HAPPY
NANG magising ako kinabukasan, agad kong naisipan na dalhin kay Ray ang mga pinamili ko na siya ang nagbayad.
“Saan po natin dadalhin ang mga ito, Mama?” nagtatakang tanong sa akin ni Kaycee nang magpatulong ako sa kaniya na buhatin ang box. Medyo mabigat kasi.
“Ihahatid natin kay Kuya Ray mo, anak. Siya kasi ang nagbayad ng mga ito. Nakakahiya naman,” paliwanag ko sa kaniya.
Nasa kalagitnaan na kami papunta sa bahay ni Ray nang matanaw namin siya na lumabas sa garahe. May hawak siyang tasa at walang pang-itaas na damit. Agad niyang ibinaba ang tasa at saka isinuot ang T-shirt na nakasampay sa balikat niya. Pagkatapos ay tumakbo siya papunta rito sa amin nang makita niya kami.
“Ano ‘yan?” kunot ang noo na tanong niya sa amin. Nang makalapit siya sa amin ay agad-agad niyang kinuha sa amin ang box at ibinaba ito. Lalo pang nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala niya ang kahon. “Bakit n’yo ito dinala rito? Ito ‘yong pinamili mo kahapon sa grocery store, ah.” Takang napatingin siya sa akin.
“Nahihiya daw po si Mama na kayo ang nagbayad ng mga pinamili niya, Kuya Ray. Kaya sa inyo na lang daw po,” si Kaycee na ang nagpaliwanag.
“Naku, ang Mama mo talaga,” iiling-iling na wika ni Ray. Sabay buhat uli sa kahon at pinasan iyon sa kaniyang balikat. “Para talaga ‘to sa inyo. At saka hindi ko naman magagamit ang mga laman nito kasi puro pambabae.”
Tatanggi pa sana ako nang maalala ko na halos mga personal needs nga pala namin ni Kaycee ang laman ng box. Katulad ng shampoo, conditioner, whitening soap, sanitary napkins, lotion, pulbo, at kung ano-ano pa. Iilan lang ang mga pagkain tulad ng biscuit, snacks, and canned goods.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “Kung gano’n, babayaran na lang kita.”
He smiled. “Saka na lang kapag may trabaho ka na. Nabanggit sa akin ni Kaycee na baka two months ka pa raw matatambay. Ipapautang ko na lang muna sa’yo ‘yang ibabayad mo sa akin.”
“Pero may savings naman kami,” giit ko, sabay iling. Kailan pa naging makuwento si Kaycee sa ibang tao? Lalo na kapag tungkol sa buhay namin.
“Pumayag na po kayo, Mama. ‘Di ba sabi n’yo po, madadagdagan ang gastusin natin dahil magpapakabit tayo ng internet?” sabat uli ng aking anak. “Saka utang na man daw po sabi ni Kuya Ray. Ang sabi n’yo nga po, okay lang magkautang basta bayaran lang.”
Lumapad ang pagkakangiti ni Ray nang marinig ang sinabi ni Kaycee. “Oo nga naman. Tama naman ang anak mo. Utang naman ‘yan.”
Ano pa nga ba ang magagawa ko kung pinagtulungan na ako ng dalawang ito? Totoo rin naman ang sinabi ni Kaycee na mababawasan na naman ang savings namig dahil sa pagpapakabit ko ng internet. Ang laki na nga ng nabawas dahil sa downpayment at two months advance p*****t namin dito sa bahay.
I sighed. “Sige na nga. Pero babayaran ko agad ito kapag nagkatrabaho na ako uli,” wika ko nang tumingin uli kay Ray.
His wide smile remains. “Good.”
“Thank you po, Kuya Ray. Mabuti na lang po at may mabait kaming kapitbahay,” puri naman sa kaniya ni Kaycee. Napansin ko pa ang makahulugan nilang kindatang dalawa na para bang tuwang-tuwa sa pagpayag ko.
“Wala ‘yon.” Ngingiti-ngiti na hinarap niya ang anak ko. “Tinulungan naman ako ng mama mo kagabi sa pagprito ng isda, eh. At tuturuan pa daw niya ako sa pagluluto. Kaya quits lang kaming dalawa.”
“Iyon naman pala, Ma. Isipin n’yo na lang po na talent fee n’yo ang pinambili dito ni Kuya Ray dahil tuturuan n’yo siya sa paglu—” Kaycee suddenly shut her mouth as I glared at her. Pero nginisihan lang niya ako pagkatapos na para bang tinutudyo pa ako sa binatang kapitbahay namin.
Nakapagtataka lang dahil ngayon lang nagkainteres ang aking anak sa mga lalaking nauugnay sa buhay ko. Kahit mga katrabaho kong lalaki ay inaayawan niya. Ayaw man niyang aminin sa akin, I know na lihim na hinahangad ni Kaycee na magkabalikan pa kami ng kaniyang ama.
Pero itong ipinapakita niya ngayon, bakit parang gusto niya na magkalapit kami ni Ray?
“Ano? Ibabalik ko na ito sa inyo, ha? Masamang tinatanggihan ang grasya,” pabirong wika pa ng binata
“Sige, pasuyo na lang. Salamat,” sagot ko. “At saka pasensiya na sa abala. Naistorbo pa tuloy namin ang pagkakape mo.”
“Wala ‘yon. Ikaw pa ba?” He winked at me bago niya kami tinalikuran ni Kaycee.
Ang anak ko na ngingiti-ngiti lang sa akin nang makita ang ginawa ng binata at napansin din niya ang pagba-blush ko.
“Sa tingin ko po, Mama, may crush sa inyo si Kuya Ray,” pabulong na tudyo niya sa akin habang nakasunod kami sa aming kapitbahay.
“Tse. Tumigil ka. Ang bata-bata mo para sa crush-crush na ‘yan,” saway ko sa kaniya, sabay kurot nang mahina sa tagiliran niya.
“Kayo naman po, eh. Hindi naman ako,” nanunuksong pamimilosopo niya at tumakbo palayo sa akin para hindi ko siya makurot.
Naiwan na lamang ako na naiiling. Aminado naman ako sa sarili ko na sa kabila ng pagkamuhi ko sa mga babaerong gaya ni Ray, may lihim akong paghanga sa kaniya na hindi ko mapigilan ang unti-unting pag-usbong.
Pero ibang usapan na kapag naging mutual ang feelings naming dalawa. Hindi pa ako handa. Kaya hindi niya dapat malaman na crush ko siya.
HAPPY
PAGDATING namin sa bahay, eksaktong tumawag naman ang dating boss ko sa Maynila. I-expect ko raw ang tawag sa akin ng magiging boss ko rito sa Pampanga sa mga susunod na araw. Baka raw kasi mapaaga ang pag-deploy sa akin.
Nang matapos ang pag-uusap namin, nakaalis na pala si Ray at nakauwi na. Natanaw ko siya na parang may inaayos sa sasakyan niya. Wala na uli siyang suot na pang-itaas.
Oh, abs… sabi ng isip ko nang dumako ang aking mga mata sa hubad niyang katawan.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin nang mapalingon siya sa akin at nahuli niya ako na nagmamasid sa kaniya. Bago ko pa man makita ang pagsilay ng malisyosong ngiti sa mga labi niya ay dali-dali na akong umalis sa bintana. Naligo na muna ako. Pambahay na shorts at sando lang ang suot ko dahil mainit dito sa lugar namin. Mabuti na lang at sariwa naman ang hangin.
Nang makabihis ay saka ko naman hinarap ang pagluluto ng banana-Q. Baka kasi ma-over ripe itong saging saba na binili ko sa grocery. Sayang naman.
Pagkatapos kong magluto ng banana-Q, naisipan ko na pahatiran kay Kaycee si Ray. Pero kakapasok lang pala niya sa banyo para maligo rin. Lalamig na ito kapag hinintay ko pa siya na matapos. Mas masarap pa naman itong kainin habang mainit-init pa.
Tinanggal ko ang apron na suot ko at saka lumabas ng bahay. Dala-dala ko na ang pinggan na may lamang banana-Q na hindi ko na inilagay sa stick na tinungo ko ang bahay ni Ray. Abalang-abala siya sa ano mang ginagawa niya sa ilalim ng pick-up truck niya kaya hindi niya ako napansin.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko kinuha ang atensiyon niya.
“Ray, mag-merienda ka muna,” untag ko sa kaniya nang makalapit ako sa sasakyan niya. May nakahanda ng ngiti sa aking mga labi. “Dinalhan kita ng banana-Q.”
Ngiti na biglang nawala nang makaramdam ako ng pagkaasiwa, matapos kong ma-realize itong aking kinatatayuan ngayon. Nasa uluhan pala ako ni Ray. Huli na para umatras dahil nailabas na niya ang kaniyang katawan sa ilalim ng sasakyan. At ang kaniyang ulo ay muntik nang umabot sa aking paanan. Awtomatikong pinamulahan ako ng mukha nang magtaas siya ng tingin sa akin. Maiksi pa naman ang shorts na suot ko. Siguradong sumalubong sa kaniya ang mapuputi at makikinis kong legs.
A sexy smile appeared on his lips bago siya tumayo. Ipinahid niya ang kaniyang mga kamay sa maruming towel. “Really? Dinalhan mo ako ng merienda?”
Lihim ko pang sinaway ang aking sarili nang matulala ako sandali kay Ray nang i-flex niya ang kaniyang mga muscles. Mukhang kanina pa yata siya sa ilalim ng sasakyan kaya nangawit.
Pilit kong pinakalma ang mabilis na t***k ng puso ko nang lumapit siya sa akin. “O-oo,” nauutal na sagot ko, sabay tango. “Niluto ko na kasi ang saging saba na binili natin. Baka masobrahan sa hinog, eh,” paliwanag ko.
“Kung gano’n, salamat. Tamang-tama at hindi pa ako nag-aalmusal. Kaya lang…” ipinakita niya sa akin ang kamay niya na puno ng grasa. “Madumi ang kamay ko. Okay lang ba kung ikaw na ang magdala niyan sa loob? Baka kasi madumihan kung dito lang sa labas.”
“Sure,” I replied immediately. Kaagad din akong nagbaba ng tingin nang mapansin ko ang pagtitig sa akin ni Ray. Heto na naman kasi ang puso ko na naaapektuhan na naman sa simpleng titig niya sa akin.
“Pakilapag na lang sa lamesa,” pahabol pa niya nang pumasok na ako sa loob ng bahay niya. Saka lang ako nakahinga nang maayos nang makalayo ako sa kaniya, “Thank you, Happy,” dagdag pa niya sa baritono pero malambing na boses.
Hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang dating sa pandinig ko sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. Para akong kinikilig na ewan.
Habang papunta sa kusina, hindi ko maiwasan na hindi tumingin-tingin sa loob ng bahay ni Ray na may dalawang silid din. Hindi ko napansin kagabi dahil medyo madilim at saka nagmamadali ako. Pero malinis pala at maayos. Wala gaanong gamit maliban sa mahabang sofa, TV, center table, at lampshade na nakapatong sa side table. May malaking painting na nakasabit sa wall at may maliit na chandelier.
Ano kaya ang trabaho niya at afford niya ang painting at chandelier na alam kong hindi biro ang halaga?
O baka naman sa magulang niya ang mga iyon. Sila raw kasi ang may-ari nitong bahay.
Naaliw ako nang makita ko ang karaoke set. Malalaki ang dalawang speaker. Iyon marahil ang ginagamit niya sa tuwing nagpapatugtog siya ng maiingay na musika. Nakakatuwa lang nang makakita ako ng microphone. Mahilig pala siyang kumanta.
At mukhang pati sa piano ay may talent din si Ray nang makita ko iyon malapit sa bintana.
“In fairness, hindi halata na lalaki ang nakatira sa bahay niya, ha,” amused na kausap ko sa aking sarili nang mapansin ko ang kalinisan at kaayusan ng bahay niya. Puro puti ang kulay ng mga kurtina niya kaya maaliwalas ang buong paligid.
Nawili ako sa pagmamasid sa loob ng bahay ni Ray. Saka ko lang naalala itong banana-Q na hawak ko. Tinungo ko ang papunta sa kusina at ipinatong ito sa lamesa. Kinuha ko ang pantakip ng pagkain at saka ito tinakpan. Muli akong humanga sa kaniya dahil pati ang kusina ay malinis din. Pati na ang gas range na ginamit namin kagabi. Wala nang naiwan na ano mang bakas ng mantikang natapon. Sa halip ay nangingintab na iyon sa linis. Katulad din ng lababo niya, kung saan ay wala akong nakikita kahit isang hugasin.
“Hindi marunong magluto pero napakalinis na tao,” hindi ko napigilan na komento. Pero napatalon ako sa gulat nang bigla na lang may tumikhim sa likuran ko.
At nang pumihit ako paharap sa nagmamay-ari ng boses na iyon, nagulat ako lalo nang makita ko si Ray na nakatayo na ilang hakbang mula sa akin. Natural na nagwala na naman ang puso ko.
“Is that a compliment?” Sumilay ang ngiti sa mga labi niya habang naglalakad palapit pa sa akin.
Na-werdo-han pa ako dahil parang feeling ko, nag-slsow motion ang bawat hakbang ni Ray.
“C-compliment, siyempre. Dahil ang pagluluto, napag-aaralan. Pero hindi madali ang pagiging maayos at malinis sa bahay. Lalo na kapag lalaki na gaya mo,” paliwanag ko, sabay lihim na napalunok. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa.
Mukhang papunta siya sa lababo para siguro maghugas ng kamay kaya umiwas ako ng daan. Umikot ako sa kabilang side ng lamesa. Natatakot din ako na salubungin siya at baka marinig niya ang malakas na t***k ng puso ko.
Pero sa halip na dumiretso sa lababo ay sinalubong ako ni Ray. Hinarangan pa talaga niya ang daraanan ko gamit ang isang kamay niya.
“B-bakit?” kinakabahan na tanong ko habang tinitingnan ang kamay niyang nakatukod sa pader. Nakabalandra sa harapan ko ang hubad na kalahating katawan niya. Kahit punit-punit na ang maong shorts na suot niya at puno ng grasa, ang kisig niya pa rin.
Sa loob-loob ko ay napapikit ako nang mariin nang makita ko ang tumutulong pawis mula sa kaniyang dibdib papunta sa kaniyang tiyan.
At nasundan ko pa talaga ng tingin iyon kaysa ang iwasan…
“P-padaan, Ray. Uuwi na ako…”
Tinitigan niya ako sa mukha habang nakaharang pa rin siya sa daraanan ko. “Uuwi ka na agad? Hindi mo man lang ba ako sasaluhan sa banana-Q na dala mo?”
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at saka umiling. “Kailangan ko na kasing umalis—”
“Bakit? Dahil naiilang ka sa akin?” diretsahang tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
Feeling ko ay nalulon ko sandali ang aking dila at hindi agad ako nakapagsalita. “Bakit naman ako maiilang sa’yo?” Deny pa more, Happy! tudyo sa akin ng isipan ko.
“Because you’re trembling…” he replied in a husky voice. “And I can hear your heart beating loudly.” Napaigtad ako nang walang paalam na hinapit niya ako sa baywang at pinagdikit ang mga katawan naming dalawa.
Ganoon ba kalakas ang pakiramdam at pandinig niya para mapansin niya ang panginginig ko at pati ang malakas na t***k ng puso ko. Pero paano pa ako magde-deny kung nakadikit na ang dibdib ko sa dibdib niyang matigas at basa ng pawis?
“Ano ba ang ginagawa mo?” walang lakas ang boses na tanong ko kay Ray.
“Ano ba sa tingin mo?” Bumaba ang tingin niya sa aking mukha at dahan-dahan iyong naglakbay patungo sa aking mga labi na kagat ko sa mga oras na ito. But he is unmoving. Titig na titig lang siya sa akin habang humihigpit ang pagkakayapos niya sa baywang ko.
Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Daig ko pa ang naengkanto. Wala akong ibang maramdaman maliban sa dibdib ko na parang sasabog na dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
“Hindi ko alam. Pero bitiwan mo ako.” Pinaseryoso ko ang aking mukha para isipin niya na hindi ako pabor sa basta na lang niyang pagyakap sa akin.
Pero mukhang wala iyong epekto kay Ray.
Tumiim ang titig niya sa akin. Para naman akong napipilan habang unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin…