SPAGHETTI SAUCE

2637 Words

HAPPY ALAS singko pa lang ng umaga ay nagluto na ako ng almusal. Nag-suggest kasi si Ray na sulitin daw namin ang natitirang bakasyon ni Kaycee. Ganoon din daw ako bago bumalik sa pagtatrabaho. At ang unang gagawin nga raw namin ay mag-swimming. Kasama namin sina Miss Jass at Vanessa. Pero ako ang nagsabi na kahit sa isang resort na lang na hindi ganoon kakilala o ka-crowded. Para makaiwas sa maraming tao. Patapos na ako sa adobong manok na niluluto ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng maindoor. Tulog pa si Kaycee kaya iniwanan ko sandali ang niluluto ko para buksan iyon. Sigurado akong si Ray iyon. Sinabihan ko kasi siya kagabi na pumunta rito nang maaga para tulungan niya ako sa paghahanda ng mga pagkain na babaunin namin sa swimming. Although, kaunti lang ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD