NAPILITAN ako na lumabas at harapin ang lalaki nang tawagin ako ni Kaycee para daw makilala ko ang aming kapitbahay.
Kahit parang mamamatay na ako sa nerbiyos dahil sa takot na baka matandaan niya ako at malaman ng aking anak ang kahalayang ginawa ko, pilit ko pa ring pinanatili ang aking maaliwalas na mukha.
Literal akong napatigil sa paghakbang nang makalabas ako ng bahay at nadatnan ko sa bakuran sina Kaycee at ang lalaki. Sa kaniya agad humayon ang aking tingin kahit nakatalikod siya sa akin.
Oh, my gosh! Ano ang sasabihin ko sa kaniya kapag nagkaharap kami mamaya? Kaya ko bang mag-pretend na hindi ko siya natatandaan?
Heck. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito? Sa dami ng puwede naming pagtatagpuan uli, dito pa talaga sa liblib na lugar na ito?
"Nandiyan na po pala si Mama." Masigla akong sinalubong ni Kaycee.
Sumunod naman sa kaniya ang lalaki. Lalo akong hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan. Para akong naestatwa, na kahit ang aking mga mata ay hindi ko magawang ikisap nang magsalubong ang tingin naming dalawa.
Ramdam ko ang lalong pag-iinit ng aking mukha habang palapit nang palapit sila sa akin ni Kaycee. Kung hindi lang ako magmumukhang tanga at obvious, baka kumaripas na ako ng takbo pabalik sa loob.
"Si Kuya Ray po pala, Mama. Siya po ang nakatira diyan sa kabilang bahay," wika ng aking anak nang makalapit siya sa akin, sabay turo sa bahay ng lalaki.
So, Ray pala ang pangalan niya.
Nakatayo siya sa likuran ng aking anak. Ngunit diretso ang tingin niya sa akin na mas nagpatindi pa sa kaba ko.
"Kuya Ray," baling sa kaniya ni Kaycee. "Ang pinakamagandang Mama nga pala sa balat ng lupa. Ang Mama Happy ko."
Lalo akong namula sa kapilyahan ng aking anak. But thanks God at hindi niya napansin ang pagkailang ko. Gano'n din ang lalaki. Mukhang hindi nga niya ako natatandaan kaya kaswal lang ang pakikipag-usap niya sa akin.
Mabuti na lang talaga at hindi ko ibinigay sa kaniya noon ang pangalan ko. At ganoon din siya.
"Hi. Nice to meet you, Happy."
"H-hi." Pinigilan ko pa rin ang mautal kahit mukhang hindi naman niya ako nakilala. I cleared my throat. "Nice to meet you din."
Ilang minuto ang dumaan bago muling nagsalita ang lalaki. "Masaya rin ako na lumipat kayo rito. Dahil may kapitbahay na ako." Ngumiti siya sa akin.
Pasimpleng tinitigan ko siya. Hindi ko kayang basahin kung nagpapanggap lang ba siya na hindi niya ako kilala or what. Pero hindi naman siya nagpapahiwatig.
Kung ganoon, bakit kaya hindi niya ako matandaan? Mukhang mas matino naman siya sa akin nang gabing iyon. Hindi rin naman siguro siya nagka-amnesia.
O baka naman dahil sa sobrang dami ng babaeng nakilala niya ng gabing iyon kaya hindi na niya ako matandaan. Sa tingin ko kasi, playboy ang isang ito. Baka nga araw-araw siyang nagpapalit ng babae, eh.
Wala sa sarili na lumipad ang aking tingin sa kaniyang silid nang maalala ko ang mga ungol na aking narinig kagabi. Naroon pa kaya ang babae?
"Mukhang magiging masaya na rin ang lugar na ito dahil may kapitbahay ako na 'Happy'."
Dahan-dahan na ibinalik ko ang aking tingin kay Ray nang marinig ko ang pagbibiro niya. Dumoble ang t***k ng aking puso nang mahuli ko siya na nakatitig nang matiim sa akin, na para bang hinuhulaan ang laman ng aking isipan sa mga sandaling ito.
Aware kaya siya na narinig ko sila ng kaniyang katalik kagabi?
Dahil sa ideyang iyon kaya lalo lamang akong pinamulahan ng pisngi.
"May sense of humor din po pala kayo, Kuya Ray." Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang hagikhik ni Kaycee.
"Ngayon na nga lang uli ako may nakausap sa lugar na ito, eh," sagot niya at palihim namang tumaas ang aking kilay.
Eh, ano pala ang tawag niya sa babaeng katalik niya kagabi?
"Malapit na akong ma-bored dito. Buti na lang dumating kayo," dagdag pa ni Ray na lalo lamang ikinataas ng aking kilay.
Bored pa siya niyon kagabi, ha?
"Kung gano'n ho, punta na lang kayo sa bahay kapag gusto n'yo ng kausap. Para hindi rin mainip si Mama kapag wala ako. One month lang po kasi ang bakasyon. Eh, two months po na wala siyang work."
Kung hindi ko pa inawat ang aking anak, baka naikuwento na niya kay Ray ang buong buhay namin. Oo, mabait at friendly siya. Pero hindi siya mabilis magtiwala lalo na pagdating sa mga lalaki dahil madalas ko iyong ituro sa kaniya. Kaya nga nagtataka ako kung bakit tila palagay agad ang loob niya sa lalaki.
"Ikuha mo muna ng maiinom ang Kuya Ray mo, anak," utos ko sa kaniya para lang mapigilan ang pagkukuwento niya.
Hindi pa namin lubos na kilala si Ray. Malay ko ba na isa pala siya sa mga dapat naming iwasan.
Tumalima naman si Kaycee.
Napasinghap na lamang ako nang maiwan kaming dalawa ng lalaki. Good thing na hindi niya ako matandaan kaya nabawasan ang aking kaba. Nakatingin siya sa malayo nang ibalik ko ang aking tingin sa kaniya. Ngayon ko mas na-appreciate ang taglay niyang kaguwapuhan. At sa tantiya ko ay nasa twenty-two hanggang twenty-five years old lang siya.
Moreno lang siya pero makinis ang kutis at artistahin ang mukha. Maganda at natural na namumula-mula ang pares ng kaniyang mga labi. Bagay na bagay ang matangos niyang ilong sa mapupungay niyang mga mata, na may makakapal na eyelashes. Kapansin-pansin din ang nag-iisang biloy niya sa kaliwang pisngi.
Kaya siguro kakaiba ang karismang taglay ng mga ngiti niya.
Agad kong sinaway ang aking sarili. Isa akong man-hater. Hindi ba dapat ay iniiwasan ko na siya?
"Ay, oo nga pala," mayamaya ay untag sa akin ni Ray. Nakaharap at nakatitig na uli siya sa'kin. "Sa'yo ba 'to?" May dinukot siya sa kaniyang bulsa. Pulang tela ang agad kong nakita.
Nanlaki ang aking mga mata at tila nalunok ko ang aking dila nang makilala ko ang aking thong panty na kanina ko pa hinahanap. Para akong lalamunin ng lupang kinatatayuan ko nang makitang hawak-hawak iyon ni Ray.
Nang tila mabawi ang boses ay saka ko lang nagawang magsalita. "A-akin nga 'yan. Sinampay ko 'yan kanina pero biglang nawala. Paano napunta sa'yo?" Aktong kukunin ko sa kamay niya ang aking underwear nang itaas iyon ni Ray. Dahil matangkad siya kaya hindi ko iyon naabot.
"Kailangan mo munang patunayan na sa'yo nga ito. Unless, may pangalan mo."
Saglit akong napatanga sa kaniya. Nahuli ko ang pagngisi niya. Biglang nag-iba ang kaniyang anyo. Kung kanino ay puno siya ng kabaitan sa harap ng aking anak, ngayon naman ay kapilyuhan na ang mababakas sa kaniyang mukha.
Bakit bigla akong nakaramdam ng duda na nagpapanggap lang siya na hindi niya ako natatandaan?
"Joke lang," tumatawang saad ni Ray kapagkuwan. Napansin niya marahil ang pagsimangot ko. "Mukhang kasya naman sa'yo kaya naniniwala na ako na sa'yo nga ito," sabi pa niya sabay tingin sa aking katawan.
Gusto kong umiwas ng tingin dahil alam ko na nag-blush ako. Pero para akong hini-hipnotize ng mga titig ni Ray sa akin. Nagbaba lang ako ng tingin nang hindi ko na makayanan pa na salubungin ang mga titig niya. Pati mga tuhod ko ay animo'y apektado na rin dahil sa unti-unting panlalambot ng mga ito.
Kailan pa nga ako huling nanghina sa harapan ng isang lalaki?
Ah, just two weeks ago.
Ibinaba ni Ray ang kamay niya na may hawak ng panty ko at iniabot sa akin. "Nilipad sa bakuran ko kaya dinala ko rito. Wala naman akong ibang kapitbahay at kasing sexy mo pa kaya naisip ko agad na sa'yo."
Pilit kong ibinuka ang aking bibig para magsalita. "Ahm... T-thank you," wika ko, sabay abot sa aking panty na hawak niya. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa sa akin ni Ray.
Mabilis niya akong hinawakan sa baywang at isinandal ang aking likod sa pinakamalapit na pader. Bigla akong nakaramdam ng init nang ilapit niya ang kaniyang katawan sa akin.
"So, Miss Naughty..." Inilapit din niya ang kaniyang mga labi sa labi ko. "Ito ba... hindi mo kukunin sa akin?" nakangising tanong niya bago may dinukot uli mula sa kaniyang back pocket.
Halos malaglag ang aking panga nang masundan ko ang nakataas na kamay ni Ray. Bumandera sa aking harapan ang aking thong na nawala noon sa ladies' room ng bar. Sa pagkakatanda ko ay isinabit ko lamang iyon sa likod ng pinto nang hubarin ko iyon. Tapos bigla na lang nawala nang isusuot ko na uli.
Kung hawak ni Ray ang panty ko at gusto niyang ibalik sa akin, ibig sabihin, natatandaan nga niya ako?
Holy sh*t!