RAY IT’S Lizzy’s birthday today. I made her believe that I can’t celebrate with her. Kunwaring paalis ako ngayon papuntang Bali, Indonesia para samahan si Papa sa conference niya. Pero ang totoo, may inihanda akong sorpresa sa kaniya. Isang engrandeng birthday celebration sa bagong bahay na ipinagawa ko para sa kaniya, na hindi rin niya alam. Doon ko siya balak na itira sa oras na maikasal kami. Isasabay ko na rin ang pagpapa-blesssing niyon. Katulong ko si Mama Jane at ang parents ni Lizzy sa paghahanda niyon. Pati na rin ang mga kaibigan ko. Inihatid pa niya ako sa airport. Pero nang makaalis siya, agad din akong umalis para sundan siya. May plano kami ng mga kaibigan ko na kunwaring may kikidnap sa kaniya. Pero sina Craig at Atom lang iyon. Silang dalawa ang magdadala kay Lizzy sa bag