Sa buhay, madaming makikilalang iba’t ibang tao. Madaming makikilalang babae, pwede maging kaibigan, makaclose, makausap, o ibigin. Pero iisa lang ang makakasama sa pagtanda.
Sa dinami rami nga, ikaw pa ang nakilala. Sa dinami rami ng pwedeng maging kaibigan, ikaw pa. At sa dinami rami ng pwedeng mahalin, ikaw yun. Ikaw ang pinili nitong puso ko. Ikaw ang pinili ko. I choose you. Ang babaeng gustong makasama sa buong buhay ko.
Hindi sa dahil no choice ako. O dahil ikaw lang yung kausap ko ng madalas, o ikaw yung andyan. Kahit ilan pa at kahit sino pang babae ilatag sa harap ko, ikaw at ikaw padin ang pipiliin ko.
Bakit?
Dahil naiiba ka. Dahil nag iisa ka. Wala kang katulad. Marahil oo, may ibang babaeng naiiba din at special in their own way. Pero iba ka talaga eh. Sa lahat, ikaw ang lumutang para sakin. Nakuha mo agad ang tingin at loob ko. Na hindi naman talaga ako lumilingon o napapatingin, pero napatingin moko. Sa mga oras na di naman talaga ako naghahanap, bigla kang umappear sa buhay ko.
Saya. Ibang saya yung naramdaman dahil sayo. Na sa dinami rami ng tao na sinubukan pasayahin ako, ikaw, walang ka effort effort, napangiti ako. Yung buhay kong naging madilim, binigyan mo ng ilaw muli. Na dahil sayo, natutunan ko muling mangarap, tinuruan mo ko ulit umasa, ibinalik mo yung dating masiyahing ako. Binigyan mo ulit ng kulay yung buhay ko.
Naging inspirasyon ka sa pag gising sa umaga. Dahil sayo nakakatulog at nagigising ako muli ng may ngiti saking mukha. Sayo ko uli naramdaman yung pakiramdam na matagal ko na pala di nararamdaman, ang pakiramdam na espesyal ako, ang kilig, at ang mainlove.
Lahat ng sinabi kong to, kulang pa to sa lahat ng nagawa mo para sakin. Kulang pa tong lahat na'to sa mga dahilan kung bakit ikaw. Pero sa mga ito palang sobra sobra na kung ba’t ikaw yung pinili ko.
Baka alam mo na nga siguro to dahil ilang beses ko ng pahaging na sinasabi sayo pero di padin ako mapapagod o titigil ipaalam sayo. Maraming salamat, sobra. Masaya akong nakilala kita. Masaya akong minahal kita. Napapasaya mo ko. Isa ka sa pinakamalaking parte ng buhay ko, at gusto kong manatili ka rito. Kahit ikut-ikutin o ibali-baliktad pa ang mundo, kahit ibalik pa ang panahon, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko. I will still choose you. Sobrang mahal na mahal kita, at ikaw lang.
"Ryle! Parine ka nga saglit! Bilisan mo Anak at nangangati nako sa balahibo nitong pusa mo!"
Napabuntong hininga na lang si Ryle, ayaw pa sana nyang umalis sa terrace nila, kasi naaaliw syang tingnan ang magandang kapitbahay nilang si Claire. Sa dalawang buwan nilang pagtira dito mula Santa Cruz Laguna, napapalapit ng loob nya sa dalaga. Tama lang ang pag sang ayun nya sa mga magulang na ibenta ng lupa't bahay nila sa probinsya at lumipat dito sa Marikina. May nakilala tuloy syang mahinhin at magandang dalaga.
Una nyang kita dito ay nung mapadpad sya sa CandyMint Cafe, mga panahong naging abala sya sa mga unang araw nyang maasign dito sa Marikina. na sinundan nung mag birthday ang kanyang Ina, kasama ito ng kinakapatid nyang si R'joy Queen. Napangiti na lang sya ng maalala ang narinig nyang sinabi ng kanyang Ina sa dalaga.
'Salamat Anak! ang ganda ganda mo naman, bagay ka saking Anak. Diba R'joy, bagay sila ni Ryle ko?'
Napailing iling na lang si Ryle. "Si Mama talaga! May taste din pala haha." Paalis na syang terrace ng marinig ang boses ni Claire.
"Mamang! Eeee..! Tingnan nyo po, namumukadkad ng tanim kong rose! Ang gaganda!.. Ayyy! Pucha..."
Napapihit syang bigla paharap dito, kitang kita nyang dalaga na nakadapa sa lupa sa paanan nito may dalawang basag na paso ng rosas..
"Anak! Susmaryosep! Anong nangyari sayo?" Aligagang dinaluhan ng Ina si Claire na hindi kaagad nakabangon.
"Mamang.. sorry po! Nabasag ko na naman ang paso nyo! Huhu sakit pucha!"
Iinot inot itong kumilos napayakap na ito sa Ina para lang makaupo ng ayos sa semento.
"Tsk!.. Tsk.. Napaka clumsy mo talaga Claire." Napatapik na lang ng kanyang nuo si Ryle ng makita ang paa, tuhod at nuo ng dalaga na dumudugo. Marahil tumama ang mga parte ng katawang yun sa mga bato na nakakalat sa lupa.
"Wag mo ng isipin ang mga paso na nabasag, ang alalahanin mo eh yang mga sugat mong dumudugo.. Naku! naman Anak, mag iingat ka naman kasi sa mga kilos mo, para hindi ganyang nagkakasugat at nasasaktan ka! Hmm?"
"Opo, sorry po ulit Mang! Araayy...!" Hinipan hipan pa ni Claire ang tuhod na nadugo, halos maluha luha na ito sa hapdi at sakit na dulot ng kanyang mga sugat. Naisip nyang sana pala di muna sya nagpalit ng shorts, na sana naka pajama pa rin sya para di nagkasugat ang kanyang balat.
'Sayang ang kakinisan ng balat, nagkapeklat na naman.. Hayy!' Tuluyan ng umalis si Ryle sa terrace para puntahan ang Inang nagtatawag na naman sa kanya.
"Ryle!"
"Po! Andyan na po Ma!" Napabuntong hininga na lang sya ng makitang di magkamayaw sa pagkakamot ang kanyang Mama.
"Ryle, itong pusa mo, ipamigay mo na Anak, maryosep! lalong lumalala 'tong mga allergies ko."
"Sorry Ma, dadalhin ko na lang po sa shelter ngayon na mismo!" Kinarga na nya si Puso na panay ang dila sa kanyang kamay.
"Meoww.."
Hinimas himas nyang pusa na tila nagmamakaawa sa kanya. Gustuhin man nyang ampunin ito, kaso di naman pwede at allergy ang kanyang Ina sa mabalahibong hayop. Kaya no choice na sya kundi ang i let go na ito para mapalagay na ang kanyang Mama.
"Hi Ryle! ang cute naman ng pusa mo." Bati ni Claire ng mapadaan sa bakuran nila ang binata. May gauge ng mga sugat nito.
"Gusto mo ba ng pusa?" Umaasam na Oo ang isasagot ng dalaga sa kanya.
"Meow.. Meow.."
"Oo naman! Gustong gusto ko!" Malapad ang pagkakangiting sagot ni Claire sa kanya.
"Talaga! Hay! Salamat naman.. Kala ko tuluyan ng mapapalayo itong si Puso sa'kin." Inabot nyang pusa sa dalagang ngiting ngiti sa kanya.
"Anong pangalan nya?"
"Puso! Bakit pangit ba?" Naiilang na tanong nya sa dalaga na nakakunot nuo.
"Puso talaga! Hahaha... Sabagay maganda naman, unique nga eh!" Hinaplos pa ni Claire ang malagong balahibo ng pusang puting puti ang kulay, dilaw ang mga mata nito't mahahaba pang pilikmata.
"Oh! Ito ng puso ko! Este si puso.. Alagaan mo ha! Wag mo sanang saktan at paiiyakin."
"Oo naman! Aalagaan ko sya, galing sa'yo eh! Kaya iingatan at pahahalagahan ko ang puso mo." Natatawang sabi nya sa binatang titig na titig sa kanya.
'Huh! Ano daw?' Napakurap kurap ang mga mata ni Ryle. Tama bang pagkakarinig nya sa sinabi ni Claire na aalagaan nitong puso nya? 'Naman! Aasa na ba akong may future kaming dalawa?'
"Ryle! Hoy! Ryle, okay ka lang ba? Nakatulala kana naman dyan." Tinapik tapik ni Claire ang makinis na pisngi ng binata.
"Ahm.. Ano nga yung sinabi mo Claire? Pakiulit nga kung pwede?"
"Ang alin ba dun?"
"Yung... Ahm.. Yung part na.." Nagkamot ng batok saka napabuntong hininga na lang sya. Di nya maderetsang itanong yun kay Claire, torpe sya eh! Sobrang torpe. "Ah, wala yun! Yaan mo na."
"Okay, sabi mo eh!" Karga ang pusang nakatulog na sa kanyang braso, may naisipang itanong si Claire sa binatang bahagyang namumula ang tenga. "Ryle, may tanong ako sayo."
"Ano yun?"
"Kung sakali, saang bansa mo gustong pumunta? Singapore, Australia, Portugal, United States , Switzerland, Orlando, Korea, Oman?"
Nag isip ng malalim si Ryle, lahat ng bansa magandang puntahan.. Pero wala syang mapili na isa, kasi lahat ng bansang binanggit ni Claire ay gustong gusto nyang puntahan. Sasagot na sana sya ng magsalita ulit ang dalaga.
"Kung wala kang mapili.. Kunin mo na lang lahat ng Unang letra.. tapos dun ka pumunta!! Bye, Ryle, salamat binigay mo sakin ang puso mo! Este! Si puso, aalagaan at pakamamahalin ko ito! Pangako ko yan sayo."
Tumalikod na't naglakad papasok ng bahay si Claire, samantalang naiwan namang nakasunod lang ang tingin ni Ryle sa dalaga habang iniisip ang mga sinabi nito sa kanya.
'Kung wala akong mapili, kunin kong lahat ng unang letra? Hmm..
Singapore... S
Australia... A
Portugal... P
United States.. U
Switzerland... S
Orlando... O
Korea... K
Oman... O...' Nanlalaki ang kanyang mga mata ng maunawaan ang ibig ipahiwatig ni Claire sa kanya.
"Oh my goodness!.. 'SAPUSOKO!.. Sheettt! Claireee.. Totoo ba yung mga sinabi moooo??"
Patalon talon pa sya na parang baliw na nagsisigaw sa labas ng bakuran nila Claire. Dina nya alintanang mga taong dumadaan sa kalsada.
"Hahaha.. Nakakatuwa ka palang panuorin kapag masaya ka, Ryle! Puso, tingnan mong amo mu oh! Dina nahiya sa mga kapitbahay."
Inilapit nya sa bintana ang kargang pusa. Nakakubli sila sa bulaklaking kurtina kaya natitiyak nyang di sya makikita ni Ryle.
"Meow.."
Natatawang kaagad syang napalayo sa bintana ng makitang napasulyap si Ryle kung saan sila nakatayo ng pusa. Marahil narinig nitong pusa kaya napatingin ito sa bintana nila.
"Shh.. Wag kang maingay Puso!" Hinaplos haplos nyang balahibo nito.. Napapangiti na lang sya ng muling silipin sa bintana ang binatang crush na crush nya, mula nung una pa lang nya itong makita.
'Konting effort pa Claire, lumiliwanag ng kinabukasan mo, patungong paraiso..'
?MahikaNiAyana