Episode 23

2093 Words

Chapter 23 ANGELA “Magaling ka na ba, Iha?’’ tanong ni Manang Ester na nasa likuran ko na. “Medyo okay na po ang pakiramdam ko, Manang. Nagwawalis ako para pawisan ako,’’ tugon ko sa kaniya subalit kinuha niya sa akin ang walis. “Sos, magpahinga ka at baka mabinat ka. Hayaan mo riyan na maalikabok ang sahig. Hindi naman ‘yan ikakamatay ni Sir Darius, kung marumi ang sahig,’’ sabi ni Manang sa akin. Itanabi niya ang walis saka inilapag niya sa lamesa ang dala niyang supot. “Manang, ano oras ka umuwi kagabi?’’ tanong ko sa kaniya saka naupo ako sa lamesa. “Pagdating ni Sir Darius, umuwi na ako. Sabi niya siya na ang bahala sa’yo, kaya hinayaan ko na lang siya. Ito ‘yong gamot mo, inumin mo ito para hindi na bumalik ang lagnat mo,’’ turan nito sa akin at ipinatong niya ang gamot sa lame

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD