HAPPY PAGKATAPOS kong basahin ang pangalan ng isa sa kilalang industrial firm sa bansa na nakasulat sa pinakataas na parte ng gusali ay pumasok na ako. Although, sinabi naman na sa akin ng secretary ang palapag na pupuntahan ko kahapon, nagtanong pa rin ako sa information center kung saan makikita ang HR Department. Secretary ng HR Manager kasi ang dating trabaho ko. At ganoon din dito kung sakali. Nasa tenth floor nga raw iyon. At dahil medyo tanghali na kaya mangilan-ngilan na lang ang mga empleyadong nakasabay ko sa elevator. Ang ilan naman ay mga aplikante rin gaya ko. “Sana ma-hire kayo,” narinig kong sabi ng isa sa mga empleyado sa tatlong applicant na kasabay ko. “Mas masuwerte kayo kapag nagkataon dahil bago na ang CEO nitong company. Mas mabait at galante. Hindi katulad noong D