HAPPY
HALOS gulay, prutas, isda, at karne ang laman ng push cart ko nang matapos ang pag-iikot ko sa loob ng grocery store. Ang mga ito kasi ang hilig kainin naming mag-ina. Lalo na si Kaycee. Punong-puno na ang push cart ko pero bilang na bilang lang ang canned goods. Pang-emergency lang kasi ang mga ito.
Bago pumunta sa counter ay tumingin-tingin muna ako sa paligid. Hinahanap ng mga mata ko si Ray. Naghiwalay kasi kami sandali dahil may bibilhin daw siyang tools.
Mayamaya pa ay natanaw ko na siya na tulak-tulak ang kaniyang push cart na halos napuno rin. Kinawayan ko siya nang mapansin ko na parang hinahanap niya ako. Agad namang umaliwalas ang kaniyang mukha nang makita niya ako.
“Tapos ka nang mamili?” malambing na tanong niya sa akin nang makalapit siya.
“Oo. Pipila na nga ako sa counter kaya hinanap kita. Eh, ikaw?”
“Tapos na rin.”
Napatingin ako sa push cart ni Ray. Kumunot ang aking noo nang mapansin ko na halos puro canned goods ang laman ng push cart niya. Nagtataka na napatingin ako sa kaniya. “Bakit puro de-lata ang binili mo? Hindi ka ba kumakain ng mga lutong pagkain like isda or gulay?”
“Sino ba naman ang ayaw?” Tila nahihiyang napakamot sa batok niya si Ray. “Kaya lang ang problema, hindi ako marunong magluto. So, heto…” Kibit-balikat na itinuro niya ang mga laman ng push cart. “Asa sa mga ready-to-eat na pagkain.”
Naiiling na tinawanan ko siya. “Ang lakas ng loob mong magsolo sa buhay pero hindi ka naman pala marunong magluto.”
Nanghahaba ang nguso na tumingin siya sa akin. “Ano ang magagawa ko kung lumaki akong—” Kusa niyang ibinitin ang pagsasalita at saka itinikom ang bibig.
“Lumaking ano?” interesadong tanong ko naman.
“Lumaking guwapo lang pero walang alam,” pabiro niyang sagot bago ako kinindatan.
“Ang yabang mo!” natatawang hinampas ko siya sa braso, sabay tingin uli sa push cart niya. “Palitan mo ang mga iyan ng mga gulay, isda at karne. Tuturuan kitang magluto. At saka lagyan mo na rin ng mga prutas. Magkakasakit ka kapag ganiyan palagi ang kinakain mo.”
Animo’y hindi makapaniwalang napatitig sa akin si Ray. “Really?”
I glared at him, “Anong ‘really’ ka diyan? Don’t tell me na hindi ka aware na hindi safe sa kalusugan ang mga canned goods?”
Inayos niya ang bull cap na suot at saka ngumiti sa akin. “Alam ko ‘yon, siyempre. Hindi lang ako makapaniwala na tuturuan mo pa akong magluto. Samantalang kanina lang, bago ka umalis, halos patayin mo ako sa inis.”
Natigilan ako sandali. Kahit ako man ay naguguluhan sa sarili ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na unti-unti na agad napalagay ang loob ko kay Ray dahil lang sa masaya siyang kasama. Maraming alam na kakengkuyan.
Inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa at tumigil sa harapan ko. “Just forget what I said. Let's start anew.”
Bahagyang umangat ang tingin ko sa kaniya, “What do you mean?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Ray. “Let's pretend this is the first time we've met.”
Bigla na lang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. May laman ang sinabi niya. Mukhang siguradong-sigurado na nga siya na ako ang babaeng naka-s*x niya sa bar two weeks ago. Paano ko pa iyon ide-deny sa kaniya? Magmumukha na akong tanga kung patuloy ko pa iyong itatanggi kahit obvious naman na.
Napigil ko ang aking hininga nang marinig ko ang pagtikhim ni Ray. Ramdam ko ang pagtitig niya sa naguguluhang mukha ko.
“So, ano? Tuturuan mo ba talaga akong magluto? Para ibabalik ko na itong mga laman ng push cart ko at papalitan ng mga sinasabi mo,” bigla ay sabi niya sa akin. Mabuti na lang at iniba na niya ang usapan.
Hindi ko na lang siguro uungkatin ang tungkol doon hangga’t hindi niya ako kinukulit uli. Saka ko na lang pag-isipan kapag kinulit na naman niya ako. Mas okay kung magpanggap na lang din muna ako na ngayon lang kami nagtagpo.
I sighed and then smiled at him. “Oo. Tutulungan na rin kitang ibalik ang mga iyan at mamili katulad nitong mga pinamili ko,” suhestiyon ko na ikinangiti ni Ray.
He stilled and looked into my eyes. “Thank you.”
“P-para saan?” Pasimple akong umiwas ng tingin dahil naaapektuhan ako ng mga titig niya sa akin.
“Sa pagtulong sa akin. Ngayon ko lang mararanasan na may babaeng tutulong sa akin sa pag-go-grocery at magtuturo sa akin sa pagluluto,” sagot niya sa mababa at baritonong boses.
