chapter 8

2244 Words
Chapter 8 (Maesy point of view) ---------- Pagkatapos nung nagpunta kami sa bahay nila Marie, bumalik din ung dating pag sasama namin ni Ren. Minsan kasama namin si Ren, minsan naman hindi. Ok lang naman na ganito atles pinapansin parin niya ako. Magkatabi parin kami sa upuan ni Ren. Pero, napapansin ko sa isang linggong tatlo o apat na beses lang siya kung pumasok, hindi tulad dati na always present. Simula nung higit tatlong linggo na hindi niya pag pasok naging madalas narin ang hindi niya pag pasok. Pero sakabila ng lahat ganun parin siya. Ang kulit, hindi parin niya ako tinitigilan sa pang aasar niya at pang babanta niya tuwing inaagaw ang notebook ko. Kahiligan na niya ata ang mang agaw ng notebook. Wala bang sariling notebook ang mokong naiyon. Lagi nalang yung notebook ko ang kinukuha niya at dun nag susulat. Ewan ko ba diyan. Parang ngayon, heto na naman siya nang aangkin ng notebook. "Ren! Ren naman, hindi na ako nakakapag sulat kasi lagi mo nalang kinukuha ang notebook ko!" reklamo ko sakanya. Nakatingin ako sakanya, nag susulat na kasi eto at gamit ang notebook at ballpen ko. "ang yaman yaman mo! tapos wala kang sariling notebook at ballpen! mura lang kaya mga yan!. Pwede ba Ren, ibigay mo na sakin yan!" dugtong ko pa. Lumingon eto sakin at ningisian ako at sabing,"tsk! pabor naman sayo tong ginagawa ko. Nagrereklamo ka pa diyan! Ayaw mo nun? hindi ka na mahihirapan magsulat. Saka ayaw mo yun, sulat kamay ng mahal mong Drigs ang nagsulat sa notebook mo." at ngumiti pa eto. Aba! loko to ah! tinaasan ko siya ng kilay at sinabing, "at sino nagsabi sayo na mahal kita?!" "ayun oh?!" sabi ni Ren, sabay nguso nito. Tinignan ko ang tinuturo niya o kung sino yung tinutukoy niyang nag sabi, at lumaki ang mata ko kasi si Marie ang tinutukoy niya. Aaaahhhhhh!! Marie!! naloko na. Tinignan ko ulit si Ren, ang lawak ng ngiti ng mokong. Hala! pano na to. Inirapan ko siya sabay talikod. Pero tumawa to. Aba! pinagtatawanan niya ba ako. "hindi noh! wala akong gusto sayo! Sabi lang niya yun kasi, ni-niloloko niya ako!" sabi ko kay Ren pero hindi parin ako tumitingin sakanya. Pero rinig ko parin ang pagtawa niya kahit mahina lang eto. Mukhang pinipigilan niya ata ang tumawa. At ano naman ang nakakatawa??!. pinag titripang ba ako neto?! hayy! Marie kasi! makikita niya, bat niya sinabi. Nakakaloka!! "amin na nga yang notebook!! nakakainis ka! dun ka sa notebook mo mag sulat!" sabi ko kay Ren at inagaw yung notebook ko. Pero sa pag agaw ko neto, bigla niyang hinila ang notebook ko keya di ko eto nakuha. Nag kinalabasan para ko siyang niyayakap sa pwesto naming dalawa. Ngumisi pa eto at sabing "tyansing nayang ginagawa mo ah! kung gusto mo ako yakapin sabihin mo lang sakin kasi magpapayakap ako, kesa naman na do-ma da moves ka diyan. Pero kung stilo mo din ang ganyan parang gusto ko ng ganyan kasi parang sweet tignan. Satingen mo?!" Tinignan ko lang siya ng masama. Nakakainis talaga! Bat kasi siya ganyan. Hay! binabawi ko na ang lahat! wala na akung gusto sa mokong na eto. Wala na! simula ngayon. "pag dimo binigay yang notebook ko! makikita mo. Humanda ka!" pagbabanta ko kay Ren. Pero ang mokong hindi natinag at tinawanan lang ako. "do it! i'm waiting!" sabi neto at ngumisa pa. Nag pogi pose pa eto at kumindat sakin. Inirapan ko siya. Nabigla ako ng bigla niyang inilapit ang mukha neto sakin, "i cant wait! can i know what is it? para my idea naman ako" sabi neto. "kung ayaw mong ibigay! e di wag! wag mo ng ibalik. Sayo nalang yan! dikita kakausapun. Saka, my extrang notebook ako!" saka ko siya inirapan at tumalikod sakanya. Tumawa eto. Pinagtitripan niya talaga ako. "sige! ibabalik ko sayo ang notebook mo. In one condition?!" sabi ni Ren, aba! at may condition pa etong nalalaman. "pag dimo binigay yang notebook ko, dikita papansinin yun ang condition ko!" sabi ko. Inunhan ko siya sa condition na sinasabi niya, bahala siya diyan. "teka! bat ikaw ang nag cocondition? ey! ako una nagsabi ah?!" "sa akin yang notebook! kaya ibalik mo sa akin!" sagot ko agad. Aba! hindi ako magpapatalo. "ayoko nga! ako kaya ang nagsusulat! sineswerte ka!" aba! talagang pinapainit niya ulo ko. Ren Derick!! Tumahimik nalang ako. Ayoko ng maki pagtalo sakanya, hindi din naman yan magpatatalo! nakakainis!! Hinayaan ko na siya na magsulat. Sumuko na din ako sa pag bawi neto sakanya. Namayagi ang katahimikan saming dalwa. Napapansin ko na panay din ang sulyap neto sakin, pero hindi ko siya pinapansin. Lumipas ang oras, ilang subject na din ang napasukan namin, pero sa paglipas neto, hindi ko parin siya pinapansin. Napansin din nila eto ni Marie na hindi kami nagpapansinan ni Ren, Pero sinabi ko na wala lang, na hayaan nalang nila at lilipas din. Hindi ko na kinomporta si Marie sa tungkol dun sa pag sabi niya kay Ren na may gusto ako sakanya. Hinayaan ko nalang. Pag sinabi ko kasi malalaman niya at baka pag tawanan lang niya ako at baka kung ano naman ang isipin ng mga eto. Hapon na at last subject na namin at uwian na. Pero patuloy parin ako na hindi pinapansin si Ren. "grabi naman neto! yan ba yung sinasabi mo na gagawin mo pag diko binalik sayo ang notebook mo!? well! hindi siya nakaka exite! ang boring! pumayag kana kasi sa condition ko! dali na!" Biglang sabi ni Ren sakin. Waka Dito ngayon ang teacher namin, pero kahit wala siya, kailangan namin na hintayin ang oras namin bago mah dismisan o umuwi. Keya heto na naman si Ren, pero hindi ko paron siya pinapansin. Hinahayaan ko nalang siyang magsalita ng magsalita. Saka, alam ko naman na ang babaw ng dahilan ko para di siya pansinin dahil lang sa notebook, nahihiya kasi ako sakanya, diba nalaman niya na gusto ko siya. Hayy! naniniwala keya ang mokong na eto sa mga sinasabi ko kanina, pero mukhang hindi, kasi pinag titripan niya parin ako. "Hindi mo pa nga nalalaman kung ano ang kondisyon ko" sabi pa neto. "dali na kasi! pumayag ka na!" dahdag pa neto. hay! hindi niya talaga ako titigilan. "sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Ano ba kasi?!" sabi ko pero hindi parin siya nililingon. "promise! ibabalik ko sayo etong notebook mo, at hindi na din kita kukulitin, hmmm- can i- can i hug you?!" Ano raw?! nilingon ko siya. Hug daw? bakit?. Nilingon ko eto pero hindi paein ako nag salita, keya pinag patuloy niya ang sinasabi niya, "can i hug you? in 3 minutes? hmmm!? just like a friends?. walang malisya. maliban lang sayo?!" at ngumiti eto. Anong ibig niyang sabihin dun sa maliban lang sakin?! tinitigan ko siya ng ilang segundo saka ko siya inirapan at tumalikod sakanya. Hindi ko rin siya pinansin. Bahala siya sa buhay nia! Tumahimik si Ren, diko din alam kung ano ginagawa niya sa tabi ko, diko siya nililingon. Nanatili ako sa pusesyon ko na naka higa ang ulo ko sa desk, At ilang minuto ang lumipas, may biglang may bumulong sa akin, "sory, sory sa pangungulit. Ang cute mo kasi pag naiinis. Dont worry, ill back youre notebook, and-.. basta! hindi na kita kukulitin o pag titripan, Ngumiti kana, mas lalo kang pumapangit." Lumingon ako dun sa bumulong sakin, at si Ren iyon. Magsasalita sana ako, kaso, bigla nag ring ang bell hudyat na tapos ang klase kaya bigla tumayo si Ren at nangunang lumabas. Anong nangyari dun?. Ano pinag sasabi niya?. . . . . . . . Kinabukasan.. panibagong araw, panibagong umaga at panibagong magaganap na naman. Maaga akung pumasok sa eakwela, para matanung ko si Ren, kung ano ang ibig sabihin niya dun sa pinag sasabi niya kahapon. Pag pasok ko iilan pa lang ang naroon, wala pa din si Ren. Tinignan ko ang ang orasan sa aking kamay at nakita ko na masyado pa ngang maaga. May 30 minutes pa ang nalalabi para mag umpisa ang klase. Pumunta na ako sa aking upuan at umupo na roon. Dun ko nalang hihintayin si Ren. As usual, naka higa ulit ang ulo ko sa desk ko habang nag hihintay, at dun sa may pintuan ako nakatingin. Nag aabang sa mga bawat pumapasok. Hindi ko alam kung ano etong nadarama ko. Kinakabahan ako na ewan. Alam ko naman na napaka OA ko sa inasta ko kahapon na hindi pag pansin sakanya. Amg babaw ng rasun alam ko yun. Keya nga ngayon hinihintay ko siya mag sosory ako. Sorry? para saan pala?! aaahhh!! ewan bahala na nga! 5 minutes palang at mag e-start na ang aming klase pero wala parin si Ren. Bakit kaya? hindi ba na naman ba siya papasok? bakit?. At oras na ng aming klase dumating nadin ang aming guro. Pero wala parinh Ren ang dumating. Seguro nga hindi siya papasok. Absent na naman ang mokong na yon. Bakit kaya lagi na siyang uma absent. May problema ba talaga siya. Ano naman?? Ilang oras ang lumipas, at tapos na ang klase namin sa umaga. Lunch break na namin. "Maesy! ano tara na?!" yaya sakin ni Marie. Kaya sumunod ako dito. Habang nag lalakad kami, pumasok saking isipan ang eksena kahapon, at naalala ko rin ang kasalanan sakin ni Marie. Huminga ako ng malalim at nag simulang mag salita. "Marie, bat mo pala sinabi kay Ren yung secrets ko?" tanong ko sakanya. Kasabay ko siya sa paglalakad at yung apat ay nauna at huli kami. Magkasama si Mellisa at Ilaycka, samantalang si Emily at Abegail naman ang magkasabay sa paglalakad. "Anong pinag sasabi mo diyan? Alam kung medyo madaldal ako, pero hindi ko ugali ang magsabi o sabihin sa iba ang sekreto. Secret is secrets. Ano ka ba! bat ko sasabihin dun?!" Sabi ni Marie, bumagal din ang paglalaakad namin habang nag uusap, ayaw ko kasi na marinig ng iba ang pinag uusapan namin. "Eiy! paano niya alam?" pagtataka kung tanong kay Marie. "Kung hindi mo sinabi? bat niya sinabi yun sakin, at tinuro kapa niya na ikaw daw nag sabi ng tanungin ko siya kung san niya nalaman un" dagdag ko pa. Tumigil sa paglalakad si Marie, At hinarap niya ako. Na parang may nalala eto. "alam ko na!" sabi ni Marie sabay pitik ng kamay nito, "nung isang araw, nung nasa garden tayo, yung inaasar asar kita at sinasabi na crush mo si Ren, yung paulit ulit ko sinasabi na gusto mo siya na hindi lang basta crush." dagdag pa neto. Aaahhh!! bat kilangan pa niyang kompletohin ang bagay na yan, pati ba naman dun sa part na pinag sasabi neto. Hindi ko na nga minimention eiy! kainis naman si Marie. "oh?! tapos? anong meron dun? tsk! kailangan taklaga pati yangbwords na yan sabihin?! ganun?" bagot na sabi ko. Tumawa lang eto. Ang cute niya talaga tumawa ng kaibigan kung eto. chubby chiks kc at singkit, kaya nakaka gigil ang pisngi niya, sarap pisilin. "hahahaha... Sorry! sige sige! diko nalang sasabihin yung words. Naalala ko lang kasi na baka dun niya narinig keya sinasabi niya sayo na ako ang nagsabi, kasi nung andun tayo nakita ko din si Ren dun, di nga lang ako sure kung narinig niya lahat ng pinag uuusapan natin." "ano?!" mahina kung sabi kay Marie. "bat dimo sinabi sakin nun." "sorry, diko na kasi pinansin nun kasi diba, nag kwekwentuhan tayo kaya na wala sa isip ko na andun pala si Ren." sabi ni Marie na nag peace sign pa. Pambihira talaga tong kaibigan ko, pinapahamak niya ako. Bigla niya akung hinila at may binulong eto sakin, "yun ba ang dahilan kaya dimo pinapansin si Ren kahapon?" Lumaki ang mata ko sa sinabi niya at bigla akong nahiya. Niyuko ko ang aking ulo bigla. Namumula na naman anh pisnge ko neto. Tumawa siya ng mahina. Sira ulo talag tong kaibigan ko. "tsk! tumigil ka na nga. Bahaka ka diyan!" tumatawa pa eto, pero diko siya pinansin, mabilis akung naglakad para maka una sakanya, pero hinabol niya ako. Hinila niya ang kamay ko at pinag cross amg aming kamay. "masyado ka namang tampuhin!" sabi niya, "wag ka mag alala, secret lang." at tumawa pa etong mahina. Sira ulo talaga. Lumipas ang ilang minuto, natapos na kaming kumain, at ilang minuto narin ang natitira at matatapos narin ang lunch break namin. "oh! tara, balik na tayo sa room, tapos na din naman tayo kumai at naka pag pahinga nadin naman tayo." yaya samin ni Emily. "tara!" sagot naman ni Abegail. Umalis kami sa canteen at nag tungo sa aming classroom. At habang naglalakad patungo dun, Nang malapit na kami sa guidace office, malalagpasan kasi namin yung guidance office bago kami makarating sa classroom namin. At nakita ko ang isang familliar na mukha, kahit naka tagilid lang eto. Alam kung siya yun. Nag taka lang ako bat siya lumabas dun. Anong meron??. Nag lalakad na eto papunta sa room namin. Hindi naman masyadong malayong malayo ang distansya namin sakanya para hindi ko malaman na hindi siya yun, kahit na ngayon ay nakatalikod na eto sa amin. Alam ko. Segurado ako na si Ren iyon. Siya si Ren. Bakit kaya? bakit siya galing sa Guidance. Dahil sa hindi niya pag pasok kaninang umaga?. Pero ang labo na ganun ang rasun, wala namang regulation dito o patakaraan na pag mag aabsent ka ay kailangan na mag report sa guudance. Anong ginagawa niya doon?. . . . . . . . -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD