Love Story

1499 Words
'Para kang bituin, ang lapit mo sa paningin. Pero ang hirap mo abutin.' Bumuntong hininga saka nakapangalumbabang tinitigan ni Claire ang binata na kanina pa nagse sermon sa kanya. "Hindi ka naman ganyan noon, dapat na ba akong mag alala dahil nararamdaman kong nagbabago ka na ngayon?" Napakunot nuo si Ryle ng mapansin ang klase ng pagtitig ni Claire sa kanya. 'Magkasama naman tayo pero bakit pakiramdam ko ang layo natin sa isa't isa?' Buntong hininga ulit, saka tiningnan si Ryle mula ulo hanggang paa. 'Wala naman tayo pero nagpapakatanga ako sayo, ano ba self?' "Claire, nakikinig kaba sakin?" Mas nilakasan na ni Ryle ang boses, pero dipa rin nagsalita ang dalaga. Nakatitig lang ito sa kanya. "Claire! Okay ka lang ba?" Inalog nyang balikat nito. "Hindi!" Tulirong biglang sagot ni Claire. Hindi nya magets na may tao parin na willing magstay sa kanya thru rough times and thru f*****g times. "Claire?" That feeling na ramdam nyang may mali pero hindi nya tinatanong sa Dalaga kung ano, kasi natatakot sya sa isasagot nito. "Ang hirap lang masanay sa isang bagay na after a while bigla nalang magbabago." Wala sa sariling sabi ni Claire. "Anuba yang mga pinagsasabi mo Claire? Bangag ka ba?" Kelan kapa gumagamit ng bawal na gamot ha?" Dina napigil ni Ryle ang kanyang sarili na itanong yun kay Claire. Nung araw na mahuli nila ang grupo ni Queen sa lumang bodega na yun. Hindi nya akalain na nandun si Claire at mas lalong hindi nya inaasahan ng lumabas sa imbestigasyon yung nilalaman ng parcel na nakuha nila ay ipinagbabawal na gamot, hindi lang yun.. may isang bag pa na ang laman ay limpak limpak na pera. Dahil sa puro under age pang anim na kababaehan at sa husay ng Attorney Neil Cuenca na yun, napyansahan at nakalabas ng kulungan ang mga ito. "Eto yung mahirap sa part na walang label eh. Wala rin karapatan sa lahat ng bagay." Sabi na naman ni Claire na lalong nagpagulo sa isipan ni Ryle. "Ano bang label yang tinutukoy mo?" Dina maipinta ang expression ng mukha ni Ryle, sumasakit ang ulo nya sa kaiisip at kakaintindi sa mga sinasabi ni Claire sa kanya. "Eh di tayong dalawa! Napaka slow mo naman kasi eh!" Nakasimangot, sabay irap pa nito sa kanya. "Anong tayo?" Litong tanong nya dito. "Wala! Sabi ko, Baka nga dumating lang ako sa buhay mo, para dagdagan pa ang mga problema mo." "Alam mong mahalaga ka sakin, at ayokong mawala ka sakin, kaya wag mong sabihin na problema ka lang sa buhay ko. Naiintindihan mo ba ako Claire?" "Ayaw mo ko mawala sayo pero you do nothing para magstay ako sayo." Bubulong bulong na sabi pa ni Claire pero narinig pa rin yun ni Ryle. "Almost everyday napakabusy ng buhay ko, sinabayan pa ng health problem. I'm physically and mentally exhausted pero never ako nagkulang ng time sayo, wala kang narinig sa akin na pagod na ako. Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano pagkukulang ko.?" Dina napigil pa ni Ryle ang kanyang sarili, lumabas na sa kanyang bibig ang ayaw na ayaw nyang malaman ng dalaga, pero nadulas sya kaya wala ng atrasan, kumbaga now or never. Magkakaalaman na sila ng mga lihim na itinatago sa isa't isa. "Gusto ko na mag end yung nararamdaman ko for you, I'm so f*****g tired but my mind still full of you." Nakalabing sabi ni Claire. Para na syang maiiyak na ewan.. Nahihiya sa kakapalan ng kanyang mukha. Eh sya pa itong nagtatapat ng kanyang nararamdaman,. "Claire.." Di makapaniwala sa kanyang narinig, nalulunod ang puso ni Ryle sa sobrang kaligayahang nararamdaman, sa sobrang saya nga nya, wala na syang maisip sabihin sa dalaga na yokong yoko at dina makatingin pa sa kanya. "Maniwala ka man o hindi, pinigilan ko. Pinigilan ko yung sarili ko na mahalin ka, gustuhin ka at pangarapin ka, hindi lang para sa akin kundi para na rin sayo. Kasi alam ko, sa huli masasaktan lang natin ang isa’t isa, masasaktan lang tayo. Kaya hangga’t maaari idedistansya ko ang sarili ko. Pero isang araw, gumising na lang ako na may nararamdan na kakaiba. Para bang ako'y nakulong sa mga kamay mo, at sa pag-ibig na nararamdaman ko. Gustuhin ko mang lumayo sayo, dinadala pa rin ako ng puso ko sa direksyon mo. Nagising ako, sa katotohanan na hindi ko pala kayang lumayo sayo. Hindi ko pala kayang mawala ka sa piling ko. Hindi ko pala kayang suwayin ang sinisigaw ng puso ko - ikaw. Ikaw yung gusto ko." Gumaralgal ang boses ni Claire, nag uumpisa na kasing manubig ang kanyang mga mata. Pero sinikap nya pa ring makapagsalita ng tuwid, kasi huling hirit na nya ito, kaya lubos lubusin na nyang kakapalan ng kanyang mukha. "Ikaw yung gusto kong makasama. Ikaw yung araw-araw na gusto kong makita. Ikaw ang tanging nagpapasaya sakin.. ayokong mawala ka. Ryle." "Masaya naman tayo palagi di 'ba? Masaya naman tayo kahapon. Masaya tayo ngayon, e ganun padin kaya tayo kasaya bukas? O sa mga susunod na panahon?" Nangingiting sabi nya dito. Inaantay nyang mag angat ito ng tingin sa kanya, pero nanatili pa ring nakayuko ang dalaga. "Mas pinipili ko lang maging masaya.." Sabi nito. "Pero pano kung sa pagiging masaya nawawala na yung selfworth mo tutuloy ka pa ba?" Kung positive ang mga sinasabi ng dalaga sa kanya, negative naman ang pinangtatapat nya dito. "Wala na ngang sigla, pwede bang bumalik na lang tayo sa simula? I'm mentally exhausted tapos hindi pa makatulog." Nakita nyang nagpahid ito ng mukha. 'Tsk! Napakaiyakin talaga!' Bahagya nyang sinilip ang mukha nito. Nangiti na lang sya ng makitang namumulang ilong ni Claire. "Namimiss na kita, yung mga panahon na hindi pa bago sa atin ang lahat. Namimiss na kita, yung mga salitang paulit ulit mong binabanggit kapag hindi tayo nagkikita." "Miss lang ba talaga? Di pedeng Mahal na?" Nakatulis ang ngusong sabi ni Claire. Napatawa tuloy sya sa ginawi ng dalaga. Inangat nyang mukha nito, napapailing na pinahid nyang basa pa nitong pisngi. Namumulang mga mata, ilong at pisngi nito. 'Kahit umiiyak, ang ganda ganda mo pa rin sa paningin ko. Tsk! Baliw na yatang puso ko sayo!' "Oo mahal kita sobra, pero mas gusto ko sanang mahalin mo rin ang sarili mo, na magtira ka para sayo. At sana kung pwede, iwasan mo ng mga kaibigan mo, para dika masangkot pa sa anumang gulo." "Mahal mo nga ba ako na ganito ako o mahal mo ako sa paraan na gusto mo akong magbago?" Masama ang loob na sabi ni Claire, tinabig nyang kamay ni Ryle na nakahawak sa kanyang pisngi. "Hindi ko gustong magbago ka Claire, ang nais ko lang ay mapabuti ka!" "Diba, kinakapatid mo si Queen? Ibig bang sabihin nun masama sya?" "Hindi sya masama, ang gawain nya, yun ang masama." "Hindi naman kami ganun kasama ah! Hindi kami gaya ng iba dyan na napapariwara ang buhay." Napabuntong hininga na lang si Ryle. Kung patuloy syang makikipagtalo kay Claire, mauuwi lang sa away at sama ng loob ang lahat, ayaw nyang mangyari yun.. Ng biglang maalala nyang kasabihan ng kanyang mga kaibigan... 'The best way to love a girl is to understand her even she act like a monster.' Kaya yun ang gagawin nya.. Saka hindi sya makakapayag na hindi happy ending ang love story nila. "Sige, hindi na kung hindi! Baka mamya nyan maglupasay kana lang dyan sa inis,. Oh, Ngiti ka na!" Natatawang pinisil pisil pa nyang pisngi ng dalaga. "Talaga! Hindi kana kokontra?" Nagniningning ang mga mata ni Claire, kaytamis ng ngiti nito na nagpagaan sa kanyang pakiramdam.. Mas gusto nyang makita itong nakangiti kesa nakabusangot ang mukha. Napangiti na rin sya tuloy. "Pag ikaw kausap ko, ang priceless nang ngiti ko!" "Lab na lab mo talaga ako nuh!" Di inaasahan ni Ryle ng bigla syang yakapin ng dalaga. "Wag kang mag alala, dahil di lang kita crush, kundi mahal na mahal din kita!" Masuyo nyang niyakap si Claire, hinaplos ang malambot at mahaba nitong buhok. Kay gaan ng kanyang pakiramdam ngayon.. dahil yun sa babaeng kayakap nya. "Mamahalin ko pati flaws mo. Hindi ko pipiliin yung maganda at kapuri puri lang sa'yo. Yayakapin ko lahat ng pagkakamali at pagkukulang sa buhay mo. Tutulungan kitang maging confident sa insecurities mo. Dahil hindi mo kailangan maging perpekto para tanggapin ng isang tao. Nung minahal kita, package ka.. walang papantay sa'yo." Napabitaw ng yakap si Claire sa kanya, kinurot nitong tungki ng kanyang ilong. "Weeww.. Kinikilig naman ako sa mga sinabi mo! Totoo yun ha! Wala ng bawian!" "Yeah! Wala ng bawian." Nakangiting sagot naman nya dito. "Yeyy! Tara date tayo, libre mo.." Hinila na lang sya basta ni Claire paalis sa lugar na yun. "Oh, dahan dahan lang..." Todo alalay sya dito ng matisod na naman ito. "Bilisan mo kasi, ambagal bagal mo eh!" Reklamo nito. 'Tsk! Di lang clumsy, demanding pa!' Dito na mag uumpisa ang happy ending love story na pinangarap nya... Pero, ang tanong.. Magiging happy ending nga kaya o baka hanggang asa na lang sya? ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD