HAPPY TINANGHALI ako ng gising kinabukasan. Ilang beses pa kasing may nangyari sa amin ni Ray. Nahiya nga ako dahil halos lahat yata ng parte ng silid na ito ay may mga bakas namin. Nag-alala ako na baka mahalata ni Miss Jass. Pero in-assure naman sa akin ni Ray na wala akong kailangang ipag-alala dahil alam naman daw ng kaibigan niya na may espesyal na namamagitan sa amin. Gayon man ay lalo lang akong nakaramdam ng hiya dahil baka kung ano ang isipin ng bagong boss ko. “Siyempre, binata ka tapos dalagang ina ako. Mahirap lang ako, may kaya ka naman sa buhay,” naalala ko na sabi ko kay Ray bago kami nakatulog kagabi pagkatapos ng nakakapagod na sandali. “Hindi naman gano’n mag-isip si Jasmin. Nakita mo naman kung gaano siya kabait,” masuyong wika niya sa akin para alisin ang pag-aalala