HAPPY HINDI nga ako nagdala ng swimsuit sa resort gaya ng napagdesisyunan ko. Kaya naka-shorts at sando lang ako nang maliligo na kami sa pool. “Iyan na ang susuotin mo?” takang tanong ni Miss Jass nang sabay kaming lumabas mula sa magkaiba pero magkatabing cottage na inokupa namin. Silang dalawa ni Vanessa ang magkasama. Samantalang kaming tatlo naman nina Ray at Kaycee sa kabila na may dalawang silid. Wala na kasi ibang bakanteng cottage kaya naki-share na lang sa amin si Ray. Over night pa naman kami. Tapos dalawang silid lang ang nakuha ni Miss Jass para sa kanila ni Vanessa kaya no choice ako kundi ang isama si Ray sa cottage namin ng anak ko. “I mean, hindi ka magsusuot ng swimsuit?” dagdag na tanong niya. Nakasuot kasi siya ng two-piece swimsuit. “Hindi ako nagdala, eh. Hindi