WALANG AAMIN, HAPPY!

1938 Words
HAPPY HINDI ko alam ang emosyon na mararamdaman ko habang tinitingnan ang underwear na hawak ni Ray. Ang tanging alam ko lang, nangingibabaw ang hiya na nararamdaman ko sa mga oras na ito. I felt so cheap while looking at the small garment he’s holding. Ano ba kasi ang nangyari sa akin ng gabing iyon at pumatol ako sa lalaking ito? Na hindi ko naman kilala. Ilang beses na akong nalasing sa bar na iyon pero first time iyong nangyari. “So, what’s your plan now?” untag sa akin ni Ray. Hindi pa rin nabubura ang ngisi sa kaniyang mga labi. “Kukunin mo ba ito sa’kin o hindi?” Naningkit ang mga mata ko sa inis nang titigan ko siya. Gusto ko siyang singhalan para lang mawala itong hiya na nararamdaman ko. Pero bakit ko nga ba siya sisisihin? Kasalanan ko naman kung bakit ako pumatol sa kaniya. In the first place, alam ko naman na playboy siya. At nag-enjoy din naman ako sa ginawa namin that night. Malay ko ba na magkikita pala uli kami! I took a deep breath as I opened my mouth again. “Paano mo naman nasabi na sa akin nga ang underwear na iyan?” Ito na lang ang naisip ko na palusot para makaiwas ako sa kahihiyan. Ang mag-deny. Hindi naman siguro porke’t katulad ito ng panty ko na napulot niya kanina, akin na rin ang isa pang hawak niya ngayon. Ngumisi pa lalo ang loko. “Dahil ikaw lang naman ang tanging babae na ninakawan ko ng panty sa tanang buhay ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito kinuha ko sa’yo that night. Siguro, remembrance na rin.” I know na masiyado na akong obvious dahil ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko, kung saan nakatingin si Ray sa mga sandaling ito. Pero nunca na aamin ako! “Wala akong alam sa sinasabi mo.” Itinukod ko ang aking mga kamay sa malapad niyang dibdib at saka itinulak palayo. “Umuwi ka na at may pupuntahan pa ako.” “Pero wala pa ang merienda ko na pinapakuha mo kay Kaycee.” Binalingan ko siya na nakataas ang isang kilay ko. “Hindi ka naman siguro patay-gutom, ‘di ba?” “Hindi pa ako nakakapag-grocery kaya wala akong pagkain sa bahay.” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ang laki-laki niyang bahay mo tapos walang pagkain? At saka paano ka hindi nakapag-grocery? Eh, may sasakyan ka nga.” “Wala akong time.” I smirked. “Hindi ko na problema iyon. Basta umalis ka na lang. At puwede ba? Huwag ka nang bumalik dito. Dahil wala akong time makipag-usap sa’yo. Masiyado akong maraming ginagawa sa buhay para i-entertain ko ang kalokohan mo, mister.” Pairap na tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa loob ng bahay. Mabuti na lang at hindi pa rin bumabalik si Kaycee. “Wait,” boses iyon ni Ray sabay hawak sa braso ko. Sumunod pala siya sa akin. “Ano na naman?” nayayamot na baling ko sa kaniya. “Saan nga pala ang lakad mo?” “At ano naman ang pakialam mo?” “Well,” He shrugged his shoulders, “balak ko kasi na mag-grocery na rin. Baka gusto mong sumabay. Wala kang makukuhang sasakyan dito. Unless, may kakilala kang tricycle driver sa labas. Na puwede mong tawagan para magpasundo rito.” “Salamat na lang pero kaya kong gumawa ng paraan.” Napapailing na tinalikuran ko si Ray. Paano ko ba iiwasan ang taong ‘yon? Mukhang makulit pa naman. Kung bakit kasi ang liit ng mundo naming dalawa. “Ma, nasaan po si Kuya Ray?” tanong sa akin ni Kaycee nang makasalubong ko siya sa garahe. May dala siyang tray na may lamang juice at sandwich. “Umuwi na, anak. Ibalik mo na lang iyan sa kusina. Tayo na lang ang kakain niyan mamaya.” HAPPY “HUWAG ka munang lumabas ng bahay hangga’t wala pa ako, ha?” bilin ko kay Kaycee bago ako umalis. “Hindi pa natin kabisado itong lugar. At saka i-lock mo ang maindoor pagkaalis ko. Naisara ko na ang sa kusina at pati na rin ang mga bintana. Huwag ka ring makipag-usap kahit kanino kapag may pumunta rito. Tawagan mo agad ako kapag may napansin kang kahina-hinala sa paligid.” “Kahit po si Kuya Ray, Ma?” “Lalo na ‘yon. Huwag mong papasukin dito,” mariing sagot ko. “Hindi pa rin natin siya lubos na kilala kaya huwag kang magtiwala agad-agad.” Laking pasalamat ko at masunuring bata si Kaycee. Basta alam niya na para sa ikakabuti niya, palagi niya akong pinapakinggan. “Paano po kayo pupunta sa bayan, Ma? Ano ang sasakyan n’yo?” “Tinawagan ko na ang may-ari nitong bahay. Nanghingi ako ng contact number ng tricycle driver na puwedeng sumundo sa akin dito,” sagot ko. “Natawagan ko na rin kanina pa at papunta na raw dito.” Mayamaya ay napasilip sa bintana si Kayce. “May tumigil po na tricycle sa labas, Ma. Baka iyan na ang service mo.” Nakisilip na rin ako sa bintana. Ch-in-eck ko ang plate number na ibinigay sa akin ng tricycle driver na nakausap ko kanina. Tugma naman iyon. Pati na rin ang physical description niya. “Ingat ka po, Ma.” Humalik sa pisngi ko si Kaycee nang akmang paalis na ako. “Salamat, anak. Basta huwag mo ring kalimutan ang mga bilin ko sa’yo.” Pagkatapos kong siguruhin na safe na ang buong bahay ay saka lang ako lumabas. Naglakad na ako papunta sa pinagpaparadahan ng tricycle na dumating. Handa na sana akong ngitian ang driver nang biglang lumapit sa kaniya si Ray. Saka ko lang napansin na nagpapahangin pala siya ng gulong ng tricycle. “Nandito na pala ang susunduin mo, Mang Javier,” narinig ko na sabi ni Ray sa driver. Nginisihan niya ako nang mapatingin kami sa isa’t isa. Pero tiningnan ko lang siya nang masama. Nang makalapit ako sa kanila, dinedma ko si Ray. Ang driver agad ang pinansin ko. “Kayo po ba si Mang Javier na kausap ko kanina?” paniniguro ko pa rin kahit narinig ko naman na binanggit ni Ray ang pangalan niya. “Ako nga po.” Nakangiti na baling sa akin ng driver. “Kayo po ba si Ma’am Happy? Ang bagong lipat diyan sa bahay ni Aling Conching?” “Siya nga po, Mang Javier. Si Happy ang sinasabi ko sa inyo na bagong kapitbahay ko at magpapasaya sa bawat araw ko. Pangalan pa lang, ‘happy’ na,” sabat naman ni Ray na ikinatawa lang ni Mang Javier. Tiningnan ko siya nang matalim. “Hindi ikaw ang kausap ko kaya huwag kang sumabat,” mataray at nakairap na sabi ko sa kaniya. Tumawa lang si Mang Javier. “Nakakatuwa naman kayo. Unang araw pa lang ng pagiging magkapitbahay n’yo pero para na kayong aso’t pusa. Sige kayo, marami ang nagkakatuluyan sa ganiyan,” tukso pa sa amin ng matandang driver. Napangiwi na lang ako. Ngiwi na nauwi sa irap nang mapatingin ako kay Ray at nakita ko siya na pangiti-ngiti pa. “Tara na ho, Mang Javier. Masiyadong presko ang paligid dito,” pagdidiin ko at saka pinandilatan ng mga mata si Ray. At ang loko, tinawanan lang ako. Mukhang siguradong-sigurado talaga siya na ako ang babaeng nagmamay-ari ng panty na hawak niya. “Sige, Ray. Mauna na kami,” parang naaaliw sa amin na paalam ni Mang Javier. May inabot siyang pera sa binata. “Ito nga pala ang bayad sa pagpapa-vulcanize ko, o.” “Huwag na ho. Itabi mo na lang ‘yan. Pandagdag baon ng mga anak mo sa eksuwela.” Malapit na sana akong humanga sa kaniya dahil sa kabaitan niya kay Mang Javier. Kung hindi lang siya nagpahabol pa. “Basta ingatan n’yo lang ho sa biyahe iyang si Happy. Dahil mamahalin ko pa iyan.” Napahagalpak ng tawa ang driver. “Walang problema, Ray.” “Sira-ulo ka talaga!” singhal ko kay Ray. Tila wala namang epekto sa kaniya ang sinabi ko. Sa halip ay nginisihan pa niya ako. Nag-wave din siya nang makasakay na ako sa loob ng tricycle. “Bye, Happy. See you!” Inirapan ko lang siya. “Mabait naman ho iyong si Ray Likas lang talaga na cariñoso,” pagtatanggol naman sa kaniya ni Mang Javier pero hindi na lang ako umimik. Iniba ko na lang ang usapan. Nagtanong-tanong na lang ako sa kaniya tungkol sa lugar na ito para maging pamilyar ako. Nagkasundo na rin kami ni Mang Javier na siya na ang kukunin kong service ni Kaycee kapag nagsimula na uli ang pasukan. At kapag may trabaho na ako. Pati na rin kapag may biglaang lakad ako katulad ng pamamalengke. “Uuwi din po agad kayo pagkatapos n’yo diyan, Ma’am Happy?” tanong sa akin ni Mang Javier nang makarating kami sa opisina ng telecommunication service provider. “Para ho hintayin na lang sana kita.” “Opo. Kaso dadaan pa ako ng grocery store, eh. Tatawagan ko na lang ho kayo kapag pauwi na ako,” sagot ko naman. Bago kami nagkahiwalay ni Mang Javier, itinuro pa niya sa akin ang mas malapit at mas mura na grocery store. At doon ako dumiretso pagkatapos ko sa totoong pakay ko rito sa bayan. Habang nag-iikot-ikot ako sa grocery store ay nagulat ako nang makasalubong ko si Ray. Katulad ko ay may tulak-tulak din siyang push cart. Agad akong umiwas ng daan nang makita rin niya ako at naglakad siya palapit sa akin. Pero wala na pala akong ibang madaanan kaya no choice ako kundi ang salubungin siya. Hindi ko naman napigilan na sipatin siya ng tingin habang palapit kami sa isa’t isa. Matikas talaga ang tindig niya. He is exactly a drop-dead gorgeous guy. Kaya siguro playboy siya. Kasi walang babae ang hindi mahuhumaling sa hitsura niya sa unang tingin pa lang. Including you? tudyo ng aking isipan. Idagdag pa na matangkad siya. Nagmumukha akong nene kapag magkaharap kaming dalawa. Sa tingin ko, nasa six feet and three inches ang height niya. Samantalang five four lang ako. Kaya walang kahirap-hirap na buhat-buhat lang niya ako noong nag-s*x kami sa ladies’ room ng bar. Sa liit ko at sa tangkad niya, tapos good built pa, sisiw lang sa kaniya ang Upstanding Citizen Style na iyon. Hindi ko namalayan na naipilig ko na pala ang aking ulo habang sinusuri ko ang katawan ni Ray. Kahit balot na balot na ang katawan niya ng faded jeans at dark blue T-shirt, hindi pa rin maitatago ang ka-macho-han niya. O siguro dahil nakatatak na sa isipan ko ang magandang hubog ng katawan niya. “Done checking me out?” Napakisap ako nang marinig ko ang boses niya. Ngayon ko lang napansin na nakatayo na pala siya sa harapan ko. Pasimple akong umiwas ng tingin. “Ano ang ginagawa mo rito?” “Namimili. Sinabi ko naman sa’yo na wala akong stock na pagkain sa bahay, di ba?” sagot niya sa malalim at buo pero may halong lambing na boses. “Hindi ko na matiis ang gutom ko kaya tumakbo na ako dito.” Nang marinig ko ang pagkulo ng tiyan ni Ray ay nakaramdam ako ng konsensiya. Pero kapwa kami natawa nang tumunog uli iyon at mas malakas. Kahit ang ibang namimili na nasa kalapit lang namin ay natawa rin. “Ano? Naniniwala ka na?” tanong niya sa akin. “Sorry naman,” ngingiti-ngiti na sagot ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na sabay na kaming namimili at nagsisimula na akong mag-enjoy sa company niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD