HAPPY MAAGA ang out ko sa trabaho ngayon kumpara sa normal. Nagpaalam kasi ako sa boss ko dahil birthday ngayon ni Kaycee. Nangako ako sa kaniya na ite-treat ko siya sa paboritong restaurant niya at panonoorin namin ang cartoon’s movie na matagal na niyang inaabangan. Wala naman kasi kami gaanong bisita kung maghahanda pa kami nang bongga. T-in-reat na lang din ni Kaycee ang mga kaibigan niya. Ganoon din ang mga kaibigan ko at landlady namin. “Maaga ka palang uuwi ngayon, Kaycee,” bati sa akin ng kapwa sekretarya kong si Joan pero sa ibang department naman. Siya ang maituturing ko na kaibigan dito sa trabaho ko. “Oo. Birthday kasi ngayon ni Kaycee.” “Ay, oo nga palam, ano? Pakisabi na lang na happy birthday, ha? Bukas na lang ka’mo ang gift ko sa kaniya.” Minsan ko na ring naisama sa m