Jasmine Red Cortez POV*
Aalis sana ako nang biglang may tumawag saakin at isa iyong empleyado dito sa kompanya.
"Jasmine." Tawag niya. Sa pagkakaalala ko David ang pangalan niya at HR siya dito sa kompanya.
Madali ko lang ma memorise ang mga pangalan nila kahit presyo nga at mga paninda ko memorise ko na nga.
"Bakit, Sir David?" Ayon sa pagtingin ko sa kanya may sasabihin siyang isang importante saakin dahil nakikita ko sa mga galaw niya na parang kinakabahan siya at nilalaro niya pa ang mga kamay niya at di pa siya makatingin saakin.
Don't tell me, aamin siya ng feelings niya saakin?
"Di ko alam kung kailan ito nagsimula pero gusto kita." Sabi niya.
See? Hindi ito ang unang nangyari saakin kaya sanay na ako may itsura naman ako pero di lang halata dahil sa baduy kong awra.
"Jasmine." Nagulat nalang ako nang may humawak sa kamay ko at isang iglap nasa likod na ako ng taong humila saakin.
At pagtingin ko ay si Ton-Ton iyon.
Teka kailan pa siya bumalik? At mukhang nagtagisan pa sila ng tingin ni David. Teka nagseselos ba siya dahil may umamin saakin?
"Who are you?" Tanong ni David kay Ton-Ton. Hala mag aaway ba sila?
"Gagawin mo rin bang koleksyon ang babaeng ito?" Ah ganun pala alam din pala ni Ton-Ton na babaero ang lalaking ito.
"Hindi, iba si Jasmine sa mga babae...."
Tingnan natin kung gaano ka selos ang isang ito.
"Really?" Oh napa english pa si Ton-Ton at mukhang sanay ang English Janitor natin.
"Bakit sino ka ba? Syota ka ba niya? Mahirap ka lang! Janitor ka lang! At mukhang pangit ka rin dahil parati kang nagmamask!" Sigaw ni David. Grabi maka lait nitong David na ito. Hinawakan ko ang kamay ni Ton-Ton na nakawaka sa wrist ko.
"Sir, wag mo namang laitin ang mga kagaya naming mahihirap lang. Ano naman ngayon kung pangit si Ton-Ton? Mabuti pa siya may mabuti siyang record di katulad sa inyo na minus points na kayo sa langit." Bigla namang naging masama ang timpla ni David at sasampalin sana ako nang biglang may sumalo sa kamay niya.
At pagtingin ko ay si Kyzler iyon.
"Masamang manampal ng babae." Sabi ni Kyzler. At may mga gwardya na humawak kay David.
"Ano ito! Ang hawakan niyo yung mga katulad nila hindi mga katulad ko! Di niyo ba alam na HR ako dito!" Napatawa naman si Kyzler at umiling iling.
Nagsign si Kyzler na ipalabas si David at napatingin naman siya agad saakin.
"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni Kyzler saakin. Ngumiti ako at tumango.
Bigla nalang lumakad palayo si Ton-Ton na kinangiti ko.
"Ayos lang ako. Ako pa." Nag approve sign ako sa kanya.
Ilang araw akong di muna naninda dahil araw na para fully day study dahil gagraduate na ako sa college. Kailangan kong mapasa ang final exam para toga nalang. Ang sabi nila matalino ako pero di ako naniniwala sa sarili ko, parati nga akong kinakabahan pag naghihintay ng result sa exam namin.
"Kaya mo ito, Jasmine. Magkakaroon ka na talaga ng pera pag makapasok ka sa kompanya na gusto mong pasukan para magtrabaho."
May isang kompanya kasi akong gustong pasukan ng trabaho at ang kompanyang iyon ay ang JR Swift Company. Isa din iyon sa mga pinagbibintahan ko ng mga kahit ano. Ang bait din kasi ng CEO doon nung nagkita kami na si Mr. Swift.
Flashback...
Nagbibenta ako nang biglang yumuko ang lahat ng mga empleyado doon at pagtingin ko nakita ko ang sikat na CEO na si Mr. Swift.
Gusto ko siyang makausap. Kasi Idol na Idol ko siya sa batang edad niya kasi isa na siyang billionaire gusto kong itanong kung paano magkaroon ng ganung pera.
"Miss, you're drooling." Nagising ako dahil nasa harapan ko ang matagal ko nang pinapangarap.
"M-Mr.. Swift, Oh my totoo ka po ba!" Di makapaniwala na sabi ko. Natawa naman siya na mas lalong kinalaki ng mga mata ko.
"You're funny... I think you're the popular sales talk girl Jasmine Red Cortez, right?" Nakangiting sabi niya. Nagstar naman ang mata ko.
"O-Opo! Kilala niyo po ako! Woah, ang sikat na CEO ay kilala ako, Fan niyo po ako." Masayang sabi ko.
"You're energetic, I like a girl like that for my son." Namula naman ako.
"Nako pwede naman pong sa inyo nalang, Joke! Gusto ko pong maging katulad niyo." Nangangarap na sabi ko. Napangiti siya at pinat ako sa ulo ko.
"Sir, it's time..." Sabi nung secretary niya.
"Mamaya nalang tayo mag usap sa lunch. Sabay tayo bitin ang usapan natin ngayon... Para masabi ko ang mga sekreto ko." Sabi niya sabay kindat. Masaya naman akong napatango.
"Okey po."
Lunch time na at hinatid ako ng driver niya sa isang restaurant kung saan kami mag lalunch ni Mr. Swift. Kinakabahan ako na ano kasi parang celebrity ang mamemeet ko at ang saya ko.
Nakarating ako sa isang magandang restaurant at parang ang mahal nito mukhang hindi kaya ng ipon ko ang presyo sa mga pagkain dito.
Nakasunod lamang ako sa secretary ni Mr. Swift. Di talaga ako makapaniwala na nakapasok ako sa ganitong lugar. Curious din kasi ako sa table etiquette nila at gusto ko iyong masubukan.
Huminto kami sa isang malaking pintuan at agad niya iyong binuksan at nakita ko ang nakangiting si Mr. Swift. Agad akong lumapit sa kanya at ngumiti.
"Salamat po kasi inimbitahan niyo po ako." Nakayuko kong sabi. Natawa naman siya at pinat ako sa ulo.
"It's nothing, have a sit." Sabi niya at agad naman akong umupo.
"Di po ba mahal na dito tayo kumain, Mr. Swift?" Tanong ko sa kanya.
"Hahaha, hindi coins lang saakin ito. Remember I'm a billionaire." Natawa ako at tumango.
"Oo nga po pero di po kasi ako mahilig magpalibre." Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Why? Mas masarap ang libre."
"Oo nga po, pero iniiwasan ko po yung mga taong may hinahangad sa hinaharap na kapalit. Ayoko po ng ganun, ayokong magkautang loob sa kanila ang gusto ko po kasi patas sa lahat ng bagay walang mapangmataas." Nakatitig lang siya at nakikinig lang talaga sa mga sinasabi ko.
Ang seryoso niyang mukha ay bigla siyang napangiti at tumawa.
"You're just like me. Yan din ang nasa isipan ko noon. Makatulad talaga tayo parang gusto kitang kupkupin hahaha." Napangiti naman ako.
"For sure, proud ang mga magulang mo sayo." Napangiti naman ako dahil sa boung buhay ko walang mga magulang ang umagapay saakin at tanging mga madre lang sa ampunan.
"Di ko po nasubukan ang magkaroon ng magulang kaya nga po ako nagpupursige para magkapera." Sabi ko at natahimik naman siya.
"Oh, you're a strong girl, a true survival girl. Let me hear your story."
Napangiti ako sa boung buhay ko siya ang kinaunahang sinabihan ko ng buhay ko.
"Sa orphanage po ako nakatira nun at inampon po ako pero iba po ang trato saakin kaya agad akong tumakas doon dala ang lahat ng papeles ko. Humanap ng trabaho mapa sideline man o overtime pero di padin mawawala ang pagtatrabaho ko at kahit sa school binibentahan ko sila ng mga gamit." Nakatitig lang siya saakin at nakikita ko sa kanya ang pagkamangha dahil sa sinabi ko.
"Ginagawa ko iyon hanggang makarating ako sa kolehiyo na walang tulong galing saakin. Lahat pinasukan kong trabaho except sa hindi magandang trabaho syempre. Marami na ngang nakakakilala saakin at memorise ko lahat ang mga pangalan nila. Habang nabubuhay ako parati kong iniisip na marami malayo pa ang buhay ko kaya mag iipon pa ako para sa kinabukasan ko hanggang maging kagaya kita... Isang billionaire."
Napangiti siya at itinaas niya ang wine glass niya.
"Don't worry pag makatapos ka ng pag aaral pasok ka na agad sa kompanya ko dahil parang interview mo na ito. Sana ganito din ang anak ko. Sana katulad mo madaling makisama at mataas ang pangarap sa buhay." Sabi nito na kinagulat ko.
"Anong tao po ba ang anak niyo."
"Kabaliktaran siya saakin. Malamig siyang makitungo sa iba, matalino siya at gusto niya walang mali at perfect lahat, wala siyang pakialam sa pakiramdam ng iba, wala siyang ibang makausap ng matino at pag aaral at trabaho lang ang iniisip parati. Kaya nga pinarusahan ko nga siya at nasa ibang kompanya siya at doon ko siya pinatrabaho at dapat di siya makilala sa mga tao doon at ang sarili lang niya ang bubuhayin niya sa loob ng tatlong taon." Napa wow nalang ako.
Nag approve sign naman ako.
"Ang galing niyo naman po, pero ano po ang kapalit nun?"
"Makukuha na niya ang mana niya kung matatapos na niya ang kanyang mission." Napatango tango naman ako.
"Ayon po sa pagkakasabi niyo sa ugali ng anak niyo parang malaking adjustment para sa kanya ang misyong iyon. Pero tapos na po ba siyang mag aral?" Tanong ko di naman pwede na puro trabaho lang.
"Yeah, sa edad niyang 15 years old ay graduate na siya at nangunguna siya sa Harvard University." Napanganga naman ako. Maka sana all naman talaga.
"Ang talino niya naman. Ang taas ng IQ niya siguro nasa 135 po ang IQ niya."
"Paano mo nalaman iha mukhang matalino ka din katulad ng anak ko." Napakamot ako sa ulo.
"Uhmm di naman po."
"Deans lister ka ba?" Tanong nito na kinatingin ko sa kanya. Nahihiya naman akong tumango.
"Really? Pangilan ka?"
"Top 1 po. Pero tsamba po iyon." Sabi ko nalang.
"Wala ka talagang tiwala sa sarili mo, Iha." Napatingin ako sa kanya.
"Being one of the Billionaire living nowadays, you need to trust yourself. Dahil sa matagal na panahon tanging ang sarili mo lang ang kakampi mo, ang lahat ng mga nakapalibot sayo isipin mong isa silang leon na naghihintay sa biktima nila at aatakehin ka nila kung nakababa ang depensa mo."
"Being me a victim is enjoying that's my role. You know why? Dahil alam ko kung sino ang mga taong kayang magpapatumba sa akin balang araw. For you just play the prey role not the predator madali kang atakehin ng mga kalabang di mo kilala sa pagdating ng panahon. Pero pag dumating ang di kaaya aya na pangyayari, fight them to protect yourself and your love ones." Tumango ako habang nakikinig sa kanya.
"I will po."
Biglang kumatok at pumasok ang Secretary ni Mr. Swift.
"Kailangan niyo na pong bumalik sa kompanya, Sir." Tumango naman si Mr. Swift.
"Mataas din ang oras ng ating usapan at nag enjoy ako sa oras na iyon." Sabi nito saakin na kinangiti ko.
"Ako din po."
"Miss Jasmine Red Cortez, show me what you got." Sabi niya na kinangiti ko.
"Opo!" At umalis na siya napangiti ako dahil na dagdagan ang inspire ko sa buhay. Napatingin ako sa mga pagkain.
"Kuya, pakibalot nga po."
End of Flashback...
Napangiti nalang ako habang naglalakad nang maalala ang lahat ng iyon. Nandito ako sa labas dahil nagutom ako habang nag aaral bumili kasi ako ng makakain sa may kanto nang biglang may humarang saakin at mukhang sila yung sumugod kay Ton-Ton noon.
"B-Bakit?"
"Mabuti nakita ka na namin matagal ka na naming hinahanap." Sabi nung isang lalaki.
"Ayoko ng away, please nagpapasakit lang kayo sa katawan niyo." Bigla akong hinawakan ng dalawa at dinala nila ako sa isang lugar na walang tao.
"Ano? Di ka makalaban diba?" Natatawang sabi nung isa. Natawa ako at napatingin ako sa dalawang nakahawak saakin at mabilis ko silang pinag untog na kina walan agad nila ng malay.
Pinatunog ko ang buto sa mga daliri ko at mukhang nagulat sila sa ginawa kk.
"Diba sabi ko kanina ayoko ng away nagpapasakit lang kayo ng katawan." Sabi ko sa kanila. Napalunok naman sila pero di pa din natakot at sumugod pa din. Sa 18 taon kong nabubuhay dito sa mundong ibabaw tanging pagprotekta sa sarili ko ang tanging nagagawa ko para makasurvive sa pang araw araw.
Tumba silang lahat dahil sa ginawa ko at nagulat ako nang makita ko si Ton-Ton na hinihingal na nakarating sa pwesto ko.
At nagulat sa nakita.
"You did that?" Tanong niya.
"Ha? H-Hindi, may lumigtas saakin at agad umalis." Palusot ko sa kanya.
"Teka nandito ka ba para iligtas ako?" Sabi ko agad sa kanya sabay ngiti at napakunot muli ang noo niya at tumalikod, agad ko naman siyang sinundan.
"Sabay ako ha baka may mga lalaki nanamang kukuha saakin." Sabi ko sa kanya pero di naman siya sumagot.
"Anong nangyari sayo sa loob ng isang linggo?" Biglang tanong nito saakin. Di ko aakalain na tatanungin niya ako.
"Bakit namiss mo ba ako? Nag aalala ka ba?" Tanong ko sa kanya.
Tahimik lang siya.
"I think you're okey."
At umuna na siyang lumakad at napangiti ako dahil sa narinig. Nag aalala nga siya di lang niya masabi.
Ang cute niyang mag aalala.
******
(Not Edited Yet)
LMCD22