Chapter 8

2057 Words
Jasmine Red Cortez POV* Pumikit ako at sabay hinga palabas, hinga paloob at sabay buga at napamulat ako at napangiti ako. "Wag kang nega! Nasaan ang positive na Jasmine!" Sabi ko sa sarili ko sa salamin. Nakasuot na ako ng uniform namin dahil ngayon ang araw malalaman ang resulta sa exam namin nung isang araw. At makikita ko rin si Ruby. Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa salamin. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok at agad ko naman itong pinuntahan at nakita ko si Ton-Ton sa labas ng pintuan. Nakasout siya ng pantalon na maong at tshirt na itim at naka mask pa din siya kagaya ng ginagawa niya sa kompanya. Eh di naman siya nagmask kahapon nung namasyal kami. "Hala bakit ka nandito? Diba may trabaho ka pa?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. "Sabay na tayo baka bigla ka na namang umiyak sa isang tabi." Namula naman ang mukha ko dahil sa hiya. "Ton-Ton, naman eh!" "Kunin mo na ang gamit mo sabay na tayo madadaanan ko naman ang eskwelahan mo papuntang kompanya." Narealize ko ma madadaanan nga naman. "Ah teka kuha ko muna ang gamit ko." Sabi ko at agad kinuha ang bag ko at agad nilock ang bahay ko bago kami lumakad. "Ton-Ton, salamat pala kahapon. Dahil di mo ko iniwan doon." Nakangiting sabi ko habang di nakatingin sa kanya. Di naman siya sumagot at tahimik lang habang naglalakad. Parang malalim ang iniisip ni Ton-Ton kasi parang di kasi siya nakikinig sa mga sinasabi ko. "Ton-Ton, crush kita." "Oh." Tulala pa din siya nang bigla siyang napahinto at napatingin saakin. "What?" Kunot noong sabi niya. Pero ako nanaman ang nagpatulala kuno habang naglalakad. "Hey, woman." Bigla niyang hinawakan ang backpack ko na kinabalik ko sa kanya. "Narinig mo ba ako?" Tanong niya. Napataas ang isang kilay ko at tumingin sa kanya. "Ton-Ton, for your information hindi 'woman' ang pangalan ko kundi Jasmin!" Nakapout pa ako. "I'm not Ton-Ton too." Sabi niya na kinakunot ng noo ko. Nang may naisip akong ideya. "Okey, Okey, ganito nalang proper introduction tayo." Sabi ko sabay talon talon. "Boring.." aalis sana siya nang ako nanaman ang humawak sa bag niya at  hinila papalapit saakin at nagpahila din naman. "What?" "Magpakilala tayo ulit kakaiba kasi ang unang pagkakilala natin. At wag kang umangal ang aangal bakla." Napakunot ang noo niya sa sinabi ko pero tahimik lang siya. "Okey dahil naniniwala ako sa ladies first ako ang mauuna. I'm Jasmine Red Cortez, 18 years old. You can call me whatever you want." Nakangiti kong sabi. "Like Woman." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya kaya mahina ko siyang sinuntok. "Sadist woman." Sabi niya na kinasama ko ng tingin sa kanya. At tinalikuran siya grabe naman di nakikisama ako nalang parati ang nag aadjust. "Fine, Fine. I will not call you that, Jasmine." Napahinto naman ako at napangiti ng pinasekreto. Nagulat nalang ako ng hilain niya ako at bigla akong napaharap sa kanya at nanlalaking mata akong napatingin sa kanya. "I'm Krypton Zen Swift, you can also call me--" "Ton-Ton! Yun na ang tawag ko sayo!" Nakangiting sabi ko sa kanya. "Fine, do as you please." Sabi niya at umuna nang lumakad. Napangiti ako sa kanya at agad siyang sinundan. Hanggang makarating na kami sa university ko. "Dito na ako, Ton-Ton." Nakangiting sabi ko pero sa loob looban bumibilis nanaman ang puso ko dahil baka mangyari nanaman ang nangyari nung exam na pinainom ako ng i***********l na gamot. Tatalikod sana si Ton-Ton nang bigla akong napahawak sa laylayan ng damit niya nang makita ko si Ruby na kakadating lang at bumaba sa mamahalin niyang kotse. "Why?" Mahinang sabi ni Ton-Ton pero di ako nagsalita nararamdaman ko pa din ang panginginig sa kamay at  paa ko at di ako tumingin kay Ruby at mukhang di naman niya ako napansin dahil nakaharang si Ton-Ton. At nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na sila. Napatingin ako kay Ton-Ton nang may inilahad siyang burger. "Eat." Sabi niya. Kinuha ko naman iyon at lumapit siya saakin at pinat ang ulo ko. "Don't make that face." Malamig na sabi niya at mukhang galit siya na ano. Naiinis na ba siya sa mukha ko? "Una na ako." Sabi niya at unti unti kong binitawan ang damit niya at lumakad na siya. "Ton-Ton!" Tawag ko at napahinto naman siya pero di siya tumingin. "Ingat ka ha." At nagpatuloy na siya sa paglalakad. Napatingin ako sa gate at huminga ng malalim bago pumasok. Humakbang ako hanggang makapasok. Ramdam ko pa din ang kaba at nginig sa boung katawan ko habang papunta sa klase ko. Pero hindi... Hindi ako mag papa epekto sa gamot na iyon kasi ipagpatuloy ko ang lahat ng pangarap ko habang nabubuhay pa ako. Napahinto ako at napatingin sa mga estudyante at nakatingin sila sa white board at nandoon ang mga  pangalan ng mga estudyante. At doon ako natauhan nang maalala na ang mga papel na nandoon ay mga pangalan sa mga nakapasa at ang Top 10 dean's list. Mas lalo akong kinabahan dahil sa resulta. Huling taon ko na ito sana mapasa ko iyon. Tingin sa Top 10 hanggang sa Top 1. Nanghina ang tuhod ko na kinaupo ko sa sahig at tumulo ang luha ko. "Congratulation, Jasmine." Sabi ng Adviser namin. At napatingin ako sa mga estudyante na nagpalakpakan. "P-Pasa ako..." Di ako makapaniwala sa nakita. Pero napatingin ako sa Top 2 hanggang 10 pero wala ang pangalan ni Ruby. "Di po ba nasali si Ruby?" Tanong ko sa adviser ko. Inalayan ako ng Adviser ko na tumayo. "Sumama ka muna saakin may pag uusapan tayo." Tumango nalang ako sa sinabi ng adviser namin at dumiretso kami sa opisina ni Maam. "Napagpasyahan ng board kanina na hindi isali si Ruby sa graduation ngayon dahil sa kanyang ginawa. Nalaman sa pag aaral na hindi lang sleeping pills ang bagay na pinainom sayo." Natahimik ako dahil alam ko na ang bagay na iyon. "Mukhang may alam ka sa gamot na iyon." Napayuko pa din ako at bigla nanamang luha na tumulo ang luha ko. "Ma'am, di ko po alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong masumbungan dahil mayaman si Ruby at  walang wala ako sa kanila. Lumapit si Ma'am saakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Gagawin ko ang lahat doctor ang kapatid ko at siya ang nagcheck sa gamot na pinainom sayo. Don't worry hahanap kami ng paraan mapagaling ka lang." Napaiyak ako at tumango tango. At niyakap ko siya. Para ko na siyang ina noon pa man nung pumasok ako dito. Wala siyang anak at ako lang din daw nakakaintindi sa kanya. At umiyak ako sa kanya. Biglang tumunog ang cellphone ng guro ko. "Excuse muna ha." Tumango ako at sinagot naman niya ang tawag at gulat ang reaksyon niya at agad niyang binuhay ang tv at nakita ko ang isang balita at hinuli ang mga magulang ni Ruby at kahit si Ruby ay hinawakan din ng mga pulis. "Teka anong nangyayari?!" Kinakabahang sabi ko. "Hinuli sila dahil nalaman nila na sila ang nagtutulak ng druga dito sa Pilipinas." Sabi ni Ma'am na kinalaki ng mga mata ko. 'Lumabas ang lahat ng ibedensya na nagtutulak talaga sila ng i***********l na gamot dito sa pilipinas at kasabay nun ay ang pagbagsak ng kanilang kompanya ikadahilan ng pagka bankrupt nito.' nanghihina akong napaupo. Grabe ang karma ang nangyari sa kanila. "Di ko talaga aakalain na gagayahin ni Ruby ang mga ginagawa ng kanyang mga magulang. Sayang na bata matalino pa naman siya." Malungkot na sabi ni Ma'am. "Ma'am baka alam nila kung ano ang antidote sa pinainom nila saakin." "Ilang tanong ko na sa kanya pero wala daw siyang alam." Nanghina muli ako dahil sa narinig. "Ma'am, pwede po bang umuwi muna. Magpapahinga po muna ako." Sabi ko nalang at tumango naman siya. Lumakad ako hanggang makalabas ako ng University. Di ko alam masaya ako dahil Top 1 ako sa dean's list pero ngayon malungkot ako dahil sa gamot na pinainom saakin. Isang pagkakamali na makainom muli ako nun iba nanaman ang mangyayari sa katawan ko. Di ko alam kung bakit di sa boarding house kundi sa parke ako dinala ng mga paa ko. Mas lalong kumirot ang puso ko nang makita ang mga masasayang pamilya na nagmamahalan at may mga magsyota na naglalakad. Umupo ako sa isang tabi at nagulat dahil may tumawag sa cellphone ko. At unregistered iyon. Pero sinagot ko iyon. "Hello? Sino ito?" Bungad ko. "Where are you?" Pamilyar ang boses mukhang boses iyon ni Ton-Ton. Paano niya nakuha ang number ko? "Park." Yun nalang nasabi ko. "I see." Napakunot ang noo ko nang ibinaba niya ang tawag. Problema ng taong iyon? Napayakap nalang ako sa bag ko at ramdam ko ang pag iisa ko. Sa oras ng kasayahan marami sila pero sa oras ng kalungkutan ako nalang nag iisa. Naramdaman ko ulit ang luha sa mga mata ko pero pinabayaan ko lang iyon gusto kong ilabas lahat ng sakit. Mas lalo kong niyakap ang bag ko at itinakip ang mukha ko sa bag ko. "Are you finish crying?" Tanong ng isang boses sa akin at nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Ton-Ton. Teka kailan pa siya nasa tabi ko. "Sorry, ayaw mo pa naman na makita ang ganitong mukha--" naputol ang sasabihin ko nang itinapat niya ang hamburger sa bibig ko. "Shut up and eat." Kinuha ko naman ang burger na nasa bibig ko at tumingin sa kanya. Ang hilig talaga niya mamigay ng burger.  Kanina binigyan din niya ako ngayon din? Kumagat ako at napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin. "Pwede ba kitang yakapin?" Tanong ko na kinakunot ng noo niya. Mukhang ayaw niya. "Fine." Napatingin ako sa kanya at gulat pa din ang mukha dahil sa pumayag siya. Hinawakan niya ang ulo ko at inilapit sa katawan niya. Hanggang makuha ko na ang ibig niyang sabihin. Agad kong niyakap ang katawan niya at doon ako tahimik na umiyak. "Bakit di ka pumasok? Anong resulta sa exam niyo?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya pero nakayakap pa din ako. "Top 1 ako." Nakita ko na napangiti siya at pinat ang ulo ko. "Good." Sabi niya na kinangiti ko at napapikit ako. Para akong aso na pinat ng amo ko sa ulo. Humiwalay ako ng yakap sa kanya nang may narealized ako. "Bakit ka tumakas sa trabaho mo? Baka mabawasan ang sweldo mo." "It's okey." Sabi niya. Ngayon lang ako nakakita ng kaibigan na maaalahanin kahit di halata. Napatingin ako sa magkasintahan na naghaharutan sa isang gilid na kinangiti ko. Mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa. Napatingin naman si Ton-Ton sa tinitingnan ko. "Hey, gusto mo ba ang lalaking iyon?" Agad akong napatingin sa kanya at agad natawa. "Hahaha hindi noh, ang sweet lang nila." Sabi ko sa kanya na kinatingin naman niya. "Hmm... Sa pagka alala ko may kasama siya kanina na ibang babae." Sabi ni Ton-Ton na kinatingin ko sa kanya. "Babaero?" Tanong ko. "Forget it." Sabi nalang niya na kinakunot ng noo ko. "Ganun na ba ang mga lalaki ngayon? Hindi na makokontento sa isa? Yan ang ayoko sa mga lalaki yung hindi marunong makontento." Tanong ko sa kanya at napatingin naman siya saakin at pinitik ang noo ko. Agad akong napapout at napahawak sa noo ko. "Wag mong lahatin." Kunot noong sabi niya. "Ikaw, ilang babae na ang babae mo? Sa gwapo mong yan imposible na wala kang babae." "Wala akong babae." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "NGSB?" "What's that?" "No Girlfriend Since Birth. As in wala?!" Tumango naman siya. "Same pala tayo. Trabaho pa kasi ang inuna ko eh no time for that." "Pero ikaw as in wala talaga so wala ka ding first kiss?" Sabi ko nanaman at mukhang napikon nanaman siya sa pang iinis ko sa kanya. "Hahaha sabi ko nga wala. Hardwork mo naman paano ka magkakagirlfriend niyan. Ako nga mukhang hahanap na din ako dahil mukhang malapit na ang due date ng buhay ko." Biro ko sa kanya na kinakunot ng noo niya. "Shut up." "Bibig ko ito kaya magsasalita ako---" natigilan ako nang bigla niyang hinalikan ang virgin lips ko na kinalaki ng mata ko. Teka ang first kiss ko kinuha niya!!! Sa edad ko na 18 years old kinuha ni Ton-Ton ang first kiss ko na para sa asawa ko sa future. ****** (Not Edited Yet) LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD