Boylet

2095 Words
Naisip ko lang na minsan talaga sa buhay may makikilala kang tao, at hindi mo alam ang magiging halaga niya sa buhay mo. Hindi mo ‘din aakalain na may lugar na siya sa puso mo, na mahalaga na siya para sayo. Yung simpleng usap niyo lang pala araw-araw doon na nagsisimula ang lahat. Yung pag labas o tambay niyo madalas, ay paraan na pala para malaman mo ang iba pang bagay tungkol sa kanya. Siguro dumarating ka na lang sa punto na iniisip mo kung gaano kana kasaya dahil parte na siya ng buhay mo. Kung gaano kana kaswerte kasi mahalaga ka na ‘din sa kanya. May taong nag-aalaga sayo at nag-aaruga. May isang taong paglalaanan ka ng oras kahit anong mangyari. At kung magtatalo ‘man kayo, siya na ang magpapakumbaba at lalambingin ka. Hindi mo inakala na yung isang tao na yan, hanggang langit ka pinapangiti sa bawat minutong magkasama kayo. Hindi aakalain na mababago niya ang buhay mo at mababago ka niya. May isang tao na susuportahan ka sa mga pangarap mo. Ang swerte mo kung meron kang tao na lahat yan ginagawa para sayo, o kaya higit pa ang ginagawa para sayo. Isipin mo yon sa sobrang daming tao sa mundo, may isang taong nakalaan para sayo at kasama mo na siya. "San ka magbabakasyon?" Napapangiting nereplayan kaagad ni Claire ang text ni Ryle sa kanya. "Sa puso mo! Wahaha, Joke. Dito lang sa bahay, boring nga e. Ikaw, san ka magbabakasyon?" "Hahaha. nakow! sa bahay lang din. haha." "Ah.." Nangingiting reply na naman nya dito. "De.. Sa puso mo din ako magbabakasyon eh! haha. " Biglang nagrigodon na naman ang kanyang puso sa nabasang text ng binata. "Ah, ganun ba? Hahaha! Kinilig tuloy ako. Tsk! Haha!" Mabilis nyang reply. "Hahaha. nyaay.. Ako din, kinilig hahaha." Sagot naman ni Ryle. Madami na kaming napagusapan. Hanggang sa bumalik na naman sa unang topic naming bakasyon. "Pero san ka ulit magbabakasyon, Claire? "Paulit ulit? Sa puso mo ngaaaa! Kulit eh.." "Hahaha. ulit lang.. kow.. masaya ako eh! haha." "Nakuuu.! Kinikilig yan,. hahaha!" Panunukso ni Claire sa binata. "Nyeh, bat kikiligin? haha, kung totoo baka pa." "Huu.. Todo deny pa!" Nangingiting mabilis ang pagpindot ng kanyang mga daliri sa hawak nyang cellphone. "Sya, matulog ka na aba! madaling araw na." "Ikaw po, tulog ka na." Reply ni Ryle. "Hindi pa din talaga ako dinadapuan ng antok." Ilang minutong lumipas.... 'Hindi na nagreply! Tinulugan ako? Wahaha!' Ganun sila palagi ni Ryle.. Ganyan na sila ka close kung magbiruan, magkulitan... Puro kalokohan at kasiyahan ang mga pinag uusapan o kahit na nga mga pinag gagagawa nilang dalawa. Crush na crush nya talaga ito na pinapangarap nyang mauwi sa love ang ending nilang dalawa. Umayos na sya ng higa sa kama, ini scroll ang photo gallery, ng makita ang hinahanap nyang picture ni Ryle. Kinikilig na inilapit nyang cellphone sa kanyang labi. Hinalikan nya ito saglit saka nakangiting tinitigan ang maangas nitong mukha. "Lam mo Ryle, simpleng love life lang naman ang gusto ko, yun bang mahal kita pero mas mahal mo ako!" Niyakap nyang cellphone na hawak, na nakatulugan na rin nya kalaunan. Napasarap ang kanyang pagtulog lalo pa't napapanaginipan nya si Ryle. Kung dipa nga pumasok ang Mamang nya sa kwarto nya't gisingin sya, malamang na late na sya sa school nila. Sa aking panaginip, nakahiga ako sa kanyang dibdib ng bigla syang magtanong sakin. “Naririnig mo ba ang t***k ng puso ko?” “Bakit? May puso ka pa ba?” sagot kong napapatawa sa biglang pagsimangot nya. “Hindi ko nga rin alam e. Kasi the last time I checked it, it’s no longer mine. It’s already yours.” At ganun nalang kasarap ang pagtulog ko na parang ayaw ko nang magising pa. Kung di lang ako ginising ni Mamang malamang nasa paraiso pa rin ako, kasamang lalaking minamahal ko. "Besty, Yuhoo! Nandito kmi!" Tawag ni Mabel kay Claire ng lumagpas ito sa kanila. "Anong nangyayari sa babaetang yun? Tila lutang ang utak.." Hinabol na ito ni Rowena, at ng maabutan tinapik ito sa balikat. "Hoy! Claire, san punta mo?" "Ha?" Napahinto sa paglalakad si Claire, nagtatakang napabaling ito ng tingin kay Rowena. "Anong..?" "Besty! Dito kamiii...!" Kumakaway pa si Mabel ng mapasulyap si Claire sa nakatambay nyang mga kaibigan, kumakain ng chichiria ang mga ito. "Lutang kana naman, si Ryle na naman ang iniisip mo nuh?" Panunukso pa ni Rowena sa kanya. "Di ah! Sobra ka!" Yukong yuko na sabi ni Claire, alam nyang namumula ng kanyang mukha sa hiya, kaya nahihiya syang humarap dito. "Sus, Kung makatitig ka nga sa crush mo parang wala ng bukas, pero pag sya naman tumingin sayo kung makaiwas ka wagas.. Hahaha.." Dina lang sya umimik, kasi lalo lang syang tutuksuhin nito kapag sumagot pa sya.. "Besty, dito ka umupo sa tabi ko." Tawag ni Mabel sa kanya ng makalapit na sila ni Rowena sa grupo ng Bad Girls. "Lam mo kasi b***h, Lahat ng lalaki may kanya kanyang prinsesa, kaso may iba tatanga tanga. nasa harap na nila ang prinsesa naghahanap pa ng bruha." Napabaling si Claire ng tingin kay Ashley ng marinig ang sinabi nito. Nakataas ang kilay nitong tinapik pang braso ni Roselia. 'Boylet na naman ang topic nila.. Haayy..' "Pag may mahal ka, siguraduhin mong iyung iyo lang sya. dahil sa panahon ngayon, ang labanan ay parang plants vs zombies, Binakuran mo na ina aswang pa rin ng iba." "Ay! Trulaloo yan girl, isang malaking check ka naman dyan Mabel, ang pag ibig ay parang pananim, alagaan mo man o mahalin, pinipeste parin." "May pahabol pa'ko dyan sa sinabi mo Rowena, Sa bawat fairytale, palaging may witch. Parang sa pag ibig, palaging may bitch." Nag apiran pa sila Roselia at Rowena, halatang nag eenjoy sa pinag uusapan nila. "Virginity is the best wedding gift a man could recieve from his wife. Pero ngayon ginagawa na lang birthday gift, minsan advance pa! Nyemas, hahaha." Hirit naman ni Ashley. "At heto pa! Sa dinami dami ng digmaan na dumaan, Akalain mong sa kama ka lang pala mapuputukan. Nyahahha.." Napabunghalit ng tawa ang lahat na kahit si Claire natawa na rin sa mga naririnig na usapan ng kanyang mga kaibigan. "Hindi s*x ang sukatan ng pagmamahal, Bakit nasa pagitan ba ng dalawa mong hita ang puso mo?" Komento naman ni Mabel na kay Rowena nakatingin. "Hindi nga naman sukatan ang kama para sabihing mahal nyo talaga ang isa't isa, Kasi kung totoo kayong nagmamahalan sa sahig lang ayos na. Wahahaha.." Si Roselia ng sumagot na ikinaasim lalo ng mukha ni Mabel. "Natumbok mong point ko b***h! Parehas talaga tayo kung mag isip.." Nag apiran pa sila Rowena at Roselia. "Aba'y di lang kung mag isip, pati na rin sa pananamit." "Hoy! Kayong dalawa haba habaan nyo naman ng konti yang mga sinusuot nyo! Lam nyu bang.. walang banal na binata sa dalagang labas ang hita?" Segunda naman ni Claire para sa kanyang Besty. Makabawi man lang sa dalawang maharot na, malilibog pa nilang kaibigan na tuloy ang tawanan.. Hanggang sa magsalita si Queen, dun nahinto ang sagutan nilang apat. "Just wanna share.. One unforgettable past experience.." Lahat sila napabaling ng tingin kay Queen. "Exciting ito!" Napaayos sila ng upo sa damuhan kung saan sa di kalayuang bahagi ng school ay may naglalaro ng football. "Wedding anniversary ng Parents ni Bee," kunot nuo silang nakatutok ang tingin kay Queen, nakalarawan sa mga mukha nila ang tanong kung sino itong Bee na tinutukoy nya. "Ahm.. ni Ryle pala, Bee kasing tawag ko sa kanya at Honey naman ang tawag nya sakin." "Ahh... O, tapos, anong kaganapan sa party?" Sabik na tanong ni Rowena. "Di makapag antay b***h? Hayaan mo si Queen magkwento, masyado kang atat eh!" Pinitik pa sa tenga ni Roselia ang katabi. Na ikina iling na lang ni R'joy. "There's one guy na nakakuha ng buo kong attention, super handsome na, yummy na yummy pang dating nya sakin, so, de pedeng di gumawa ng da moves dibah? So yeah! Nasa to the highest level ang kalandian mode ko ng mga oras na yun.. Kaya rumampa ako sa harapan ng fafang yummylicious, di naman na snob ang beauty ko dahil kaagad syang tumingin sakin at ngumiti.. Sabi ni self, 'go girl itodo mo na! With dignity and pride..' Kaya sabi ko sa guy... "Hey! I just met you, and this is crazy, so here's a c****m, f**k me safely." Natatawa at napapailing huminto sa pagkukwento si Queen. "Leche! Kung ako yun, hinila ko na sa dilim at nilantakan si Boylet hahaha.." Maharot na sabi ni Rowena. "Yan ang fighting spirit!" naka thumbs up na sabi naman ni Roselia kay Queen. "Tapos Queen, anong sagot sayo nung guy?" Si Mabel na nabitin sa kwentong narinig. "Natulala si Guy, hahaha! Joke lang naman yung akin, trip ko lang.. kasi naaaliw akong tingnan ang reaksyon ng mukha nya.. Tapos may epal na umeksina." "Hala! Jowa ba ni Boylet, Queen?" Tanong ni Claire na napahawak pa sa kanyang dibdib, kinabahan sya bigla. "Hey! That's my boyfriend and he is taken, so usog ka konti, wag kang malandi." Tikwas ang daliring kwento ni Queen sa mga kaibigang iba't ibang reaksyon sa kanyang sinabi. "b***h! Sinabihan kang malandi, Queen?" "Syempre dika papayag ng ganun ganun lang, ano, sinampal mo ba? Sinabunutan?" "Kung ako yung ginanun ng hitad na yun? Punyeta! Tanggal mga ngipin nya sakin!" "Wait! May dinagdag pa yung girlfriend." Awat saglit ni Queen sa pag iingay ng mga kaibigan. "Abah! May hirit pa sya bukod dun sa sinabi nya ha!" Pahaplos haplos sa mahabang buhok na sabi ni Ashley. "Nakita mo ng taken sya sakin, nilalandi mo pa. Ako tong may allergy, pero ikaw pa tong makati." Kwento pa ni R'joy na ginaya pang boses nung girlfriend ni guy. "Talaga! ba Queen! Sinabi nya yun?" Tila di makapaniwalang tanong ni Claire sa leader ng bad girls. "Uhmhumm.." Pigil ang ngiting sagot ni Queen. "Ang tanong.. Mabeuty ba sya?" Taas ng kilay ni Roselia. "Ang gusto kong malaman kung anong bwelta ang ginawa mo, Queen?" Ani Rowena. "Well, simple lang.. Sabi ko, 'Umarte ng naaayon sa ganda, hindi yung ang arte arte mukha namang yaya." Nakapamewang pang sagot ni Queen sa kanila. "Hahaha... Buti nga sa kanya!" Napapalakpak pa't malakas na napatawa si Claire. Malaki ang paghanga nya kay R'joy Queen, lalo ng ugali nitong kakaiba gustong gusto nya talaga. "Anong reaction nung b***h, sa sinabi mo Queen?" Nangingiting tanong ni Mabel. "Natulala ang hitad , kaya para malubos ng pagkatutala nya, humirit pako ng isa.. 'simplicity is maganda, being maarte is chaka' Tapos, taas noo ko syang tinalikuran.. Narinig ko pa ngang pagsinghap nya at ang pagtawa ng yummy nyang fafa, hahaha." "Haha.. Eh, lalo na siguro kapag natikman nyang tender, love and care na pinapalasap mo sa mga nagpapa init ng yung ulo. Queen!" "Mismo! Mild lang ngang bwelta ko sa kanya eh! Lam nyu naman na kapag kasama ko si Laloo, santa ang image ko. Di makakabuti kapag nag ala Catwoman ako." Nagsindi ng sigarilyo si Queen, humitit sabay buga ng makapal na usok pataas. "Syanga naman, baka atakehin sa puso ang Lola mo kapag nakita nyang pag transform mo, Queen, hahahha" "Kung alam lang ng Lola mo yang pinaggagawa mo Queen, malulungkot yun" "Kaya nga dapat mag ingat tayo girls, lalo na kapag nasa mansion tayo nila Queen." "I think.. may idea ng Laloo sa mga extravagant movements natin girls, kaya no worries.. Happy happy lang tayo!" Pampakalma ni Queen sa mga tensyonadong kaibigan. "Ohyeah! Sinabi mo eh! San tayo magha happy happy Queen?" Excited na naman si Claire. "Eat and drink all you can na naman ba ito Queen? Napapalakpak sa saya si Rowena. "O, baka, Shopping galore ituuu!" Nagmamadaling niligpit ni Mabel ang mga gamit nyang nakalapag sa damuhan. "Wow! baka, local o abroad trip na'to? Eee.. Bet na bet ko yun Queen!" Nangingislap sa saya ang mga mata ni Roselia. "Mga hibang! May transaksyon pa tayong dapat tapusin, puro kayo lakwatsa!" Biglang natahimik silang lahat sa sinabi ni Ashley. Natatawang itinapon ni Queen ang hawak na upos ng sigarilyo.. "Tara! Tapusin na natin, para makapag happy happy na tayo! Ready Bad Girls!" "Ready!" Sabay sabay nilang sigaw. "Let's go..!" Ito ang araw na magbabago ang takbo ng buhay ni Claire.. Kakayanin kaya nya ang pagsubok na darating? Kapag natuklasan ng ultimate crush nya ang bad side nyang inililihim? Paano ng Nice Girl image nya? Ang mga taong nakakakilala't nagmamahal sa kanya, magbabago bang kanilang pagtingin? Anong kaganapan sa kanyang buhay ang pikitmata nyang susuungin? Malampasan lang ang mabibigat nyang suliranin.. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD