CHAPTER 10
DARIUS
Ilang araw nang inilibing si Lara at ang pakiramdam ko wala ng kuwenta ang buhay ko. 'Yong pakiramdam na may kulang sa buhay mo. Hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay. Araw-araw akong umiinom. Hangang sa nagyaya ang kaibigan ko na galing sa probinsya. Si Gerald; ang matalik kong kaibigan. Kasalukuyan nasa bar counter ako nang dumating ito.
"Condolence, Bro. Pasensya na hindi ako nakarating sa lamay ni Lara," aniya saka nakipag-man hug ito sa akin.
Naupo siya sa tabi ko at nag-order ng kaniyang maiinom sa bartender.
"Okay lang, Bro. Alam ko naman na busy ka sa business mo. Kumusta naman sa Iloilo? Last year doon pa kami galing ni Lara, at nag-celebrate ng birthday ko. Subalit ngayon hindi ko na siya makakasama sa mahahalagang araw ng buhay ko," malungkot na wika ko kay Gerald.
Tinapik ni Gerald ang balikat ko. "Alam kong kaya mo ang mga pagsubok sa buhay mo, Bro. May suspect na ba kayo sa gumawa ng ganoon kay Lara?" Tumungga na ito ng alak na binigay ng bartender.
"May prime suspect na kami, Bro. Sa mga kamay ko dudurugin ang taong gumawa nito sa girlfriend ko. Sisiguraduhin ko na pati ang kaluluwa niya madudurog ko," nakakuyom kong sabi sa kaibigan ko. Sagad sa buto ang galit ko sa Agila na iyon.
"Kung kailangan mo ng tulong ko sabihin mo lang sa akin, Bro. Handa kitang tulungan sa laban mo," tugon ni Gerald sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kaniya bilang pasalamat. "Salamat, Bro. Subalit laban ko ito. Ayaw kong madamay ka sa laban ko," wika ko kay Gerald at uminon ng alak sa kopeta.
Hindi alam ni Gerald na pangungunahan ko na ang Cobra Organisasyon at ang Escobar Clan. Bukas na ako ihaharap ni Daddy sa organisasyon na pinamumunuan niya. Sinabi niya na rin sa Cobra ang tungkol sa akin at bukas ko na haharapin ang mga tao ni Daddy. Nakarami kami ng inom ni Gerald nang mapansin ko ang isang babae na sumasayaw kasama ang pinsan kong si Alvira; ang anak ni Ninong Fernando na asawa ng kapatid ni Daddy na si Tita Orzola.
Natawa ako ng pagak dahil kung sini-suwerte ka nga naman! Hindi mo na kailangan pang hanapin ang gusto mong hanapin dahil kusa na lang ito lalapit sa teretoryo mo.
"Pare, mag-banyo lang muna ako," paalam ko kay Gerald. Tumango lang siya habang nakatingin sa papalapit na babae sa kinaroroonan namin.
Bago pa dumating ang tatlong babae tumayo na ako at nagtungo sa banyo. Agad kong tinawagan si Bogart. Ilang araw ko na pinapahanap ang babae sa kaniya na anak ni Agila subalit wala siyang makuhang impormasyon kong saan ito nakatira.
"Hello, Boss!" sagot ni Bogart sa kabilang linya.
“Pumunta ka ngayon dito sa Diamond Disco Bar sa Pasay. Nandito ang pinapadukot ko sa'yo. Kailangan madala niyo na ang babaeng iyon sa Hacienda ngayong gabi!" madiin kong utos kay Bogart. "Masusunod, Boss! Five minutes nariyan na ako," tugon ni Bogart.
Pagkatapos namin mag-usap ni Bogart bumalik na ako sa puwesto namin ni Gerald. Nakita ko na sumasayaw na si Gerald kasama ang mga babae. Binaling ko ang aking tingin sa anak ni Agila. Ang lawak ng ngiti nito habang nagsasayawan sila ni Alvira. Ang pinsan kong ito hindi man lang sinabi sa akin na umuwi na pala siya. Kampante lang akong nakatingin sa pinsan ko at sa babae na kasama niya.
Tiyak ako na madudurog ang puso ni Agila kapag nawala sa kaniya ang nag-iisa niyang anak na babae. Sumapit ang limang minuto dumating si Bogart, kasama ang ibang tauhan ni Daddy.
"Boss, kami na ang bahala sa babaeng iyan," wika ni Bogart nang lumapit ito sa akin.
"Kailangan malinis ang pagdukot ninyo sa kaniya mamaya. Tatawagan ko si Daddy para hiramin ang helicopter niya. Nang sa ganoon mabilis kayong makarating sa masbate. Siguraduhin ninyong hindi makatakas ang babaeng iyan. Ikulong ninyo siya sa basement ng bahay ko sa Hacienda Lara. Huwag niyo siyang gagalawin at hintayin ninyo ang pagdating ko," bilin ko kay Bogart at sa mga kasama niya.
"Opo, Boss!“ tugon ni Bogart.
"Daga, bulungan mo si Alvira na hinihintay ko siya sa itaas ng bar. Sabihin mo puntahan niya ako roon," Utos ko kay Daga na tauhan ni Daddy. Tumnago ito at sinunod ang utos ko.
Umakyat ako sa pangalawang palapag. Gusto ko mawala ang atensyon ng pinsan ko sa babaeng kasama niya nang sa ganoon magawa na nila Bogart ang iniutos ko sa kanila. Naupo ako sa bakanting upuan na naroon at nagpadala ng ilang inumin sa aking table.
Ilang sandali pa nakita ko na si Alvira na paakyat sa hagdan. Matamis ang mga ngiti nito nang makita ako.
"Kuya Darius!" sigaw nito habang kumakaway pa sa akin.
Gumanti rin ako ng kaway sa kaniya tumayo ako nang malapit na siya sa kinaroroonan ko.
"Kuya nandito ka rin pala?" nakangiti nitong tanong sa akin at yumakap saka agad din kumalas sa akin.
"Hindi ka man lang nagsabi sa akin na uuwi ka pala. Kumusta si Ninong? Magkasama ba kayong umuwi?
"Sabi susunod na lang daw siya dahil may mga inaasikaso pa siyang business niya sa Amerika. Siya nga pala nabalitaan ko ang nangyari kay Ate Lara. Condolence, Kuya."
"Salamat, ano ang gusto mo inumin?" tanong ko sa kaniya at naupo kami sa puwesto ko.
"May table kami roon ng kaibigan ko sa ibaba. Nagbanyo pa kasi siya, kaya sabi ko akyat muna ako rito," wika ng pinsan ko.
Tumango lang ako sa sinabi ni Alvira. Hindi niya alam na mawawalan siya ng kaibigan ngayong gabi. Napakaliit ng mundo. Akalain mo nga naman na magkakilala pa ang pinsan ko at anak ni Agila.
"May kaibigan ka pala, sana pinakilala mo sa akin," nakangiti kong sabi kay Alvira na hindi niya alam na nakuha na nila Bogart ang kaibigan niya. Nag-send ng message si Bogart sa akin na nakuha na nila ang anak ni Lucio. Napangisi ako ng saglit dahil nagtagumpay ang plano ko.
“Hayaan mo mamaya ipapakilala kita sa kaniya,’’ nakangiting sabi nito sa akin.
Uminom ako ng alak na nasa aking kopeta at napapangiti. Tiyak ako na madudurog ang puso ni Lucio kapag makita niya kung ano ang gagawin ko sa pinakamamahal niyang anak.
Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Alvira tungkol sa kung ano-anong bagay. Bumaba na siya upang puntahan ang kaibigan niya. Sumunod ako sa kaniya sa ibaba. Nagpalinga-linga siya na hinahanap ang kaniyang kaibigan. Nasa likuran niya lang ako nakapamulsahan.
“Saan na kaya ang babaeng iyon?’’ tanong ni Alvira habang iniikot ang paningin.
“Baka umuwi na ‘yong kaibigan mo?’’ simpleng sabi ko kay Alvira.
“Hindi uuwi iyon, Kuya. Baka nasa banyo puntahan ko lang siya,’’ aniya at umalis na. Kibit balikat akong naupo sa bar counter.
“Hindi ka ba sasayaw, Bro?’’ tanong ni Gerald sa akin, nasa likuran ko na ito.
“Hindi na at nahihilo na ako. Mamaya uuwi na ako. Hindi ka ba sasabay sa akin sa pag-uwi?” tanong ko sa kaniya. Naupo siya sa aking tabi.
“Ang aga pa nga uuwi ka na? Maraming magagandang babae rito, Bro. Minsan lang naman ako pumunta rito, kaya lubos-lubusin ko na,’’ nakangiting saad ng kaibigan ko saka uminom ulit siya ng alak na ibinigay ng bartender.
“Huwag ka basta-basta kumuha ng babae, mamaya baka may sakit at mahawaan ka pa. Hayaan mo at ipa-assest kita nang sa ganoon makapili ka ng healthy na babae,’’ saad ko at kinawayan ang manager ng Daiamond Resto Bar.
Lumapit ito sa akin at malawak na ngumiti. “May kailangan kayo, Sir?’’ tanong ni Glenda na siyang nagma-manage ng mga babae sa club.
“Papiliin mo ang kaibigan ko ng babae na gusto niya magpaligaya sa kaniya ngayong gabi. May bago ka bang alaga?’’ tanong ko kay Glenda.
“Yes, Sir. Tamang-tama at mayroon akong bagong pasok at fresh pa. Hali kayo sa gallery, Sir. Doon niyo makikita ang mga larawan ng mga babae na gusto ninyo,’’ yaya ni Glenda sa kaibigan ko.
“Naks, iba ka talaga, Bro. Paano maiwan na muna kita at gusto ko mag-injoy ngayong gabi,’’ nakangiting paalam ni Gerald sa akin. Uminom pa muna siya ng isang shot ng alak bago ito sumunod kay Glenda.
Napapailing na lamang ako na sinundan siya ng tingin. Ilang sandali pa dumating si Alvira galing sa banyo.
“Oh, ano? Nakita mo ba ang kaibigan mo?’’ tanong ko sa kaniya.
“Nag-text sa akin. Umuwi na raw siya dahil sumama ang tiyan niya, kaya hindi niya na ako hinintay. Baliw talaga ang babaeng iyon,’’ nakasimangot na sabi ng pinsan ko.
“Ihahatid na kita sa inyo. Baka mamaya mapaano ka pa rito,’’ yaya ko na lamang sa kaniya.
“Haysss! Minsan na nga lang kami magkita iniwanan pa talaga ako ng baliw na iyon,’’ maktol pa ni Alvira.
Tinapik ko na lang ang balikat niya at niyaya ko na siyang lumabas. Naghihintay na ang kotse ko sa labas ng Diamond bar paglabas namin ni Alvira. Agad kaming sumakay at pinatakbo ko na agad ang sasakyan.
Habang nasa kahabaan kami ng kalsada naabutan pa kami ng traffic. Napabuga na lang ako ng hangin sa ire at hinintay kung kailan uusad ang mga sasakyan. Si Alvira naman nakasimangot lang habang nakasandal sa upuan.
“Ang lalim ng iniisip mo. Na-miss mo siguro ang boyfriend mo sa Amerika, ano?’’ panunukso kong tanong sa kaniya.
“Wala naman akong boyfriend, Kuya. Sakit lang sa ulo ang mga lalake. Iniisip ko kasi si Angela, sana hinintay niya na lang ako kung masama ang tiyan niya. Mamaya hindi makapag-drive ng maayos, yon!” nag-alala nitong sabi para sa kaniyang kaibigan.
“Malay mo naman at hindi na talaga siya makapaghintay sa’yo, kaya nauna na siyang umuwi. Tagasaan ba ang kaibigan mong iyon?’’ nagsisimula kong pangusisa kay Alvira tungkol sa kaniyang kaibigan.
“Sabi niya sa Tagaytay daw siya ngayon nakatira. Hindi ko alam kung saan ang bahay niya roon,’’ sagot nito sa akin na hindi niya alam na kumukuha lang ako ng impormasyon tungkol sa babaeng iyon.
“Matagal na kayong magkaibigan?’’ muli kong tanong.
“Oo, sa Amerika kami nagkita. Sa Amerika na rin kasi sila lumaki ng Kuya niya,’’ sagot ni Alvira habang nakatukod ang kaniyang siko sa bintana ng sasakyan at nakasandal ang kaniyang ulo sa kamao niya.
“Malay mo at hindi ‘yon umuwi at baka sumama sa boyfriend niya,’’ wika ko na sinusubukan kong itanim sa isip ni Alvira na sumama ang kaibigan niya sa boyfriend nito.
Tumawa siya ng pagak sa sinabi kong iyon sa kaniya.
“Walang boyfriend iyon since birth, Kuya. Paano kasi naiilang sa kaniya ang mga lalake na gusto siyang ligawan noon. Lagi kasi nakabuntot ang kapatid niya sa kaniya. Saka wala rin sa isip ng babaeng iyon ang mag-asawa.’’
Natawa lang ako ng pagak sa sinabing iyon ni Alvira sa akin. “Sa isang klase ng babae na iyon na anak ni Lucio, hindi mo pangangarapin na maging asawa ang babaeng iyon kung matino lang ang pag-iisip mo. Maliban sa bungangera, palabintang pa.
Nang umusad na ang mga sasakyan inihatid ko na si Alvira sa condo unit niya na tinitirhan dito sa Makati. Pagkatapos ko siyang ihatid tumuloy ako sa bahay. Naghihintay na pala ang ama ko roon sa akin.
“May meeting pa tayo bukas, bakit ngayon ka lang umuwi?’’ salubong na tanong sa akin ni Daddy.
“Nagkita lang kami ng kaibigan ko, Dad,’’ simpleng sagot ko sa aking ama.
“Son, nakakasigurado ka ba na ang Asentado ang may gawa sa pagkamatay ni Lara?’’ nagdadalawang isip na tanong ni Daddy sa akin.
Nakunot ang noo ko sa tanong niyang iyon. “Dad, sa lahat ng organisasyon, sino ba ang nag-uutos na gahasain at patayin ang mga babae sa buhay ng kalaban nila? ‘Di ba, ang Lucio na iyon?’’ tiim bagang kong wika kay Daddy.
“Son, Oo, si Lucio magagawa niya iyon. Subalit nakausap ko ang ilang myembro ng Asentado. Hindi nila magagawa na pumatay ng babae dahil sila rin ay may Shelter ng mga babaeng inabuso ng mga asawa o ng mga lalake,’’ saad ni Daddy sa akin.
“Sinong myembro ng Asentado ang nakausap mo, Dad?’’ tanong ko sa aking ama.
“Ang Red Tiger, Iho. Malaking organisasyon ang babanggain natin kapag nagkataon. Alam mo naman na hindi basta-basta ang Asentado. Ang simulan mong pabagsakin ang Diez Clan!’’ determinadong utos ni Daddy sa akin.
“Wala akong pakialam sa ibang myembro ng Asentado, Dad. Si Lucio lang ang habol ko at iyon ang unang hakbang na ginagawa ko na. Sa ngayon umpisahan na ni Lucio Diez, ang magdasal para sa pamilya niya,’’ tiim bagang kong wika sa aking ama.
Determinado na ako sa paghihiganti ko sa pamilyang iyon. Hindi na dapat mabubuhay ang lahi ni Lucio kaya, sisimulan kong puputulin ang lahi niya sa kaniyang mga anak.
Kinabukasan opisyal na ako naging Mafia Lord. Ipinakilala ako ni Daddy sa Cobra. Mainit naman akong tinanggap ng organisasyon. At sisiguraduhin ko na mapamunuan ko ng maayos ang organisayon at ang Escobar Clan.