"Hindi ko kayang nahihirapan ka katulad ng paghihirap na nararamdaman ko.
Hayaan mong ako nalang makaramdam ng ganito."
--- Ryle ---
Nong makilala kita
Pinangarap kong sana maging tayong dalawa
Na sana mahalin mo rin ako kasi mahal na kita
Kahit na nga isang buwan pa lang tayong magkakilala...
Ewan ko ba kung bakit pag nakikita na kita
Bumibilis t***k ng puso ko't ako'y natataranta
Di mapakali panay haplos sa buhok kahit maayos na
Titingin sa salamin para tiyaking maganda ang aking hitsura...
At kapag nakakausap na kita
Ako'y nauutal at namumula
Diko alam kung san ibabaling aking mukha
Pag ako'y tinitingnan mo na...
Ang saya saya ko
Pag ako'y napapansin mo
Kahit simpleng "hi" lang ang sabihin mo
Kinikilig na ako...
Crush na crush talaga kita
Bilib ako kapag naka-porma ka na
Napapapikit pag dumadaan ka
Habang sinasamyo kong pabango mong nakakahalina...
At kapag nasa malayo ka na
Kanda haba leeg ko kakahabol ng tingin kung san ka papunta
Natitisod pa sa kasusunod kung sino ang yong kasama
Ganyan katindi ang aking paghanga...
Sabi ko pa nga pag niligawan mo ako
Dina kita pahihirapan ng todo
Kasi ayokong magbago pang isip mo
At baka mabaling sa iba ang pag-ibig mo...
Sana nga dumating na ang araw na yon sakin
Para dina ako nabibitin
Sa tuwing ako'y iyong pinapansin
Para lubos ng kaligayahan na pupuno sa'king damdamin...
-- Claire --
"Hangga't may pinanghahawakan akong saya, pagpapahalaga at pagmamahal, patuloy pa rin akong kakapit at aasa."
?MahikaNiAyana
- Claire -
?MahikaNiAyana