HAPPY NANG sumunod na araw, sinamahan ko si Kaycee sa magiging bagong school niya para i-enroll. Kahit medyo may kamahalan, pinipilit ko na papasukin siya sa private. Para hindi ganoon karami ang mga taong makakasalamuha niya. “Ano, anak? Okay lang ba sa’yo ang school na iyon?” tanong ko sa kaniya nang makalabas na kami. “Opo, Mama. Mukhang mabait naman po ang principal at ang mga teacher.” Masuyong hinaplos ko ang buhok ni Kaycee. “Basta kapag may nanggulo sa’yo, sabihin mo agad sa’kin, ha? Alam mo naman na palaging nandito lang si Mama para sa’yo, di ba? Ako ang reresbak para sa’yo.” “Opo, Ma. Alam ko naman ‘yon,” nakangiting sagot niya sa akin. Mayamaya ay naputol ang pag-uusap naming mag-ina nang may dumaan na isang pamilya galing din sa loob ng school. May kasamang batang lalak