tawag ko sa kanya at napatingin naman siya saakin. Bakit ang gwapo niya ngayon? Di siya naka janitor ng attire. Parang panlakad ang damit niya. "Bakit ka nandito?" Tanong ko agad. Bigla niyang inilahad ang 200 pesos. "Teka ano toh?" Tanong ko sa kanya. "Your money." Sabi niya. "Eh? Ah yung 200 pesos. Sayo yan bayad yan sa gamot at tubig." Sabi ko sa kanya na kinakunot ng noo niya. Nagulat ako nang inilagay niya ito sa bulsa ko. "May sakit ka, bakit ka lalabas baka kung saan saan nanaman kita makita." Napangiti ako nag aalala nanaman ang Ton-Ton na masungit. "Okey lang ako. Gusto ko lang mamasyal. Napagpasyahan ko kasi na restday ko ngayon at mamimili nalang din ako ng damit at pagkain na rin pala."  Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. "Mukhang sa outfit natin ngayon mukhang may ka date ka ha." Napakunot ang noo niya. "Sino naman ka date ko? Pupunta din ako sa mall bibili ng groceries." Di siya makatingin habang sinasabi iyon. Nagstar naman ang mga mata ko at agad hinawakan ang braso niya. "So ngayon sabay nalang tayo." Masayang sabi ko at inagaw niya muli ang braso niya at umunang lumakad. "Itong si Ton-Ton talaga." Tumakbo ako papunta sa kanya at hinawakan ulit siya sa braso kasi naman itong hilo ko naramdaman ko ulit pag hindi ako gumagalaw baka matumba namaman ako. "You!" "Hawak lang naman baka mawala pa kita at mapunta ka sa iba." Naningkit nanaman ang mga mata niya. Ang sarap talagang inisin ang lalaking ito. Aagawin sana niya ang kamay niya nang hinigpitan ko ang pagkakahawak. "Wag malikot nahihilo pa ako kaya ako humawak sayo. Joke lang yung sinabi ko sayo pero nasa sayo kung totohanin mo." Napahinto naman siya at bigla akong pinitik sa noo. "Stop playing." Napapout ako at tumango nalang. "Opo." Ang sakit nun ha. Kinuha ko muli ang 200 sa bulsa ko at dahan dahan kong inilagay sa bulsa niya na kinangiti ko. ******* (Not Edited Yet) LMCD22 LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD