Chapter 9

2105 Words
Jasmine Red Cortez POV* Agad akong napahiwalay kay Ton-Ton dahil sa ginawa niya. Eh kasi inagaw niya ang precious first kiss ko. "Ton-Ton, naman eh!" Reklamo ko habang nakahawak pa din ako sa labi ko. "Kay future husband ko iyon ibibigay! Kinuha mo naman agad. Panagutan mo ko!" Naiiyak na sabi ko. Natawa naman siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Bakit ko naman gagawin iyon?" Tanong nito saakin na mas lalo kong kinaiyak hindi niya ako pananagutan! "Paano na ako magkaka boyfriend nito kung kinuha mo na ang first kiss ko! Paano na ako magkaka asawa nito at paano ako haharap sa altar na hindi ang asawa ko ang unang hinalikan ko." Nakita ko na natawa siya sa sinabi ko. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? "Pwede ba akong mag apply bilang unang boyfriend mo?" Tanong nito na kinatahimik ko parang pinaprocess ko pa ang lahat ng narinig ko sa kanya. "Diba yung papasok sa ganyang bagay dapat gusto ka din ng babaeng sinabihan mo niyan?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. "I'll do everything to make you say Yes in the end." Natulala ako sa sinabi niya. Teka may lagnat ba ang lalaking ito? "From now on sabay na tayo kumain para makita ko kung masustansya ba ang mga kinakain mo." Ganun ba yun? "Ako ang magbabayad sa kakainin ko---" "As your future boyfriend. I'll do that." Agad akong umiling. "No! Ako ang magbabayad." Sabi ko sabay back out ang kulit kasi ng lahi niya. Mukhang over protective future boyfriend ko tung lalaking ito. Hayzz.. teka parang ang easy girl ko atah dahil ba sa gwapo ang lalaking ito? Pero nagulat nalang ako nang may humawak sa kamay ko at hinila niya ako saan mang sulok ng mundo. Teka saan niya ako dadalhin? "Ton-Ton, saan mo ko dadalhin?" "Eat." "Hala, kung kakain man tayo wag sa mamahaling restaurant sa kalenderya lang tayo." Natigilan naman siya at napakunot ang noo. "Kalenderya?" "Mayaman ka? Imposibleng hindi ka pa nakakakain sa Kalenderya?" Nababasa ko sa mukha niya na di pa talaga siya nakakakain doon. "Seryoso?! Saan ka ba kumakain?" Tanong ko sa kanya. "In my boarding house, I'll cook my own food." Ah homemade pala. "Ahh... Bakit ayaw mong kumain sa mga kalenderya?" Tanong ko sa kanya. "Madumi." Napabuntong hininga nalang ako at napangiti at ako na ang humila sa kanya pero nagpapadala nalang siya. Nakarating kami sa isang kalenderia at dito talaga ako kumakain dahil mura lang. "Oh, maayo naa na pud ka dire mukaon, Jasmine." (Mabuti dito ka ulit kakain, Jasmine.) Nakangiting sabi ni Aling Rosa ang may ari ng kalenderia. "Alangan lami man imong nilutuan, Aling Rosa." (Masarap kasi ang mga luto niyo, Aling Rosa.) Agad na sabi ko na kinangiti niya. Napatingin siya sa katabi ko at napatingin din naman ako kay Ton-Ton na nakakunot ang noo parang walang maintindihan sa mga sinasabi namin. "Kinsa nang gwapong laki sa kilid nimo, Day. Imo nang uyab?" (Sino yang gwapong lalaki sa iyong tabi, kasintahan mo ba yan?) Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin kay Ton-Ton na wala pading maintindihan. "Dili oi, amigo ra nako ni." (Kaibigan ko lang ito.) Agad na sabi ko. "Ah mao, pero di jud bagay jud mo. Kamo nalang oi mura mag boutan sa akong pananaw." (Ah ganun, pero bagay kayo at mukhang mabait siya sa aking paningin.) Napakunot ang noo ko sabay tingin kay Ton-Ton. "Why?" Nakakunot noong tanong niya saakin. Pero di ko pinansin ang tanong niya. "Ganun po ba? Hmm..." "Unsay pangalan nimo, Dong?" (Anong pangalan mo, Iho?) Tanong ni Aling Rosa. "Pangalan mo raw." Sabi ko. "Ako po si Krypton pero Ton-Ton in short." Sabi ni Ton-Ton na kinangiti ko dahil ako ang nagpauso sa nickname niya. "Ang gwapo mo bagay ka sa Jasmine namin. Pwede ka na maging Alladin niya." Namula ang mukha ko at napatingin kay Ton-Ton. Kahit di nakangiti parang nagustuhan pa niya ang sinabi ni Aling Rosa. "Ano ka ba Aling Rosa, di kami pwedeng maging ganun at di ako mayaman para maging si Princess Jasmine." Hinawakan ni Aling Rosa ang kamay ko. "Walang imposible sa mundong ito. Believing is the key to make your dream come true." Napangiti nalang ako sa mensahe ni Aling Rosa. "Mukhang gutom na kayo kaya umupo na kayo at ako'y kukuha na nang pagkain niyo. Dating order pa din diba, Jasmine?" Tumango ako at nagsign ng dalawa sa daliri. "Okey, Noted!" At agad lumakad si Aling Rosa. Napatingin ako kay Ton-Ton na nakangiti na nakatingin saakin. "B-Bakit? Ang creepy mong ngumiti ha." Sabi ko nalang. Minsan lang kasi siya ngumingiti. "I promise myself na maging bagong taong magugustuhan mo." Nagulat ako sa sinabi niya. "Di ko naman hiniling na baguhin mo ang sarili mo. Ayos na ako sa kung ano ka." Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Ano na talagang nangyari sa lalaking ito. Ibang iba talaga siya? Teka kambal niya ba ito? "Pero pag nasa harapan mo ako gigisingin ko ang isang katauhan ko para sayo lamang. F*ck, sounds gay." Mahinang mura niya pa sa huli na kinatawa ko ng kaunti ang cute niyang makipag usap sa sarili. Mukhang di naman masama na maging boyfriend ko ang lalaking nasa harapan ko ang lalaking ito. Mukhang nilalabanan niya ang other side niya. "Heto na ang order niyo, Enjoy!" Agad nilapag ni Aling Rosa ang mga order ko. "Salamat, Aling Rosa." Sabi ko agad. Agad naman akong napatingin kay Ton-Ton na nakakunot ang noong nakatingin sa ulam. "What's that?" Tanong ni Ton-Ton. What?! Seryoso di niya kilala ang mga iyan? "Okey, ipapakilala ko. Ito ang tawag nito ay Bloody." Mas lalong kumunot ang noo niya. "b****y? Kaninong dugo?" Gusto kong matawa sa mukha niya. "Pigs, dugo ng baboy na niluto kaya naging itim." Napataas naman ang isang kilay niya. "Is that dinuguan?" Ngek! Alam naman pala niya. "Yeah, dinuguan yan." Napatingin naman siya sa kabilang platito. "That? That orange one?" "Smaller." Sabi ko ulit. Gusto na talagang humagikhik dito dahil sa mukha niya. "True name." Sabi nalang niya na kinapout ko. "Ginagmay ang tawag diyan sa bisaya. Means maliit lang hiwa sa mga ingredients." Tumango naman siya. "And last... I think that's curry." Nanlaki ang mata ko at tumango. "Tama ka! Hahaha." Mabuti naman at tinikman niya ang lahat ng inorder ko at mukhang ayos naman sa kanya ang lasa. "Masarap?" Tanong ko at tumango naman siya. Hanggang sa matapos na siyang kumain at binayaran na namin ang biniling pagkain. Di ko napansin na nabayaran na pala niya na di ko nalalaman kaya pilit ko ulit binibigay sa kanya ang perang dapat ibayad kay Aling Rosa. "Bakit ayaw mong magpalibre?" Tanong niya na kinatahimik ko. "Jas, tell me. Simula ngayon ako na ang taong nasa tabi mo na parati. Please wag mo nang kimkimin ang problema mo tell me para matulungan kita." Napatingin ako sa kanya. "Natatakot ako na balang araw isusumbat sa akin ang lahat ng nilibre nila." Nakatingin lang saakin si Ton-Ton hanggang sa napatawa siya at niyakap ako. "I'll understand that. Don't worry di ko gagawin iyon sayo. Please ako na ang maglilibre sayo. Ako ang bahala sa pagkain mo sa bilihin m---" "Hep hep!" Napahiwalay ako ng yakap at tumingin pa din sa kanya. "Wala pa tayong relasyon at may pera akong ipambili sa mga gastusin ko araw araw---" natawa siya ulit at pinat ang ulo ko. "Just kidding." Naglalakad kami papunta sa isang park sa taas ng bundok. Marami ding mga bumibisita dito dahil sa makikita mo ang boung syudad lalo na ngayong gabi puro mga liwanag ang nakikita ko. Lalo na ang mansion ng mga Swift ay makikita din dito sa laki. Napayakap ako sa sarili dahil sa ginaw at naramdaman ko nalang ang jacket na nakapatong sa balikat ko. "What's in your mind?" Tanong niya na nasa gilid ko. "Gusto kong magkaroon ng ganyang kalaking mansion yung mala mall sa laki. Gusto kong makaipon ng malaki makapatayo lang ng ganyan. Gusto ko ding maging kagaya ni Mr. Swift na CEO ng Swift Company na maging Billionaire. Pero mukhang malabo." "Bakit gusto mong yumaman?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya. "Dahil gusto kong matulungan ang mga kagaya kong walang mga magulang at yung mga mahihirap din na katulad ng mga kasama ko noon maghahanap ng pagkain at nanglilimos lang sa daan. Gusto ko talaga silang tulungan dahil alam ko kung gaano sila kagutom at kahirap." Nakatingin ako sa langit. Sana matupad. "Hmm..." "Habang nabubuhay pa ako gagawin ko ang lahat para pinagpatuloy ko ang pangarap ko." Nakangiting sabi ko at tumingin din sa kanya. "You really an Angel, Jas. And a Devil just like me like you very much." Nakatingin lang ako sa mga mata niya at nakikita ko na totoo ang mga nakikita ko. "Ton-Ton..." "From the day na una mo kong napansin at tinawag mo ko doon ko nakikita ang isang Anghel na kayang magpalabas sa akin sa kulungan ko." Sabi niya na kinatingin ko lang sa kanya. "Di ko alam kung kailan pa ito nagsimula basta ang nararamdaman ko ngayon ikaw na talaga ang babaeng nagpapatibok ng malamig kong puso." Kahit cheezy ang mga linya niya ay nararamdaman ko din ang mga sinasabi niya. Parang may something din sa puso ko. Hinawakan niya ang kamay ko na kinatingin ko sa kamay niya. "Sana matanggap mo na ang pagmamahal ko." "Oo, tinatanggap ko na." Natigilan siya sa sinabi ko na kinalaki ng mga mata niya na parang di siya makapaniwala sa narinig. "Boyfriend na kita. Ibig sabihin nun wala nang ibang babae ang aagaw sayo once na tayo pa. At habang tayo pa akin ka lang." Agad na sabi ko. "Totoo ba ang narinig ko?" Agad na tanong niya saakin na kinangiti ko at agad tumango. Niyakap niya ako na kinayakap ko na din sa kanya. Mukhang sasanayin ko na ang sarili ko na maging komportable sa boyfriend ko. Teka bakit parang kinilig ako sa word na Boyfriend ko? Ganito ba ito? "Dahil boyfriend mo na ako wag mong isipin na ikukwenta ko ang lahat ng ililibre ko sayo sa hulihan." Magsasalita sana ako nang pinigilan niya ako. "Stop talking, ako lang ang maglilibre sayo. Understand." Nag aalanganin pa ako kahulihan tumango nalang ako. Kailangan ko nang sanayin ito. Habang naglalakad kami napatingin kami sa ibang magkasintahan na nagkaholding hands habang naglalakad. Napatingin naman ako sa kamay ni Ton-Ton. Hinawakan ko ito na kinatingin niya. "Ganito naman diba?" Ngumiti siya at tumango at inenterwise niya ang mga kamay namin na kinangiti ko. Ganito ba ang feelings? Ang bilis ng puso ko. Ngayon lang ang nakaramdam ng ganito at parang abnormal ang puso ko. "Ton-Ton, mabilis din ba ang t***k ng puso mo? Akin kasi parang abnormal eh. Maupo nga muna tayo." Sabi ko nalang at natawa naman siya ng mahina at inalalayan ako sa pag upo. Napayuko ako dahil nag iinit din ang mukha ko parang nahiya kasi ako eh. "That's normal." Sabi niya at itinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya at naramdaman ko na mas mabilis ang kanya. "So, February 14 our anniversary?" Napatingin ako sa kanya. Di ko napansin iyon kaya pala ang dami ng mga magsyota kahit saan. "Oo nga noh." Sabi ko nalang at natawa naman siya at inakbayan niya ako at di naman ako umangal dahil nagustuhan ko din ang pwesto namin. Nakasandal ako sa kanya habang nakaakbay siya saakin at tumingin kami sa kalangitan na tanaw namin ang sunset na ikinaganda ng langit. Ganito pala ang pakiramdam na may boyfriend? "Ton-Ton, ano ba talaga ang full name mo? Di ko pa kasi alam ang boung pangalan mo tanging Krypton lang ang alam ko." Nakasandal pa din ako sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko na mas lalong kinabilis ng t***k ng puso ko. "I'm Krypton Zen Swift." Sabi niya. Ang ganda ng pangalan niya. "Kaparehas kayo ng apelyedo ni Mr. Swift." Sabi ko. "This is our first date, don't mention other name except my name." Sabi niya na kinatawa ko at tumango tango nalang. Mukhang di nga niya kilala si Mr. Swift baka di sila kaano ano. "Jas, sana mapasok mo na ako sa mundo mo. Sana matanggap mo na mahalin ka ng buo." "Gusto din kita." Agad kong sabi nalang at natahimik naman siya. Yun kasi ang sinasabi ng puso ko at parati siya ang hinahanap. "Jas, It's that true?" Tumango nalang ako at nakita ko ang saya sa mukha niya at d niya napigilan na halikan ang noo ko na kinangiti ko. Masaya ako nang makita ko na masaya din siya. Ito na ba ang sinasabi nilang Love? Ito na ba iyon?! ****** (Not Edited Yet) LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD