chapter 1
Chapter 1
(Maesy Chean Abad, point of view)
---
First day of school ngayon. Unang araw, panibagong yugto sa buhay ko. Seneor High na ako ngayon. Natatakot ako, naninibago sa mundong kinagisnan ko. Ang daming tao pag pasok ko palamang. Sana naki sabay nalang ako sa pinsan ko na pumasok para hindi ako kinakabahan ngayon. Mga bully keya magiging classmate ko?! ano ba yan maesy! napaka nega mo naman! fight! lng. Eh! ano naman ngayon kung bully sila? di wag mo nalang sila pansinin, nandito ka ngayon para mag aral at hindi maki pag away.
Bumuga ako ng hangin, grabi kinakabahan talaga ako. Hindi ako sanay sa ganitong napaka raming tao. Lord! ano ba to!.
Naglalakad ako at palingalinga, hindi ko kasi mahanap ang classroom ko sa lawak ba naman netong eskwelahan na to mukhang maliligaw pa ata ako.
Habang nag lalakad ako laking pasasalamat ko dahil nakita ko yung pinsan ko, mas matanda lang siya sa akin ng tatlong taon at last term na niya ngayong taon bilang SeneorHigh.
"ate! ate Vyda!" tawag ko dito sabay ngiti.
"oh! maesy ano ginagawa mo dito?" tanong ni ate Vyda sakin.
Nagkamot ako ng ulo sabay ngiti at sabing "nawawala ata ako, kanina pa kasi ako naglalakad diko mahanap yung classroom ko."
"ay! oo nga pala, nakalimutan kung samahan ka, bunilin ka pala sakin ni lola. Ano ba yan. Pag pasensyahan mo ako Measy." sagot ni Ate Vyda
"naku! ate. ok lang yun. Pwede mo naman ako samahan ngayon diba?"
"oo naman. First day pa naman ngayon so wala pa masyadong klase kaya, sasamahan kita na hanapin yang bawat classroom ng mga subject mo at lilibot na din tayo. oh! ano tara!" sabi sakin ni ate Vyda at ningitian niya ako.
Umalis na kami at nag punta sa mga classroom ko sa mga bawat subject ko. Sinabi din niya sakin kung ano ang mga oras ang bawat subject ko. Nilibot din niya ako. Grabi! ang lawak pala tong eskwelahang pinasukan ko. Bawat sulok neto my garden. May tinatawag din silang main forest. Pinuntahan namin yung main forest, forest ibig sabihin kagubatan. kagubatan nga siya, pero maliit na kagubatan. walang mga hayop tanging puno at halaman lng ang andun sarap tumambay kasi ang sariwa ng hangin. my mga ibon din. Seguro mga maliit na ibon yun na nawawala, keya napadpad sila dito.
Pinuntahan din namin ang clinik at ang sports complex at may swimming pool din sa eskwelahang eto. Malawak ang sport complex. Hay! masaya ako at dito ako nakapag aral sa eskwelahang eto.
Pagkatapos naming mag ikot inihatid ako ni ate Vyda sa next subject ko. Hindi na ako pumasok sa first subject ko. Pero itinuro din sakin kung saan ang first subject ko para bukas alam ko na eto at hindi na ako mawala pa.
"ate. Salamat sa pag libot." sabi ko kay ate Vyda nung makarating kami sa classroom ko.
"ano ka ba! ok lang yun noh! saka dapat lang na ilibot kita para dika na mawala. Alam mo nman na hindi tayo mag kakasama. 1st yr. ka at graduating naman ako." wika ni ate, "oh! paano, mauna na ako. Bye! kita nalang tayo sa bahay." dugtong niyang sabi at umalis na.
Oo nga pla, hindi kami mag kasama sa bahay magkatabi lang. Katabi kasi ang bahay nila sa bahay ni lola. Opo, sa bahay ng lola ko ako nakatira. At pinsan ko nga si ate Vyda. Yung mama niya at mama ko magkapatid. Pero si mama wala na, patay na, bata palang ako nung namatay siya. Si papa, ayun may sarili ng pamilya. Ayoko tumira sa papa ko. Basta mahabang kwento.
Pumasok na ako sa classroom ko at andun na din ang mga kaklase ko. Nakayuko ako habang nag lalakad papunta sa likod kung saan ako uupo. Umupo ako sa pinaka huli, ayoko maki salamuha sa kanila. Mas gusto ko ma pag isa, keya sa pinaka dulo ako umupo.
Naka upo na ako pero naka yuko parin ako, ayuko tumingin sakanila. Bahala sila dyan, wala pa naman ang aming guro. Sa katahimikan ko biglang may umupo sa tabi ko! hala! nilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom namin tinignan ko ang paligid pero madami pang upuan ang bakante. Keya tinignan ko siya. Ngumiti lang eto. Hindi ako nag salita o ngumiti din pabalik sakanya. Nilibot ko ulit ang paningin ko sa loob at kinuha ang bag ko at niyakap eto saka i ko ang ulo ko sa dest ko.
"grabi ka! hindi ako magnanakaw. Kung makayakap ka sa bag mo wagas ah!" sabi niya. Keya nilingon ko eto na nakahiga parin ang ulo ko sa dest ko. Pero hindi pa din ako nag salita.
"ako pala si Ren Derik Oreinza. Just call me Drigs." pakilala niya at nilahad ang kamay niya, pero tinignan ko lang siya na wala paring emek.
"napaka gwapo ko ba, para titigan mo ng ganyan?! grabi! ang gwapo ko naman. Tititigan mo nalang ba ako?! hello." sabi nia.
Dun ko narealize na naka nakatingin ako sakanya na pagtitig na pla yung ginagawa ko. Keya ibinangon ko ang ulo ko saka tumingin sa harap. At nang mag sasalita ulit siya, bigla nalang dumating ang aming guro.Hay! salamat nalang at dumating ang aming guro. Ayoko talaga maki pag usap. Pag aaral ang pinunta ko dito. Baka ibully ba nya ako.
-----------------
(Ren Derik Orienza, point of view)
---
Ako si Ren Derik Orienza, Ren for short pero tinatawag din akung Derik, bahala kayo kung saan kayo komportable na itawag saki.
Pero yung Drigs?! si Maesy lang, si Maesy lang ang pwede tumawag sakin nun, siya kasi ang nagbigay sakin nang pangalan na yun, ang common lang daw kasi ng Ren Derick na pangalan, keya ginawan niya ako ng pangalan na DRIGS, cool daw yun na pangalan, sakanya yan galing na cool ang pangalan na Drigs. Kaya hinayaan ko narin. Ang cool nga eh! siya at ang mga kaibigan neto na nakilala ko dati ang tumatawag ng ganun sakin, kami kami lang ang nakaka alam nun. May ibat iba din silang pangalan o nick name. At si Maesy din daw ang gumawa nun. Kaya sabi nga nila sakin dati "welcome! welcome to the family." tsk! kumusta na kaya ang mga yun. Isang taon. Mahigit isang taon na din pala ang lumipas nang huli namin pagkikita kita. Ano kaya nangyari? bat hindi ako nakilala ni Maesy. Nakikilala pa ba niya ako?.