"About last night, Esha, I am sorry," paumanhin niya kay Esha kinabukasan nang lumabas ito ng guest room. Nagtaas lang ng kilay sa kanya ang dalaga pero wala itong naging tugon. Mali ang ginawa niya kagabi sa fiancée niya, masyado niya itong tinakot sa kagaspangan niya. Hindi kasi niya magawang pigilan ang sarili na halikan ang labi nito. Natukso siyang halikan ito, iyun nga lang magaspang na halik ang naibigay niya kay Esha nang hindi niya sinasadya. Masyadong tumatak sa isip niya si Angelo na baka sa isang gabing pagkawala ni Esha at pagsama nito sa lalaking iyon eh may nangyari sa dalawa kaya halos mabaliw si Angelo sa pagsunod kay Esha. Kahit naman yata siya mababaliw sa pagsunod kay Esha dahil sa ganda ng katawan nito. Baka kung siya si Angelo gagawin din niya ang ginawa ni Angelo pa