"What?!" Bulalas sa kanya ni Grey matapos niyang sabihin rito na hindi niya ipapagamit ang kanyang katawan rito. Hindi pa siya nababaliw para isuko ang lahat sa isang katulad ni Grey na babaero at magandang babae lang ang gusto. Sa unang pagkikita palang nila ni Grey nagpakilala na ito sa kanya, kaya hindi na magbabago pa ang desisyon niyang hanggang papel papel lang ang kasal nila. "Bakit Grey, tama naman ako hindi ba? Ilang taon lang o baka buwan nga lang gumawa ka na ng paraan para maghiwalay tayo at maging malaya kang muli," taas kilay niyang saad at inubos ang laman ng kopita saka ibinaba na ang kopita at inilayo sa kanya. Kailangan niyang mag ingat kay Grey, lalo na pag may alak, anong malay niya kung lasingin siya nito para makuha siya nito. "Damn it, Esha!" Mariing mura ni Grey.