DESTINY

2007 Words

HAPPY HINIHINGAL na dumating ako sa school ni Kaycee pagkatapos akong tawagan ng guwardiya para ipaalam na may ibang sumundo raw sa aking anak. Lalaki raw at nagpakilalang ama ni Kaycee. Malaka ang kutob ko na si Jeffrey iyon. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa panggugulo sa amin ng anak ko. “Hindi ko na po pinigilan, Ma’am Happy. Kasi si Kaycee naman ang nagsabi na Papa raw niya ang lalaking iyon,” paliwanag ng guwardiya nang tanungin ko siya kung bakit niya pinayagan ang anak ko na sumama sa iba gayong alam niya na ako ang guardiana. “At saka palagi ko naman pong nakikita dito ang lalaking iyon na nag-aabang sa labas ng gate at palaging may pinapabigay na kung ano-ano kay Kacyee na tinatanggap naman ng anak n’yo. Galing daw po sa Papa niya. Ilang beses ko na rin po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD