HAPPY DALAWANG linggo na rin ang dumaan nang pumayag ako sa deal ni Ray na neighbor with benefits. We had s*x whenever we got a chance. Gayon man ay nilinaw na rin namin sa isa’t isa na hanggang sexually intimate lang ang relasyon namin. ‘No strings attached’ kumbaga. Hindi kami committed sa isa’t isa. Bawal din naming i-involve ang usapin tungkol sa puso o love. Gusto ko lang naman kasing i-enjoy ang buhay ko at pagbigyan itong kakaibang nararamdaman ko sa kaniya. Pero ayaw ko na humantong iyon sa pagmamahal. Dahil batid ko na hindi pa handa uli ang puso ko sa usaping iyon. At mukhang ganoon din naman si Ray. Gusto lang niya ako pero alam ko… nararamdaman ko na hindi pa umabot sa love ang feelings niya sa akin. Na ipinagpasalamat ko naman dahil parehong madali lang sa amin ang deal na