CHAPTER 7

1571 Words
CHAPTER 7: Tragedy SOMEONE'S P.O.V "Boss marami nang tao sa baba," sabi ng isa sa mga tauhan kaya naman nilagok ko ang huling wine na natira sa baso ko saka ko pinagmasdan ang mga tao sa baba silid ko na may salaming pader para makita ko ang mga tao sa baba. "Maghanda kayo dahil kapag natapos na ang event ay saka niyo tirahin ang kambal, dapat matagal ko na silang pinatay para wala ng sagabal sa plano ko masyado lang nila akong pinapahirapan." sabi ko kaya naman tumango ang tauhan ko saka ito umalis sa loob ng silid ko. "Kapag tuluyan mong napatay ang kambal ano ng gagawin mo?" tanong naman sakin ni Douglas habang nakamasid din siya sa baba. "Kapag nawala na silang dalawa sa landas ko madali ko na lang mapapasunod ang mga magulang nila at pagnangyari yun ay may reyna na akong itatalaga sa trono ng ina nila." sabi ko sa kanya at nakita ko namang natawa siya sa sinabi ko. "Sana magtagumpay ka." sabi niya lang sa 'kin saka ito kumuha ng wine at sinalin sa baso niya. --- CALLE'S P.O.V Habang nakatingin ako sa salamin ay hindi ko maiwasang mapaiyak dahil paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Raiden kanina at ngayon ko lang naramdaman na ganito pala kasakit kapag nasaktan ka dahil sa pagmamahal. Hindi ko man alam kung talaga bang mahal ko na siya pero hindi naman kasi ako masasaktan ng ganito kung hindi ko siya mahal di ba? Matapos kong maghilamos at nang medyo nakakahinga na ako ulit ng maluwang ay agad akong lumabas ng restroom ng may marinig akong dalawang lalaki na nag-uusap sa labas ng restroom kaya naman agad akong nagtago nang marinig ko kung anong pinag-uusapan nila. "Hanapin niyo raw ang dalawang lalaki na 'to dahil ito ang patutumbahin natin ngayong gabi at wag kayong magdadalawang isip na patumbahin ang sino mang haharang sa landas natin para mapatay ang dalawang 'to at kapag nawala sila sa paningin niyo saka ko papasabugin ang stadium dahil utos ni boss na wala dapat makakalabas ng buhay sa event na 'to." At matapos nilang pag-usapan yun ay narinig ko ang mga yabag ng paa nilang papalayo kaya naman nakaramdam ako ng kaba at saka ko kinapa ang belt ko kung saan nakalagay ang baril ko, yes palagi kaming may dalang baril para sa safety nang kambal. Kaya naman ng hindi nako nakarinig ng ibang ingay ay saka ako naglakad pabalik sa table namin ng makita ko ang dalawang lalaking kahina-hinala ang kilos ay agad akong bumalik sa table namin at nang maupo ako ay saka ko tumingin-tingin sa paligid namin at saka ako lumapit sa kanila at saka ako nagsalita sa mahinang boses. "I heard someone in the comfort room earlier that they're searching for two guys and they are planning to blow up this area." sabi ko sa kanila at nakita kong nagkatinginan silang tatlo at napatingin sila sa paligid kaya naman nakita kong parang may naisip si Magnus. "We need to get out of here as soon as possible because I can feel that you two masters might be in danger," sabi ni Magnus kaya naman tumango ang kambal sa kanya at saka sila tumayo ng mapansin kong may laser na nakatutok sa dibdib ni Raiden. "Get down!" sigaw ko saka ko nilapitan si Maisy at kasunod nun ay ang pagputok nang baril ng sniper na tinutukan si Raiden kanina pero dahil agad akong nakasigaw ay nakapagtago agad sila sa ilalim ng mesa. "Magnus please take care of our masters, I will find the sniper, and please protect my friend also." sabi ko kay Magnus at tumango naman si Magnus sa akin saka ko sinenyasan si Maisy na sumama kila Magnus palabas ng stadium at wala naman siyang ibang nagawa kundi ang tingnan lang ako nang may pag-aalala sa mukha. Nang tumingala ako sa itaas ay may nakita akong glass wall na kulay itim at kinutuban akong may taong nanonood sa 'min dito sa baba kaya naman agad akong tumakbo paakyat para din habulin ang sniper na nakita ko kanina kaya naman agad kong kinasa ang baril ko at nang may marinig akong yabag na papalapit sa 'kin ay agad ko iyong hinarap mula sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaking tinutukan ako ng baril at dahil maagap akong nakakilos ay nasipa ko ang kamay nitong may hawak na baril at tumilapon naman sa kung saan ang baril nito saka ko ito pinaputukan sa dibdib dahilan para matumba ito sa  sahig na namimilipit sa sahig. Nagmadali akong umakyat sa isa sa mga fire exit para makarating ako sa taas kung nasaan ang glass wall na nakita ko at habang pa akyat ako ay muli akong nakarinig ng pagputok ng baril at ang mga ingay ng mga taong nagkakagulo sa baba kaya naman agad kong pinindot ang earbuds ko kung saan pwede kong makausap si Magnus. "Magnus please help the other people exit this area before they blow this up." sabi ko naman at wala naman na akong ibang narinig sa kabilang linya kaya nama nagmadali na ako sa pag akyat at nang makarating na ako dun ay may dalawang lalaking humarang sa 'kin. Agad akong tinutukan ng baril ng mga ito saka ako pinaputukan kaya naman agad akong nagtago sa isang sulok saka ko din sila pinaputukan ng baril ko pero hindi iyon tumama sa kanila kaya naman agad akong tumakbo palapit sa kanila ng mapansin kong hindi na nakatutok sa 'kin ang mga baril nila at saka ko sila sinipang dalawa sa tiyan dahilan para mapaluhod sila saka ko sila pinagbabaril at nagsitalsikan naman sa 'kin ang dugo nila kaya naman agad ko iyong pinunanasan damit ang panyong nasa bulsa ko saka ako muling kumilos at nagulat na lang ako ng maramdaman kong may tumusok sa batok ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko ang lalaking may tattoo sa mukha na nakaharap namin noon sa teritoryo ni Biff! "Ikaw?!" sabi ko at akmang susuntukin ko na siya ng bigla na lang akong makaramdam ng pagkahilo.  "Oo ako nga at hindi ko hahayaan na makalapit ka sa boss namin at lalong hindi kita hahayaan na maprotektahan mo ang kambal dahil sa araw na 'to ang magiging araw ng pagkawala nila sa mundo." sabi nito at pagkatapos nun ay napaluhod ako dahil sa sakit ng ulo ko at kasabay nun ang pagkalanta ng katawan ko dahil unti-unting nanlalambot ang mga muscles ko sa katawan dahilan para di ko ito maigalaw. "A-anong ginawa mo sa 'kin?" tanong ko sa kanya habang natingin siya sa 'kin na unti-unting nanghihina.  "Tinurukan lang naman kita nang pamparalisa para hindi ka na makakilos pa." sabi niya sa 'kin dahilan para magsimula na akong mapamura sa isip ko at nang maramdaman kong buhatin niya ako ng parang sako ay may narinig kaming nagsalita. "Put her down!" sabi ng boses na palagi kong naririnig. "Ohh... look who's here one of the Vigor twins," dinig kong sabi ng lalaking may buhat sa 'kin at dahil wala na akong lakas para kumilos pa ay hindi ko makita kung sino ba sa dalawang kambal ang sumunod sa 'kin. "I said put her down or I will shoot you?" sabi ng isa sa kambal. "Nope, I won't do that..." sabi ng lalaki saka ito naglakad ng marinig ko ang putok ng baril. "f*****g s**t!" sabi ng lalaking may buhat sa 'kin at nakita kong dumugo ang paa nito kaya naman wala itong nagawa kundi ang ibaba ako sa isang tabi at nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita ko si Raizen. Shit! Anong ginagawa niya dito, kagagaling niya lang sa panganib tapos ngayon sumuong na naman siya sa panganib kasama ako? Hindi pa siya tuluyang magaling sa pagkakabaril sa kanya tapos heto na naman siya? Ano bang kinain ng lalaking 'to at ubod siya ng tapang sa katawan? "You will pay for what you did!" galit na asik ng lalaki saka ito sumugod kay Raizen at saka ito inambahan ng suntok pero bago pa dumampi ang mga kamao niya sa mukha ni Raizen ay agad niya itong naiwasan kaya naman nasuntok ito ni Raizen sa tiyan pero hindi naman nasaktan ang lalaki dahil sa tigas ng katawan nito at sa laki ng katawan nito. Matapos nun ay nakita ko kung paano sumigaw ang lalaki at saka muling sumugod kay Raizen saka ito binuhat ng lalaking na parang sako saka ito hinagis at tumama ang likod ni Raizen sa isang pader at nakita kong nagsisimula ng dumugo ang tiyan niya dahil sa palagay ko ay bumuka ang sugat niya sa tiyan. "s**t!" dinig kong daing ni Raizen pero muli itong bumangon saka siya sumugod sa lalaki at saka niya ito sinipa sa leeg dahilan para bumagsak ito dahil sa lakas ng sipang natamo nito sa leeg at nang makita ko na tumingin sa 'kin si Raizen ay saka naman may naglabasang mga lalaking malalaki din ang katawan gaya sa lalaking napatumba niya. "What the f**k!" dinig kong sabi niya kaya naman pinilit ko ng magsalita. "Just l-leave me here m-master, your life is the most important here..." sabi ko at nakita ko namang tumingin siya sa 'kin at saka siya marahas na umiling. "No! You saved me before so I'm going to save you now." sabi niya lang saka muling sumugod sa mga lalaking bagong kakalabanin niya. At wala manlang akong magawa dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD