CHAPTER 6

1780 Words
CHAPTER 6: The Party CALLE'S P.O.V Kinagabihan ay nagising ako sa alarm ko at naalala ko na naman ang nangyari kaninang umaga. Matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Raizen sa banyo niya ay nagpaalam ako kay Raiden na magpapahinga lang ako at pinayagan niya naman ako kahit na ang totoong dahilan kung bakit gusto ko magkulong sa kwarto ko ay dahil nahihiya akong makaharap ulit si Raizen dahil hindi maalis sa utak yung hubad niyang katawan plus yung the way nang pagtitig niya sa mga labi ko. Hindi ko alam kung bakit ganun siya palagi umakto pag nakakasama ko siya na parang sobrang ang lapit niya sakin at hindi ko nagugustuhan yung pagka ilang ko sa kanya kapag tumitingin siya sa 'kin dahil mas gugustuhin ko pa kung si Raiden ang tumitingin sa 'kin ng ganun. "Calle are you there?" napatayo ako sa higaan ko ng marinig ko ang pagtawag sakin ni Magnus mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. "Yes, I'm here why?" sagot ko saka ko agad binuksan ang pintuan ko at nakita ko si Magnus na nakaformal attire. Nakasuot ito ng dark blue tuxedo kaya naman kumunot ang noo ko. "Our masters are going to the party of the elite family tonight so you need to dress up too, we will wait for you outside of the castle." sabi ni Magnus sa 'kin saka ito naglakad palayo kaya naman agad akong pumunta sa cabinet ko at  nakita kong may nadala pala akong black tuxedo kaya naman agad akong naligo at saka nagsuot ng damit ko at saka ko sinuot ang hair net ko at saka ko sinuklay ang wig ko saka iyon sinuot sa ulo ko at saka ko nilagyan ng hairpin para kumapit ng maiigi ang wig ko sa ulo ko at hindi iyon basta matanggal. At nang matapos na ako ay saka ko lumabas ng kwarto ko saka ako naglakad papunta sa gate nang makita kong nakatuxedo din ang kambal. Nakasuot ng black tuxedo si Raizen habang si Raiden naman ay kulay berde ang suot kaya naman nakita ko kaagad ang mga naggagandahan nilang katawan at matapos nun ay sabay-sabay na kaming sumakay sa loob ng van. "You look handsome..." nakangiting turan ng katabi kong si Raiden sa 'kin kaya naman napangiti ako at saka napailing. "Your more handsome master." sabi ko naman sa kanya. At nang umandar na ang sasakyan na sinasakyan namin ay napansin ko sa front mirror na panay ang sulyap sa 'kin ni Raizen kaya naman nakaramdam na naman ako ng pagkailang. "We arrived at our destination masters," sabi ng driver samin kaya naman agad kaming bumaba ng sasakyan ng marinig kong mag beep ang phone ko kaya naman tiningnan ko iyon ng makita kong tinext ako ni Maisy. From: Maisy Friend andito ako ngayon sa party ng miyembro ng mga elite family, at balita ko kasi pupunta ang Vigor twins dito kaya naman tinext kita. Napanganga ako ng mabasa ko ang text ni Maisy. Makakapunta nga pala siya sa mga ganitong party dahil pinsan siya ng Dickson brothers kaya naman hindi malabo na makasama siya sa ganitong party. From: Calle Magkita na lang tayo sa party mamaya. Reply ko sa text niya saka ko itinabi sa bulsa ko ang phone ko at saka kami nagsimulang maglaad papasok sa loob ng isang stadium dahil marami ang mga bisitang nagdadatingan at wala akong ideya kung ano bang meron at nandito lahat ng mga elite family sa pinas. "Look who's here!" nakangiting turan ng babae sa 'min at nakita ko kung paano ito lumapit kay Raiden at saka ito pinuluputan sa braso. "Chandria your here..." nakangiting turan ni Raiden at nakita ko namang tumawa ng mahina ang babae.  "Of course, after all, I'm still your cousin so I'm invited here," wika ng babae at nakita ko namang sinulyapan ako nito kasabay nun ang pagdikit nito sa 'kin at pagpulupot nito sa braso ko. "Who's this handsome guy?" nakangiting tanong nito sa kambal kaya naman nagkatinginan ang dalawa.  "He's Calle, my new butler." sagot naman ni Raiden at nakita kong naging 'o' ang bibig ng babae. "Can you be my date for tonight?" nakangising tanong nito sa 'kin kaya naman napakamot ako ng ulo ng maalala ko si Maisy. "I'm sorry ma'am but my friend is here too and she'll be my date."  "Oh is that so..." sabi nito saka bumitiw sa pagkakahawak sa braso ko saka ito nagpaalam sa kambal at saka ito naglakad palayo sa 'min. "By the way, who's that friend of yours are you talking about?" nagulat ako ng marinig kong tanungin ako ni Raizen mula sa likuran ko at nakita kong napatingin din sa 'kin sila Raiden at Magnus. "Ahm... she's the cousin of the Dickson brothers," sagot ko sa tanong niya at nakita ko namang napatango sila. "Oh the cousin of Summer, Storm, and Spring, well their family is listed in elite too so there's no way that they'll not come here." sabi naman ni Raiden kaya naman napatango ako sa sinabi niya. Matapos yun ay nagsimula na kaming hanapin ang seats namin at nang makarating kami sa table namin ay agad namang nagpaalam sa 'min si Raiden na meron lang siyang pupuntahan kaya naman wala kaming nagawa kundi ang hayaan siyang umalis. "Hey, make sure you'll follow Master Raiden because it's your job to be in his side always," sabi naman ni Magnus kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumayo sa inuupuan ko at sinundan kung saan nagpunta si Raiden. At nang makalabas ako ng stadium ay agad akong naglakad-lakad ng may marinig akong nag-uusap at nang sumilip ako at nakita kong may kinakausap si Raiden na babae. "Hey miss, are you alright? Did they do something bad to you or they did hurt you?" dinig kong tanong ni Raiden sa babae ng silipin ko iyon ay nakita ko ang mga mukha niyang nag-aalala. "N-no I'm fine and thank you for saving me from those bad guys who want to get my purse," sabi ng babaeng parang pamilyar ang mga boses sa 'kin. "I didn't know that the thieves entered here, so next time be careful okay?" sabi naman ni Raiden sa babae kaya naman naglakad na ako palapit sa kanila dahil nakakaramdam ako ng pagkainis dahil may ibang babae na kinakausap ang lalaking gusto ko. "Master, are you alright?" tanong ko kaagad ng makalapit ako sa kanila at nang makita kong humarap ang babae at nanlaki ang mga mata ko. "Hey, what are you doing here?" Hindi ko napansin ang tinanong sa 'kin ni Raiden dahil pareho kaming nagkatinginan ng babae. "Maisy/Friend!" sabay naming sabi ni Maisy kaya naman pinandilatan ko siya saka siya tumikhim at muling nagsalita. "I mean Calle your here too!" nakangiting sagot naman agad ni Maisy. "Oo naman noh!" sabi ko saka siya hinila palayo kay Raiden. "Anong nangyari ba't magkasama kayo?"  "Wala, co-incidence lang yung nangyari papasok na kasi ako ng stadium kanina tapos may dalawang lalaking humarang sa 'kin at hinihingi yung purse ko, buti nga dumating si Raiden at saka niya sinuntok yung dalawang lalaki na magnanakaw e." sabi niya naman kaya nakahinga ako ng maluwag. "Ayos ka lang ba wala naman bang nangyari sayong masama?"  "Oo nga sabi ayos lang ako, so don't worry about me okay?" nakangiting tugon naman niya sa tanong ko. "Excuse me, what are you two talking about?" sabi naman ni Raiden ng maalala ko na hindi niya nga pala naiintindihan ang pinag-uusapan namin dahil nagtatagalog kami. "Uhm... it's nothing master, by the way, she's the one I'm talking about earlier her name is Maisy." sabi ko naman kay Raiden at nakita ko namang napangiti siya. "Oh she's your date for tonight!" nakangiti namang turan ni Raiden kaya naman nakita ko naman na ngumisi si Maisy sa 'kin. "By the way, I'm Raiden Aziel Vigor." pakilala naman ni Raiden kay Maisy at nakita ko namang ngumiti ang kaibigan ko. "No need to introduce yourself Mr. Vigor because every woman knows about you." sabi naman ni Maisy saka ako siniko dahilan para mapangisi ako ng palihim. "If you don't mind why not join us at our table?" anyaya naman ni Raiden sa kaibigan ko na pumayag naman at matapos ang usapan nila ay pinauna ko na si Raiden na bumalik sa table namin habang si Maisy naman ay kinakausap ko. "Maisy ikaw ha, wag mo sabihin na makikihati ka pa sa 'kin kay Raiden?" sabi ko sa kanya at narinig ko naman ang pagtawa niya. "Gaga siyempre hindi noh ba't ko naman aagawin sayo yung crush mo? Nagpasalamat nga lang talaga ako kasi niligtas niya ako kanina pero hanggang dun lang yun period pero kung gusto mo tutulungan na lang kita para malaman mo kung ano yung mga gusto niya sa babae para naman may ideya ka na sa susunod kapag humarap ka na sa kanya bilang tunay na babae." sabi naman niya kaya naman naisip ko na malaking tulong din naman sa 'kin yun kaya sinang-ayunan ko na lang siya. Nang makabalik kami sa table namin ay nagsimula nang mag anunsyo ang emcee at pagkatapos naman nun ay nagsimula na ring magbigay ng mga pagkain at mga inumin gaya ng mga wine sa mga bisitang dumalo sa event.  "May I ask you something Raiden?" sabi naman ni Maisy at nakita ko namang pati si Raizen ay napatingin sa kaibigan ko. "Yeah of course," sagot naman ni Raizen.  Nang sabihin iyon ni Raizen ay muling nagsalita si Maisy, "What's your type when it comes to a woman?" "I like a sophisticated woman and came from an elite family too and of course it'll be better if she's good at bed." nakangising turan naman ni Raiden dahilan para makaramdam ako ng kirot sa dibdib.  Ibig sabihin pala kahit kailan hindi ang isang katulad ko ang magiging tipo niya? Nang mapalingon naman ako sa paligid ay nakita kong seryosong nakatingin sa 'kin si Raizen. "Is that so? But what if there's a girl like you but she's not your type?" tanong naman ni Maisy kaya naman muli akong napabaling kay Raiden at nagulat ako ng tumingin siya sa 'kin at muling inilipat ang tingin niya kay Maisy. "Then I feel sorry for her..."  Yun lang ang sinabi niya at tuluyan na akong nakaramdam ng pananakit ng dibdib at pakiramdam ko ay nabusted ako kahit hindi naman ako nanligaw at kasunod nun ay ang pagtingin sa 'kin ni Maisy at anytime ay parang gusto kong umiyak sa mga balikat niya dahil ang sakit palang marinig na hindi ka gusto ng taong gusto mo kahit pa na hindi pa naman ako umaamin kay Raiden. Dapat na ba ako sumuko o dapat pa rin akong lumaban? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD