Parcel

2455 Words
"Queen, nasa location na sila Zaito." "Sila?" Kunot nuong tanong ni R'joy kay Roselia. "Oo Queen, sila!.. Marami syang kasama na nagkukubli sa area." Sabi ni Rowena na nakasilip sa hawak nitong maliit na binocular telescope. "Masama ito, mukhang may masamang plano ang bugok na yun ah!" Napabuga ng hangin si R'joy. Hinugot nyang cellphone na nakaipit sa loob ng kanyang knee boots. "At Queen, kargado sila ng matataas na kalibre ng baril, tagilid tayo dito." Pabulong na sabi ni Mabel sa earpiece nito. R'joy smirk. "Ako pa ba, magugulangan ng kupal na yan? Mahinang spy nya, kung di nito natuklasan ang mga technique ko" "So, anong plano Queen? Naka ready na kami dito." Si Claire, habang itinatali ng mahigpit ang mahabang buhok. Ayaw na ayaw nya kasing nagugulo ang natural curly hair nito. "Wait lang ng konti, iko confirm ko pang back up natin." Mabilis na tumitipa ang daliri ni Queen sa hawak nitong cellphone. Keros Kitsume⚔ ' 911.. ASAP'. Mahal man ang serbisyo ni Keros, maaasahan naman nya ito, saka malaki ang tiwala nya sa organization ng mga ito. "Huh! May back up tayo? Sino?" Halatang pagtataka sa boses ni Ashley, ngayon lang kasi mangyayari na kumuha ng back up nila si Queen. "Assassins!" "Sila Keros Kitsume bang tinutukoy mo?" Nae excite na tanong ni Claire. "Uh..hmm.. Mismo!" Napapitik pa sa hangin si R'joy ng magreply sa text nya si Keros ng... 'OTW'. "Kaya pala parelax relax kana lang dyan, haha" Napapalatak namang sabi ni Rowena. "Whooa! Masayang labanan ito!" Ngiting ngiti na sabi ni Mabel. "Bad Girls, mag ready na kayo, malapit na'ko." Sinuot na ni Queen ang helmet nito saka mabilis na pinaharorot ang big bike nya patungo sa location ng mga katropa. "Reading ready na kami Queen, ikaw na lang ang hinihintay namin dit - ." Napatigil sa pagsasalita si Ashley ng tapikin ito ni Claire at inginuso si Queen na pababa na ngayon sa motorcycle nito. "Bilis ah!" Napapailing pang sabi ni Ashley. 'Hanep! Nagmaneho na naman 'to ng mabilis.' "Time is gold, ang motto ni Queen, nakalimutan mo na ba?" "Oo nga pala! Batukan mo nga ako Claire, inaatake na naman ako ng aking insomnia.." "Anong insomnia? Baka amnesia! Hahaha.. Potek! Nagpuyat na naman kayo nung jowa mo nuh? Kaya lutang yang utak mo." Tatawa tawang sabi naman ni Roselia. "Syempre! Sarap kayang may jowa, na kahit hindi perfect, to the highest level naman ang effort mapasaya't mapaligaya ka lang.." Kindat sabay dila na sagot ni Ashley sa mga kaibigan. "Nakakamiss magkaroon ng ka-relationship. Yung may isang taong magpaparamdam sayo na mahalaga ka sa kanya, na mahal na mahal ka niya. Yung palagi kang susurpresahin, pakikiligin at patatawanin. Yung kayo pero parang bestfriend mo narin siya, kasi alam niya lahat patungkol sayo. Yung hahalikan ka kahit kelan niya gusto, hahawakan ang kamay mo kahit maraming tao, yung yayakapin ka niya kapag may lumalandi sa kanyang iba, yung ipagmamalaki ka niya sa lahat ng nasa paligid niya. Yung kakantahan ka niya kahit panget ang boses niya at mag-aaral siyang maggitara para kantahan ka, atleast nag-effort siya para mapasaya ka. Yung hindi nagsasawang suyuin ka kapag nagtatampo ka at hindi nagsasawang lambingin ka kahit nilalanggam ka na. Yung may magpapaalala sayo na kumain ka sa tamang oras, katext mo bago matulog hanggang pagkagising. Yung taong mage-effort para mapasaya ka lang, taong magpaparamdam na sa bawat paghinga mo, may nagmamahal sayo. Nakakamiss magkaroon ng ka-relationship, yung nagtatagal at hindi pang libugan lang. Pucha! Gusto ko na ulit magka jowaaa..!" Kagat labing sabi ni Rowena na ikinatawa nila. "Kasi, dika makontento sa isa, gusto mo maramihan.. Ayan tuloy kapag nagkabukingan.. ikaw ang mag isang naiiwan!" Naka ismid namang sabi ni Mabel.. "Girls! Let's go!" Kung dipa sila tinawag ni Queen.. Mauuwi na naman sa matinding bangayan at asaran sila Mabel at Rowena. "Queen, bente lahat ang nakapalibot sa tagpuan natin.. Apat naman ang kasama ni Zaito sa loob ng bodega." Kaagad na imporma ni Rowena sa katabing nauuna ng humakbang papunta sa di kalayuan na lumang bodega. "Maliban sa mga de kalibreng baril na nakasukbit sa mga balikat nila, diko tiyak kung may mga nakatago pang armas sa katawan nila." Dagdag ni Roselia. "Ayos lang yan, basta maging alerto lang kayong lahat, wag magpabaya at protektahan ang kaligtasan ng bawat isa." Kinapa ni Queen ang magkabilang bewang kung saan nakalagay ang paborito nyang gamiting mga armas. "Dating gawi tayo, Yung attack numero otso ba Queen?" Si Claire ng nagtanong, para makasiguro syang hindi na pumalpak ang bawat galaw nya, ayaw na kasi nyang magkamali dahil nung huli nilang transaksyon bumagsak silang presinto. Sinulyapan nyang katabi, tumango si Mabel ng magtagpo ang tingin nilang dalawa, at sa ganun lang nagkaintindihan na sila. "Yeap! Numero otso ang gagamitin nating estilo ngayon.. At Claire.." Seryosong nilingon sya ni Queen.. "Ayoko ng maulit yung dati, kaya sana mag focus kayo ni Mabel, okay?" "Makakaasa ka Queen! Gagawin namin ni Claire ang makakaya namin para dina maulit pa yung dati!" Si Mabel ng sumagot ng makita sya nitong napapakagat labi. Alam na nitong inaatake na naman sya ng nerbyos at di yun makakabuti sa kanya. "Good! Okay, Bad Girls! Let's go in..." Tinulak ni Queen ang malaki at malapad na pintuan ng bodega. Lihim na nagtagis ang ngipin nito ng makita si Zaito at ang apat na kalalakihang nakatayo sa likuran nito. "Queen, tagal mo kaming pinag antay dito ah! What took you so long?" Halatang tinitimping galit nito. "i***t!, I'm Queen! Dapat lang na maghintay kayo, kung nais mong kumita ng limpak limpak na salapi galing sa yaman ko!" "Tsk.. Kung dika lang VIP, nungkang mag aksaya ako ng oras sa- !" "Shut up! Just show me the parcel and we're done here." Asik ni R'joy sa mayabang at tusong intsek. "b***h!" Lumipad ang isang patalim sa harapan ni Zaito, kung di lang ito nakailag agad, malamang tumama ng patalim sa dibdib nito. "Say that again.. and your dead!" Seryosong sabi ni Queen sa nanlalaki ang mga matang si Zaito. Nagkasahan naman kaagad ng baril ang apat na kalalakihang nakatayo sa likuran nito. "Relax!" Nakangisi man si Zaito halata naman sa mukha nito ang pagkabigla at kaba sa bilis ng kamay ni Queen. Senenyasan nyang mga kasamahan na ibabang mga baril na hawak ng mga ito. Bigla itong natense ng mapasulyap kay R'joy na may dinudukot sa loob ng fitted black leather suit nito. Napahinga ito ng malalim ng makitang isang cellphone lang pala ang kinuha nung dalaga. Kerus Kitsume⚔ 'All cleared outside.. We're going in..' Napangiti na lang ng lihim si R'joy ng mabasa ang text ni Keros. 'Napatumba na ng mga ito ang mga kalaban nila sa labas ng wala man lang kaingay ingay?' Lalo tuloy syang napapabilib sa taong ito. "Here's the money, give me the parcel now!" Alam ni Queen na may binabalak na masama ang intsek nyang kaharap kaya inunahan na nya itong kumilos. "Bad girls, Now!" Kasabay ng pagsigaw na yun ni Queen ang maliksing pagkilos nilang lahat. Tumalon sya sa ere, dalawang beses na umikot at lumanding sa pinuno ng mga kalaban. "s**t!" Tanging nasabi ni Zaito ng tumama sa dibdib nito ang paa ni Queen, sa lakas ng sipa nito bumulagta agad ito sa semento. Akmang babangon pa lang ito ng apakan ni Queen ang leeg nito. "I know your evil plan, I'm not a fool, para lang maloko ng isang tulad mo! Stupido!" Diniinan pa ni Queen ang pagkakaapak sa leeg ni Zaito ng pagsusuntukin nitong kanyang binti. Hinugot nyang isang patalim sa kaliwang bewang, hinablot nyang kanang kamay ng lalaki at walang kurapang ibinaon nya dun ang kumikinang nyang patalim. Napahiyaw na lang ito sa sakit. "Demonya ka talaga Queen! Magbabayad ka sa ginawa mong ito sakin! Magbabayad kaaa..!" Nanlilisik pang mga mata ni Zaito na nagbabanta sa kanya. "No one can beat me! I will not allow savages like you to deceive others." Isa pang malakas na tadyak ang pinakawalan ni Queen kay Zaito. Napangisi na lang sya ng makitang nawalan ito ng malay. 'Kala mo makakalabas kapa sa paglalagyan ko sayo, hahaha.. wish mo lang kung matakasan mo pang kulungan ng Hainsha!' "Queen! Parating ng cleaning team ko! Asan ng p*****t mo? Dali na't may mission pa kaming tatapusin sa Bohol." Napapailing na lang si R'joy ng marinig ang boses ni Keros. Kinuha nyang nakaipit na cheke sa garter ng suot na underwear, saka umikot sya paharap dito. "Anong...?" Nasurpresa sya ng makitang di lang ito mag isa kundi may kasama pa pala itong labing dalawa na naggagwapuhan at nagkikisigang mga kalalakihan. Nagtatanong ang kanyang mga matang napatingin kay Keros na kakamot kamot ng ulo. "No choice ako nung mag message ka sakin, on the way na kasi kami pa Bohol, nag u turn lang kami dahil sa 911 mong mensahi, kaya ayan package deal na kami.. Dapat Queen may dagdag 'tong p*****t mo sakin ha! Matatakaw at mabibisyo pa naman ang mga hayop na yan!" "Hello beautiful ladies, I'm Griffin, single and available anytime you need me!" Kumindat pa ito matapos magpakilala. "Umeksina na naman ang hayop na'to! Basta talaga chicks, di pinalalagpas eh!" Napabuga ng hanging iiling iling na lang si Keros. "Ako naman si Pyre, isang bote lang ng alak, kasama kayo solb na'ko." Sumalodo naman ito sa kanila. "Isa kapa! Hoy! Mga animal! Menor de edad pang mga ito, wag nyong landiin kung ayaw nyung sa impyerno kayo'y sunugin! Mga gagong 'to! Puro kayo konsomisyon sakin eh! Bigwasan ko kaya kayong isa isa dyan, ng kayo'y matauhan, ha?" "Boss K. Naman! Kami nagpapakilala lamang.. Wag kang high blood dyan, sige ka, lalong madadagdagan yang kulubot mo sa mukha! Baka sa muling pagkikita nyo ng imaginary girlfriend mo eh! Tuluyan ng ma turn off yun sayo! Hahaha." "Ulol! Wag mo na'kong utuin Pyre, gasgas na yang mga pananakot mo sakin! Tangnang 'to, sipain kita dyan eh!" Pikon na pikon na naman si Keros sa mga walang hiya nyang mga kaibigan. "Syanga naman Boss K.! Lalong mabuburo yang pinagmamalaki mong hinaharap samin! hahahah" Sa sinabing yun ni Eruto, lahat napahalakhak, kahit sila Claire na nakikinig lang sa magkakaibigan malakas rin ang tawanan. "Mga hayop kayo! Kala nyu hahatian ko pa kayo sa checke!" Iwinagayway pa ni Keros ang dalawang kamay sa ere. "Wag na uy! Mga peste kayo. Solong solo ko ng ibabayad ni Queen sakin! Bwahahaha.." Sa sinabing yun ni Keros sabay syang sinugod nila Griffin, na yumakap ang mga braso sa leeg nya, si Pyre na hinawakan ang kanyang dalawang paa, at si Eruto naman mahigpit ang pagyakap sa bewang nya, balak sana ng tatlo na buhatin si Keros at ihagis palabas. Kaso, dahil sanay na sanay sa pakikipaglaban si Keros, madali lang para sa kanyang pabagsakin ang tatlo, at ng makawala sya sa mga ito, kumaripas sya ng takbo palabas ng bodega, hinabol naman sya ng mga ito. "Nakakatuwa naman sila! Hahaha.. Parang mga bata lang.. Grabeh! Sakit tiyan ko kakatawa." Nagpapahid ng luhang sabi ni Claire. "Hello! I'm Aeris." Tinapik nitong mga katabi. "Prick and Blaire , Tama na saming tatlo ang Eat all you can na bayad hehe." "Zylven here." Kumaway ito bago itinuro isa isa ang tahimik lang na nakatayo sa isang tabing mga kasamahan, lahat nakasuot ng itim na damit at itim na maskara sa mga mata, tanging mula sa ilong pababa sa bibig lang ng mga ito ang nakikita nila, pero isa lang ang masasabi ni Claire.. 'Lahat gwapo, walang pahuhuli sa taglay na karisma at tindig ng bawat isa dito.. At hmm.. Hindi ito mga pure na pinoy.. tingin ko half half lang.' "Sya si Mark, sunod sa kanya si Prince, Brent, Gaelan at King." Nakangiting pakilala pa ni Zylven sa mga kasamahang assassins. "Tama ng introduction! Tara na mga kupal may mission pa tayong tatapusin." Hinihingal pa si Keros ng makabalik sa loob ng bodega. Bumaling ito kay Queen na masusing tinititigan ang kanyang mga kasamahan. Kinuha nyang checke nitong hawak saka tiningnan ang amount na nakasulat dun, napangisi sya ng makita ang seven digits number at signature nito. "Hoy! Queen! Kulang tong bayad mo ha! May charge tong mga kasamahan ko at saka yung naglilinis pa nitong kalat nyo kaya dapat triple ang ibabayad mo samin!" Tinapik nyang pisngi ng dalaga na kaagad namang tinabig nitong kamay nya. "Oo na! Mukhang pera ka talaga! Yaman yaman mo eh! Nanggugulang kapa!" Naiinis nitong sabi sa nakangisi lang na si Keros. Narinig pa nyang pagtawanan ng mga kasamahan nito. "Syempre! Di libre ang serbisyo ko." Nagtikiman ang kanyang mga kasamahan, biglang kambyo si Keros. "Hindi libre ang serbisyo namin!" "Yun oh! Dapat laging ganun ang sinasabi mo Boss K.!" Sabi nung Pyre. "Panu, alis na kami at baka may makapansin sa mga helicopters namin sa bukirin" nakita pa ni Claire ang pagkurot ni Keros sa pisngi ni Queen na napasimangot na lang sa ginawa ng trainor nila sa pakikipaglaban. "Men, move!!" Nagsipulasan naman palabas ng bodega ang mga kalalakihan nitong kasama. Palabas na si Keros ng pintuan ng lumingon ito sa kanila.. "Ahm.. Queen, lisanin nyo ng lugar na ito bago pa magdatingan ang mga pulis dito!" Yun lang, nawala na kaagad si Keros sa paningin nila. "Tara na dalii!" Natatarantang hinila ni Roselia palabas si Rowena, ganun din ang ginawa ni Mabel kay Claire. "Grabe kumilos ng mga assassins na yun ang bibilis ah! Tayong anim na lang ang natira dito oh! Kahit yung mga nakalaban natin kanina wala na rin, kinuha na nila ng di man lang natin napapansin." Namamanghang sabi ni Rowena. "Panu mo mapapansin eh! Abalang mga mata mo kahahalay sa mga kalalakihang yun.. Hahaha." "At sya hindi? Hoy! Mabel, wag magmalinis.. Kitang kita kong nakanganga kapa nga habang sinusuri sila isa isa!" Natatawang dinampot na lang ni Queen ang parcel na nakalagay sa isang tabi. Si Ashley naman ang kumuha ng bag na may lamang pera na pambayad sana nila kay Zaito kanina. "Queen, last na ba ito?" Tanong ni Claire na naglalakad palabas ng bodega. "Depende sa sit- " Naputol ang pagsagot ni Queen sa kanya ng pagkalabas nila ng bodega ay may mga pulis ng nag aabang sa kanila. "Taas ang mga kamay!" "R- Ryle?" Napatalikod na lang bigla si Claire ng makitang papalapit si Ryle sa kanilang magkakaibigan. 's**t! Bakit sya pa? Nyemas naman! Sa dinami dami ng pulis na huhuli samin.. Bakit si Ryle paaa?' Kuyom ang mga kamao napapikit na lang si Claire at napayuko ng may presensyang tumayo sa kanyang harapan. Basi sa pabango nito na kanyang naamoy kumpirmadong si Ryle Martins nga ito, ang lalaking crush na crush nya't pinapangarap na maging ka forever nya balang araw. "C- Claire?" At ng marinig nya itong magsalita. Nasabi na lang nya sa sariling... 'Tangna! Tunaw ng mala pantasya kong lovelife nito! Ahuhuyy...' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD