Chapter 10

2102 Words
Jasmine Red Cortez POV* Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na nakatapat sa mukha ko. Napaupo ako at napatingin sa orasan. 7am pa lamang at tatayo sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na kinahinto ko. Pagtingin ko nakita ko ang nakasulat sa cellphone ko. 'My Ton-Ton' Doon na ako nagising sa katauhan nang maalala ang nangyari kahapon na boyfriend ko na si Ton-Ton! Agad kong sinagot ang tawag nito at kailangan good mood lang. "Hello, Ton-Ton." Nakangiting sabi ko. "Kakagising mo pa ba?" Tanong niya sa kabilang linya. Napahiga ako sa gigaan ko at napayakap sa unan ko. "Opo, kakagising ko lang. Ikaw kakagising mo rin ba?" Tanong ko sa kanya. "Kanina pa. Baka nakalimutan mo magpa practise pa kayo ng graduation march." Nanlaki ang mga mata ko. Hala ngayon pala iyon magsisimula. "Hala oo!! Teka lang maliligo na ako! Tatawagan na kita mamaya, Bye!" Agad kong binaba ang cellphone ko. What the bakit ang aga kasi lumalandi ka agad. Agad akong tumayo at agad dumiretso sa banyo at ginawa na ang ritwal na dapat gawin hanggang sa lumabas na ako ng banyo at agad nagbihis ng casual. Napatingin ako sa papel na ginawa ko nung nakaraang araw. Ito iyong graduation speech na pinaghahandaan ko. Agad akong lumabas ng boarding house at nagulat ako dahil sa bisita na nakatayo sa labas ng gate. At napatingin ang mga chismosang kapit bahay ko. Di kasi naka mask si Ton-Ton kaya kita ang gwapo niyang mukha at makikita pa din doon ang malamig niyang mga titig. Napakagat ako ng labi at napangiti. Lumapit ako sa kanya na kinatingin niya saakin sabay ngiti ng napakaganda. "Good Morning, Jas." Hinalikan niya ang noo ko na kinakilig ko. Nakita ko ang mga tingin ng mga chismosa sa gilid. Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Bakit nandito ka Ton-Ton? Baka malate ka sa trabaho mo." Malambing na sabi ko sa kanya. "Iniba ko lang ang schedule ko para may oras na ako sayo." Sabi niya. Napangiti naman ako at napangiti. "Tayo na nga, baka malate pa ako." Sabi ko nalang at tumango naman siya. Wala naman akong pake sa mga chismosa diyan. Nakahawak kamay lang kami habang naglalakad. Hanggang makarating na kami sa school. Tumingin ako sa kanya habang di pa din binibitawan ang kamay niya. "Pumasok ka na." Mahinahong sabi niya. Ngumiti ako na kinangiti niya. "Ikaw, ingat ka sa daan ha." Sabi ko sa kanya na kinatango naman niya. Tumalikod ako at unti unting bumitaw ang mga kamay namin at tumingin muli ako sa kanya at tumango siya at pumasok na nga ako sa gate at dumiretso na. Naglalakad ako sa hallway nang biglang may tumakip sa mga mata ko. Natigilan naman ako at inamoy ang kamay ng lalaki at pamilyar iyon at di ko maalala kung sino. "Sino ito?" Tanong ko. "Hulaan mo." Halata naman na iniba nito ang boses nito pero mukhang alam ko na kung sino iyon. "Kyzler." Natatawa naman ang tao sa likuran ko. "Mabuti naalala mo pa ako." Sabi niya saakin. "Syempre, ikaw pa. Teka bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. "Hmm.. namamasyal lang." Sabi niya na kinataas ng isang kilay ko. "Mamamasyal? School namin ito di toh park." Natawa naman siya at napakamot sa ulo. "Totoo naman talaga. Sinama ako ng kapatid ko dito may inasikaso pa siya doon at sadyang bored ako kaya nagpalakad lakad nalang ako dito." Tumango nalang ako. "Dito nag aaral ang kapatid mo? Teka may kapatid ka pala?" Tanong ko agad naman siyang napailing. "Parang kapatid ko na siya pero only child lang talaga ako. Anak siya ng katulong namin." "Ang bait mo naman palang amo. Ang yaman niyo talaga noh?" "Nah, sus magulang ko lang ang mayaman di ako." Natawa ako at napatango. Alam ko na magpinsan sila ni Ton-Ton at gusto kong tanungin sa kanya ang mga magulang ni Ton-Ton kung nasaan baka kasi alam niya. "Matanong ko lang, nasaan ba ang mga magulang ni Ton-Ton?" Tanong ko sa kanya. "Siguro si Ton-Ton na ang tanungin mo tungkol diyan. By the way bakit naging interesado ka sa pinsan ko?" Namula agad ako. Eh kasi naman eh! "Ayon sa nababasa ko sa mukha mo may gusto ka sa pinsan ko." Nakapamewang na sabi niya. "Uhmm... Boyfriend ko na nga siya eh." Agad na sabi ko na kinagulat niya. "Boyfriend?" Gulat na sabi niya. Tumango naman ako. "Di ko akalain na magkakagirlfriend pa yun pero seryoso?" Tumango naman ako. "Sayang..." Napatingin ako sa kanya. Anong sayang? "Huh, bakit sayang?" Tanong ko. Napaiwas naman siya ng tingin at ngumiti. Nakikita ko na may iba sa emosyon niya. Sa nakikita ko nasasaktan siya? Napaiwas din ako ng tingin. Bakit siya nasasaktan? May gusto ba siya saakin? Kailangan kong maiba ang topic parang naging awkward ang pangyayari dito. "Graduation practice pala namin ngayon baka malate na ako sa practise kailangan ko ng mauna." Sabi ko na kinatingin niya saakin. Ngumiti siya at tumango. At nagpaalam na ako sa kanya at tumakbo na ako. Napakagat ako sa labi. Ayoko sa ganito eh yung may masasaktan ngayon ko lang naramdaman na may boyfriend at may isa pang nagkakagusto saakin di naman sa assuming ako pero yun talaga ang nakikita ko sa emosyon niya. Nakalinya na kami at naririnig ko ang mga bati ng mga kaklase ko dahil ako ang Top 1 sa amin. At ngumingiti naman ako pabalik. "Salamat." Pumasok na kami sa gym kung saan gaganapin ang graduation na gaganapin. At nagsiupuan na kaming lahat. Napatingin ako sa likod nang may nagsisigawang mga kababaehan. Mukhang kilala ko na kung sino ang dumadating. "Aaahhh! Adrian! Kyaaa!" Sigawan ng mga fans nito. Siya si Adrian isang modelo at sikat siya at lumalabas na nga ang mukha niya sa mga drama sa tv. Gwapo siya at half American siya kaya makikita din ang pagka foreigner niya na dugo. "Jasmine." Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko. "Congrats. Sana tanggapin mo ang pagmamahal ko." Muntik ko nang makalimutan. Nanliligaw pala siya sa akin noon pa man pero ang palusot ko wala akong oras sa mga ganyan dahil nag aaral pa ako at busy ako sa trabaho ko. Mayaman naman siya at anak siya ng  Gobernador namin dito. Di naman ako nababagay sa kanya dahil mayaman siya at mahirap lamang ako. At gustong gusto siya ni Ruby kaya mainit ang dugo nun saakin dahil inagaw ko raw ang sa kanya. Narinig ko ang mga tilian ng mga kasamahan ko. "Sorry." Sabi ko sa kanya. Napangiti ulit siya at napabuntong hininga. "Tapos na tayong mag aral at kaya naman kitang buhayin kahit di ka na magtatrabaho. Marami kaming pera at pag aari---" "Pero di ikaw ang nagmamay ari ng puso ko ngayon. May boyfriend na ako." Sabi ko sa kanya na kinahinto niya. "A-Ano? Teka kailan pa? Kasing yaman ko ba?" "Mahirap siya. Siya ang pinili ng puso ko. Pasensya na Adrian may totoong babae pang mag mamahal sayo." Napayuko siya at agad tumalikod. "Di ako susuko." at umalis na siya. Di ko nalang pinansin ang sinabi niya. Napatingin ako sa mga fans niya na nakakunot ang noo. "Oh? Tingin tingin niyo? Ayaw niyo yun single pa ang idol niyo pwede pa kayong maging partner niya." Ang galit na mga mukha biglang nagpalitang ng kasiyahan. See I know how to read them. Buhay nga naman. Matapos ang practise nasa canteen ako at uminom ng juice dahil sa uhaw. Napatingin ako sa labas ng bintana. "Mamimiss ko ang lugar na ito." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa labas. Napatingin ako sa cellphone ko nang maalala si Ton-Ton. Kumain na ba yun? Nakaramdam ako ng miss ha. Pero baka pag tawagan ko siya baka busy pa siya o ano ba baka mainis siya na mag text ako sa kanya. O baka kumakain na yun. Ano ba itong nasa isipan ko. Praning atah ako di ko kasi alam kung ano ang mga gagawin. "Jasmine." Muntik nang mahulog ang cellphone ko nang biglang may nagsalita sa gilid ko tawag ang pangalan ko. "Jasmine, pwede ba tayong mag usap." Napatingin ako kay Adrian. "Tungkol saan? Pwede naman dito." Agad na tanong ko. Baka paguusapan nanaman namin ang feelings niya. Ilang ulit ko na kasing sinasabi sa kanya na wala akong feelings sa kanya. "Jasmine." Napatingin ako sa kakadating lang na si Kyzler. Lalo na ito! Sana di nalang ako pumunta dito. "Uhmm.. teka lang may pupuntahan lang muna ako." Tumayo ako at akmang lalakad nang biglang hinawakan ni Kyzler ang isang kamay ko at bigla ding hinawakan ni Adrian ang isa pang kamay ko. Teka anong akala nila saakin lubid ng tag of war! "Teka lang anong ginagawa ninyo?" Tanong ko sa kanila at ang mga tao sa canteen ay nagtataka na din. Eh sinong di magtataka puro mga gwapo ang humihila saakin. "Let her go." Napatingin ako kay Adrian na masamang nakatingin kay Kyzler. "You first." "Are you her boyfriend?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Adrian kay Kyzler agad naman akong umiling. "Teka nga kayong dalawa bitawan niyo ko." Di na ako natutuwa sa pinaggagawa nilang dalawa saakin. Pasalamat sila wala dito ang malamig kong Alladin. Tsk. Mainit parati ulo nun sa ibang tao." Nagulat nalang ako isang iglap may yumakap saakin at ang mukha ko nasa dibdib ng lalaking yumakap saakin at wala nang humawak sa mga kamay ko. Pamilyar ang pabango ng lalaking yumakap sa akin na kinakabog ng mabilis ng puso ko. "How dare you to touch her." Malamig pa sa ice na pagkasabi niya. Napalunok ako dahil nagdadala ng gyera ang boses niya. Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Ang Ton-Ton ko nga! Napahawak ako sa damit niya para pigilan siya. "Who are you?" Seryosong tanong ni Adrian. Di naman sumagot si Ton-Ton at tiningnan niya ako. "Are you okey, Jas?" Nakita ko sa mga mata niya ang pag aalala at hinaplos niya ang pisngi ko. At hinawakan ang dalawang kamay ko at may pasa ang isang kamay ko na hinawakan ni Adrian kanina. Di naman masyadong masakit ang pagkakahawak ni Kyzler kanina. "Ayos lang, Ton-Ton. Tara alis na tayo dito." Mahinang sabi ko. Napatingin siya muli kina Kyzler at Adrian. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Couz." Malamig na sabi ni Ton-Ton kay Kyzler. Napakunot din ang noo ni Kyzler nang makita niya ang pasa sa kabilang kamay ko. Hinawakan ni Ton-Ton ang kamay ko at ininterwise niya iyon na kinapula ng mukha ko. Ang dami kasing nakatingin tapos ito pa si Ton-Ton hinawakan pa niya ang kamay ko. "Don't you ever touch her hand. She's mine." Malamig na sabi ni Ton-Ton. Natawa naman bigla si Adrian na kinakunot ng noo ni Ton-Ton. Patay. Napatingin ako kay Kyzler na seryoso na din ang mukha. "What's funny?" Malamig na sabi ni Kyzler. "Yan ang boyfriend mo, Jas? May mukha nga pero mahirap naman. Sa damit pa lang di original sa tsinelas muntik nang maputol at sa pantalon nito na may punit na din. Yan ba ang pinili mo wala kang kinabukasan niyan." Ako nanaman ang uminit ng ulo sa sinabi niya. "Adrian, ano namang mali sa mahirap? Mas pipiliin ko pa na mahirap ang boyfriend ko kaysa sa katulad mong mata pobre." Mahinahong sabi ko sa kanya. "At kahit anong pagwapo mo mas gwapo ang boyfriend ko sa mga mata ko. Tapos ang usapan wag mo na akong kausapin." Malamig na sabi ko at tinalikuran ko na siya at naramdaman kong susugurin sana kami nang agad na gumalaw ako para masipa ang gwapong mukha niya. Na kinatumba niya agad at biglang dumugo ang ilong niya. "Wag mo kong subukan." Sabi ko pa. Napatingin ako sa dalawang magpinsan na gulat na gulat dahil sa nakita. "Adrenaline rush yun. Tayo na nga alis na tayo dito. Una na kami Kyzler!" Sabi ko at agad na kaming lumabas ni Ton-Ton. "I didn't expect that, Jas." Sabi niya na kinapula ko. Naman oh bilang girlfriend niya magpakababae ka naman wag ilabas ang angas mo! "Sorry." Nakayukong sabi ko. Natawa naman siya at niyakap ako. "Ang totoo niyan ang cool mo nung umatake ang adrenaline rush mo." Nanlaki ang mga mata ko ay hinalikan niya ang noo ko. "Mas lalo atah kitang minahal." Sabi niya. "Naman eh!" Namumulang sabi ko. Nakalabas na kami ng school nang biglang may isang babaeng naka kotse na nakapark at may isang magandang babae na nakatayo at nakasunglasses pa ito. At bigla itong ngumiti at tinanggal nito ang sunglasses nito. "Krypton!" Masayang sabi nito at agad  tumakbo papunta kay Ton-Ton at niyakap niya ito. "I miss you!" At hinalikan ng babae sa pisngi si Ton-Ton na kinalaki ng mga mata ko. 'What the Girl!' ******** (Not Edited Yet) LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD