Prologue

740 Words
Madali akong magkagusto at mabilis ma in love. Marami akong crush at isa na dun ay si Ryle Martins.. Bagong lipat naming kapitbahay, isang gwapong pulis. Unang una na nagustuhan ko sa kanya ay ang pagka friendly nya. Kahit sinong makasalubong matanda man o bata, binabati nya ng kanyang killer smile.. matulungin din sya sa mga taong nangangailangan ng tulong, kahit nga pusang gala at aso na sugatan inuuwi nya't ginagamot at inaalagaan. "Ryle! San mo na naman napulot ang pusang 'to ha? Ilang beses ko ng sinabi sayo, na tigilan mo ng kadadampot ng mga hayop sa daan.. Wala ng space tong bahay natin, itapon mo ng iba dito o di kaya ipamigay mo na lang sa iba." "Eh! Mama, kawawa naman po sila, tingnan nyo po, may mga sugat at baldado ng karamihan sa kanila.. diba kayo naaawa sa kanila, Ma?" "Eh, sakin ba, Ryle? dika ba naaawa sakin ha? Juicemiyo! naman Anak! Ang hirap hirap maglinis, saka dina ko nakakatulog ng maayos dahil sa ingay ng mga yan." "Hayaan nyo po Ma, kapag may time na po ako, dadalhin ko na sila lahat sa animal shelter welfare.. tiis tiis na lang po muna, ha, Ma... Please!" "At kelan naman kaya yung 'pag may time ako?' Kuuu... Nadadagdagan ang wrinkles ko sayong bata ka!" "Wag kayong mag alala Ma, maganda pa rin po kayo sa paningin ko, lalo na kay Papa, kahit puro wrinkles ng mukha nyo." "Hmp! Ewan ko sayong bata ka.." Napangiti na lang ako sa usapan ng mag lna.. Araw araw silang ganyan.. Kung yung iba siguro naiingayan na sa kanila, pero ako hinding hindi. Dahil para sakin.. Musika ko ng mga boses nila araw araw. Kahit saang sulok man ako ng aming bahay, abala man o hindi, basta't narinig ko ng boses ni Ryle, napapatakbo kaagad ako sa hardin para tumambay. "Hi Claire, magandang araw sayo." Ngumiti sabay haplos sa buhok nitong maayos naman, pero palagi ko syang nakikitang ginagawa yun, lalo na kapag kaharap nya ako. "Uy Ryle, hindi kita napansin agad" Echos.. "Good morning din sayo, papasok kana ba?" Malapad ang pagkakangiting tanong ko pa sa kanya, eh obvious naman sa suot nitong uniform, eh, syempre papasok na sa prisento ito. Kasi naman, bakit ba pagkaharap ko na sya, naba black out ang utak ko. "Yeah! Sige, mauna nako sayo.. ingat ka palagi! Babye Claire.. See you!" Malayo na si Ryle, nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya. Ni hindi ko na nga nagawang sumagot, kasi abalang mga mata ko kakatitig sa kanya. Kandahaba ng aking leeg matanaw ko lang sya kahit nasa malayo na.. Sa kakahakbang kong pasulong, diko napansin ang mga paso ng bulaklak ni Mamang at nahakbangan kong isa. "Araayy... aray... araay... tsakit pucha!" Pasok ang isang paa ko sa paso, basag na ito ng aking sulyapan.. Nakita ko pang pagkalat ng dugo saking sugat sa bukong bukong. Naiiyak akong napaupo sa lupa, saka dahan dahang hinila ang aking paa na diko matanggal mula sa pagkakabaon nito sa paso. "Maryosep! Claire! anong nangyari sayong bata ka? Anong...?" "Mang, sorry! Nabasag kong paso ng rosas nyo, sorry po! sorry po talaga.. Mamang..." At dun na pumatak ang aking mga luha, hindi lang dahil sa sakit ng natamo kong sugat. Kundi dahil sa paso na nabasag ko na naman.. Pang ilan na ba ito? Ahh... hindi ko na mabilang. May pagka clumsy kasi ako.. Hindi lang ako tanga may pagka nerbyosa pa. "Haay.. Anak, mag iingat ka naman kasi sa mga kilos mo! Tingnan mo, nagkasugat kana naman.. Halika sa loob gamutin natin yang sugat mo." "Sorry, Mang..." "Sssshhh... ayos lang yan Anak, basta sa susunod dobleng ingat kana ha!" Sa pagiging clumsy ko, nasanay nakong masaktan at magkasugat.. Maging malalim man yan o mababaw. Ewan ko ba kung bakit paulit ulit na lang akong nagkakamali at nasasaktan? Ipinanganak na yata akong ganito, kaya sanay na rin ang mga taong nakapaligid sakin na ganito akong klaseng tao. I'm Claire Reynolds... Sixteen... Mahinhin... Maunawain... Mabait... Even if I'm a clumsy person .. that's not a problem for people close to me .. Because for them it's just more about being a Nice girl .. So I love and appreciate them even more ... My Mom and Dad are my only treasures ... The Bad Girls who are my backbone and protector ... And above all... The man who is my ultimate crush, whom I never thought would be my destiny. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD