Jasmine Red Cortez POV*
Kanina pa kami naglilibot dito sa mall at wala pa din akong napili kahit isang damit kasi ang mamahal kasi kahit na yung mga magagandang dress ang mamahal. Sana sa night market nalang ako pumunta.
"Uhmm.. sa grocery nalang tayo wala dito ang mga type kong damit." Sabi ko nalang sa katabi ko. Kanina ko pa siya kasama at bored na bored nga siya habang naglilibot kami.
"Pagod ka na ba? Pwede naman na wag mo na akong samahan baka may ibang lakad ka pa." Sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi siya tumitingin sa relo niya.
"Di ko magagawa iyon." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ayaw mo bang mahiwalay saakin?" Nakangiting sabi ko pa.
"Paano nalang kung bumulagta ka ulit diyan at sabihin nalang nila na iniwan kita kasalanan ko pa pagnagkataon." Na guilty naman ako sa sinabi niya. Kanina pa talaga siya gustong umalis.
Dahan dahan kong binitawan ang braso niya na kinatingin niya saakin.
"Kaya ko naman. Promise, lumakad ka na." Nakangiting sabi ko at tinulak ko siya ng mahina pero di man lang nagalaw kahit unti.
"Kanina mo pa ako pinaikot ikot dito sa mall tapos ganun mo nalang ako pinapaalis?" Nanlaki ang mga mata ko. Hala ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Uhmm... Sorry na Ton-Ton. Binigyan naman kita ng 200 pesos kaya quits na tayo." Napatingin naman siya sa tinuro ko sa bulsa niya at dinukot naman niya ang 200 sa bulsa niya.
Napabuntong hininga naman siya.
"Baka kasi may lakad ka pa o may date ka pang ibang babae." Sabi ko na mas lalo niyang kinakunot ng noo.
"Seriously? I don't have that."
"Eh? Sa gwapo mong yan wala kang girlfriend, imposible."
"Tsk." Bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila.
"Saan tayo pupunta?"
"Ikaw nanaman ang sasama saakin." Ah ganun naman pala. Nagpapasama din.
"Sus, no problem." Hinawakan ko muli siya sa braso niya at di naman siya pumalag.
Napapansin ko na maraming nakatingin sa gwapong katabi ko parang huhubaran na si Ton-Ton kahit na ang mga bakla.
Napatingin ako sa mga stall na may mga nagsesales talk na mga dalaga. Ayon sa pagsasalita nila hindi talaga siya nakakainganyo sa mga tao dahil parang wala silang gana.
"What are you looking?" Napatingin ako kay Ton-Ton na nakatingin na pala saakin.
"Sa tingin mo nakakaengganyo ba sila ng nga customers?" Tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa tinitingnan ko.
"Hindi, why did you ask?" Umiling naman ako at ngumiti.
"Just asking." Sabi ko nalang at lumakad nalang kami nang biglang may pumagitna saamin.
"Sir, baka gusto niyo po ng free massage." Naningkit ang mga mata ko dahil may halong panlalandi ang boses ng babaeng kaharap.
"Not interested." Lalakad ulit kami nang pumagitna muli ang babae.
"Subukan niyo lang, sigurado po akong gaganda po ang pakiramdam niyo pagkatapos." Mas lalo kong niyakap ang machong braso ni Ton-Ton.
"Ton-Ton, diba may pupuntahan pa tayo?" Napatingin siya saakin at napabuntong hininga na parang naiinis na sa babaeng nasa harapan namin. Biglang tumalim ang tingin niya sa babae at nakakatakot ang mga tingin na iyon parang mangangain atah ng tao si Ton-Ton.
"Narinig mo ba ang sinabi ko? O gusto mong tagalugin ko. Ang sabi ko hindi ako interesado sayo." Nagulat naman ang babae at napa atras ng kaunti at parang di siya makapaniwala sa nakita kahit ako nga eh natakot din ako sa kanya slight.
"T-Tayo na, Ton-Ton." Sabi ko nalang at lumakad na kami paalis doon. Nakaupo kami sa bench dito pa din sa mall at nakatingin sa fountain sa gitna.
"Ton-Ton, maayos na ba ang pakiramdam mo? Cool down ka na ba? Di ka na ba highblood kagaya kanina?" Sunod sunod na tanong ko pumikit naman siya at sumandal sa sandalan.
Tinulugan ba naman ako.
"Mukhang highblood pa din." Napabuntong hininga nalang ako.
"Ikwento mo saakin ang lahat ng nangyari sayo kahapon." Sabi niya habang nakapikit pa din. Di ko inexpect ang tanong niya ha.
"Who did that to you?" Napatingin ako sa kanya mukhang yun atah ang maka cool down sa kanya.
"Uhmm... Okey, kung yan ang gusto mo. Kahapon kagaya ng sinabi ko final exam namin kahapon at habang naghahanda namigay yung isang kaklase ko ng mga juice at isa na ako sa nabigyan pero di ko sana tinanggap pero nagpipilit siya na inumin ko yun at wala akong nagawa dahil may mga kaklase ko din ay nakisali para inumin ko yun then nung nagexam na bigla nalang ako nawalan ng malay at gabi na ako nagising pero tinapos ko talaga ang exam nung gabing iyon hanggang sa matapos ko na at makauwi at doon na ako nakaramdam ng hilo hanggang makita mo ko sa may poste. Yun na yun the end." Kwento ko sa kanya.
Pagtingin ko sa kanya nakamulat na siya at nakakunot ang noo.
"Who's your classmate?" Tanong niya na kinagulat ko. Opps..
"Nako wag na ayos lang."
"Magkalaban ba kayo sa grado?" Natigilan ako paano niya nalaman iyon?
"Hmm... Let's go." Bigla niya akong hinila. Saan nanaman niya ako dadalhin?
Hanggang mapunta kami sa grocery store at ako na ang tumulak sa cart kasi mukhang masayang tumulak ng cart. May mga kinuha siyang mga pagkain at inilagay sa cart. Ako naman ay nahihiyang kumuha ng pagkain kahit ako ang magbabayad.
Pero kaysa babalik ako mamaya kumuha nalang din ako pero inilagay ko sa separate place sa gilid ng cart.
Mapahinto ako nang makita ko ang lugar kung saan nakalagay ang mga napkins.
"Uhmm... Ton-Ton, kuha muna ko ng napkin." Sabi ko. Napaiwas naman siya ng tingin. Kaya agad akong kumuha ng napkin at inilagay sa cart at bumalik muli sa pwesto niya.
"Tara." At umuna nanaman siyang lumakad.
Napatingin ako sa magkapamilya na kompletong naggogrocery. Napangiti nalang ako dahil nakita ko ang saya nila sa pagkakaroon ng ganun. Masaya sila... Ano kaya ang pakiramdam nun?
"Who are you looking at?"
"Sila... Ang saya nila, kompleto sila. Sigurado akong masaya ang mga anak nila dahil may mga magulang na umaruga sa kanila simula bata pa sila. Masaya siguro pag kompleto noh?" Napakagat nalang ako sa labi ko at napatingin sa katabi ko.
"It's not. My Mom and Dad are all childish. I'm not happy with that." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Woah, really?! Ang saya nun." Nagtatalon kong sabi.
"It's not."
"By the way nasaan sila?" Natahimik naman siya at lumakad na. Problema ng taong yun?
Binayaran na namin ang mga binili namin at madami dami din ang binili niya at ako dalawang cellophane lang.
"Bukas trabaho na naman tayo parang ayaw kong matapos ang araw na ito ang saya palang mamasyal. At malaki ang pasasalamat ko sayo dahil ikaw ang gamot ko para mas lalo akong gumaling." Napahinto naman siya at napatingin saakin.
"I'm not."
"Kill joy mo talaga. Tara kain muna tayo gutom na ako. Sulitin na natin." Iniwan muna namin sa baggage counter ang mga pinamili namin bago ko siya hinila papunta sa fastfood.
Namili na kami ng makakain namin at like as usual di ako nagpapalibre kahit ilang ulit na niya sinabing siya na ang magbabayad. Eh sa may pera ako eh.
Habang hinihintay namin ang order namin...
"Banyo muna ako, wag kang mambabae ka babalik ako." Sabi ko sa kanya. Natawa nalang ako sa sinabi ko kasi nakita ko na nakakunot ang noo niya. Dumiretso ako sa banyo at agad pumasok sa cubicle.
'Ruby, nabalitaan mo ba na naka exam pa din si Jasmine nung gabing yun?' rinig ko ang isang boses na pamilyar.
'Yeah, kahit naka exam iyon di pa din siya makakaconcentrate dahil umiikot na ang paningin nun para siya nalalasing na nilalagnat." Boses ni Ruby ang narinig ko. Agad kong inilabas ang camera ko at vinedeo ko sila di naman nila makikita dahil nakatago pa din ang cellphone ko.
"Ano ba talagang klaseng gamot ang inilagay mo sa juice parang hindi normal eh. Akala ko na sleeping pills lang iyon."
"Hindi iyon ordinaryong gamot. Isa iyong illegal drugs." Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Drugs?!
"Woah, kakaiba yun ha."
"Yeah, pangalawang tikim niya ng gamot na iyon hahanap hanapin na niya ang bagay na iyon." Napatakip ako sa bibig at gulat na gulat pa din sa narinig.
"Unang tikim niya at yun ang unang lalabas sa katawan niya, ikalawang tikim ay magiging uhaw siya at hahanap hanapin niya iyon at nang mainom na niya ganun din ang mangyayari sa katawan niya lagnat at hilo at madagdagan na din ng addiction at ang ikatatlo ay makakalimot na siya at sa huli unti unti siyang mamamatay." Bigla nalang tumulo ang luha ko dahil sa narinig. Ano bang klaseng gamot iyon?!
Bakit niya iyon ginawa saakin? Wala naman akong ginawang masama sa kanila.
At naramdaman kong lumabas na sila na kinaupo ko sa sahig. Inilagay ko na sa bag ko ang cellphone at agad umiyak.
"Hey, woman." Rinig ko ang boses ni Ton-Ton sa labas na kinatayo ko at inayos ang sarili.
"T-Teka lang Ton-Ton patapos na." Sabi ko at naghilamos ng mukha dahil ang lagkit na ng mukha ko dahil sa luha.
Biglang padabog na bumukas ang pinto na kinagulat ko at nakita ko ang nag aalala niyang mukha.
Di ko mapigilan ang mga paa ko na tumakbo sa kanya at yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Di ko alam ngayon lang ako nakaramdam na parang babasagin na ako na tao isang iglap mababasag na ako dahil sa mga narinig ko kanina.
"Ton-Ton, ayoko pang mamatay." Mahinang sabi ko at naramdaman ko na nagulat siya.
"What the hell happen to you?" Sabi niya. Ayoko pang sabihin ngayon maraming tao na ang nakatingin sa amin.
"Uwi muna tayo." Sabi ko at humiwalay ako ng yakap sa kanya at naramdaman ko ang panghihina sa binti ko at mabuti agad akong inanalayan ni Ton-Ton.
"What happen, Sir?" Tanong ng isang empleyado sa fastfood.
"Pakibalot nalang ng inorder namin." Sabi ni Ton-Ton at agad namang lumakad ang babae.
"Ton-Ton..." Napatingin siya saakin.
"Kahit imposible pwede ka bang... manatili muna sa tabi ko sa mga araw ko dito?" Nahihiyang sabi ko. Pakiramdam ko ayokong kumain o uminom ng kahit ano ngayon natatakot ako na baka may inilagay nanaman sina Ruby doon.
"Just don't show me that face." Nakita ko ang pag aalala niya sa akin. Ibang iba ang emosyon ko ngayon ang dating masayahing ako at biglang nag ka ganito.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Okey, pangako..." Sabi ko at dahan dahan na ngumiti.
Nasa boarding house ko kami ngayon at nakatingin siya sa akin ngayon parang hinihintay ako na magsalita.
"What happen, tell me." Tanong niya saakin. Napaiwas naman ako ng tingin nang maalala ko muli ang mga narinig ko kanina.
Ngumiti ako sa kanya at napakagat sa labi. Wag kang umiyak di mo dapat pinapakita ang mukhang yan dahil nag promise ka sa kanya.
"Anong sinasabi mo na mamamatay ka? May sakit ka ba?" Tanong niya. Sasabihin ko ba sa kanya o hindi?
Napabuntong hininga siya at tumayo.
"I'll wait, hanggang masabi mo na." Sabi niya. Tumango ako at nagulat ako nang bigla siyang tumalikod at aalis na.
"Uuwi ka na?" Tanong ko.
"Yeah, kumain ka nalang pinabalot ko ang inorder natin kanina." Napalunok ako nang napatingin ako sa mga inorder namin.
"Ton-Ton, sabay tayong kumain." Sabi ko na kinakunot ng noo ko.
"Please." Nakayukong sabi ko.
"Fine." Napangiti ako at agad siyang lumapit sa inorder na pagkain namin at ako kumuha ng plato.
At agad kong inilagay ang mga inorder namin. At kumain na agad si Ton-Ton.
"Ayos lang ang lasa?" Tanong ko sa kanya na kinatango niya.
"Dahan dahan kong kinuha ang spaghetti at tinikman at mabuti normal lang. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Nakatingin lang si Ton-Ton saakin at ngumiti lang ako sa kanya.
Ngayon ko lang nalaman na unti unti na akong napapalapit sa walang emosyong si Ton-Ton kahit bago ko palang siya nakilala pero ramdam ko na hindi naman talaga siya masamang tao at kahit cold siya nag aalala pa din siya saakin.
Uminom siya ng pineapple juice kaunti gamit ang straw at ibinigay niya saakin na kinatingin ko sa kanya.
"It's safe." Sabi niya at dahan dahan ko namang kinuha at pineapple juice at ininom iyon. Nang makita niya na ininom ko iyon nagpatuloy ito sa pagkain.
"Thank you, Ton-Ton." Sabi ko na kinahinto niya sa pagkain.
At tumingin sa akin.
"I'm not helping you, tinikman ko lang kung ano ang lasa sa pineapple juice." Natawa nalang ako at tumango tango.
"Oo na. Oo na. Hahaha." Natatawang sabi ko at nakita ko na natawa siya ng kaunti. Kaunti lang naman.
Ngayon ko lang siya nakitang tumawa at mas lalo siyang gumwapo.
*****
(Not Edited Yet)
LMCD22