“Bakit naman? Don’t you have a girlfriend?” I asked curiously. Huli ko na naalala na playboy nga pala itong kaharap ko. “I mean, I know na marami kang babae. Pero wala talagang nagturo sa’yo paano magluto? Kahit isa?”
He just laughed. “Marami talaga? Hindi naman ako babaero.”
“Sus. Magde-deny pa, eh,” pairap na sagot ko.
“Totoo nga,” nakangising depensa pa niya. “Iyong nakita mo noon sa bar, first time ko ‘yon. I’m just trying—”
“Tara na,” maagap na putol ko sa pagsasalita ni Ray. Alam ko naman na kahit ano ang gawin at sabihin ko, hindi pa rin siya aamin. Wala namang playboy ang umamin sa pagiging babaero, ‘di ba? “Palitan na natin iyang mga pinamili mo para makauwi na tayo. Walang kasama sa bahay si Kaycee.” Walang salita na tinalikuran ko na siya. Iniwan ko na lang ang push cart ko malapit sa counter.
Hindi na rin nagsalita pa si Ray hanggang sa maibalik namin sa tamang lagayan lahat ng mga pinamili niya. Naaliw pa ako sa kaniya nang ibalik niya ang mga iyon sa tamang pagkaka-display.
“Nakakahiya naman kasi sa mga empleyado rito kung hindi ko ibabalik sa tamang ayos pagkatapos kong guluhin,” paliwanag niya nang mapansin niya siguro ang pagtataka sa mukha ko. Naglaan kasi talaga siya ng oras at pagod para doon.
I didn’t answer. But that made me smile. Napaka-considerate pala niyang tao.
HAPPY
“LAHAT ba ng naging boyfriend mo sinasamahan mong mamili?”
Natawa ako nang marinig ko ang tanong na iyon ni Ray habang nasa meat section na kami. “Bakit parang ang dami kong naging boyfriend kung makatanong ka?” baling ko sa kaniya.
Itinigil niya ang pagkuha ng karne at tumingin sa akin, “Bakit? Hindi ba totoo?”
“Wala akong ibang naging boyfriend noon maliban sa ama ni Kaycee.” Natigilan ako sandali nang maalala si Jeffrey, kasabay niyon ang pagkirot ng aking dibdib. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang lalaking iyon. Matagal ko na siyang ibinaon sa limot.
“Wow!” amused na bulalas ni Ray. He rolled his tongue in between his lips. “Sa ganda mong ‘yan? Siya lang talaga ang naging boyfriend mo? Ang suwerte naman pala ng daddy ni Kaycee.” May nakita akong totoong inggit sa kaniyang mga mata nang sabihin iyon.
Tinitigan ko lang siya habang nararamdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Naguguluhan ako kung bakit lalo ko lamang naalala si Jeffrey sa tuwing kasama ko siya. Pati ang feelings ko na matagal ko na ring kinalimutan ay parang unti-unting bumabalik. Dahil ba pareho silang babaero? Ibig bang sabihin ay kailangan ko na rin siyang layuan?
Tila wala namang ideya si Ray sa nararamdaman ko sa mga oras na ito. Tinawid pa niya ang distansiya naming dalawa. “So, where is he now?”
Hindi ko napigilan ang pagtalim ng aking mga mata nang mapatingin ako sa kaniya. Ganito ang nararamdaman ko sa tuwing may nagtatanong kung nasaan na ang ama ni Kaycee. Kahit labindalawang taon na ang lumipas, kahit ibinaon ko na siya sa limot, patuloy ko pa ring nararamdaman ang galit sa kaniya.
Saka lang siguro nakahalata si Ray sa nararamdaman ko nang makita niya ang pagtalim ng mga mata ko. Kaya bigla na lang siyang nanahimik.
“I’m sorry kung medyo naging insensitive ang tanong ko,” he apologizes sincerely. Lalo pa niyang inilapit ang kaniyang katawan sa akin.
Samantalang bigla naman akong nataranta nang mapansin ko na ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa’t isa. Naglaho ang galit na nararamdaman ko kanina at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bagay na pamilyar sa akin. Lalo na ang init ng katawan ni Ray.
“I-it’s okay. Ayoko lang na pinag-uusapan pa siya,” katuwiran ko habang pasimpleng humahakbang palayo sa kaniya. Pero sa bawat hakbang ko ay humahakbang din siya palapit sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na tumama ang aking likod sa push cart niya.
I looked down dahil hindi ko na makayanang salubungin ang tingin niya sa akin. Naguguluhan ako kung bakit pati ang titig niya sa akin ay pamilyar din.
“I’m sorry again.” Umangat ang kamay niya at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na nakatabing sa aking mukha dahil sa pagyuko na ginawa ko. “Pero kung sakali mang handa ka nang pag-usapan ang tungkol sa past mo, nandito lang ako. Handang makinig sa’yo.”
My heart never stopped beating fast as I stared deeply at his eyes. Bakit pamilyar itong nararamdaman ko sa kaniya? Alam ko na hindi lang ito dahil sa nangyari sa amin noon sa bar.
He leaned closer to me. And our lips are just breath away. “I will also help you forget about him if you want,” he whispered.
Napalunok ako. I know na may ibang ibig sabihin ang sinabing iyon ni Ray. Dahil bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang init sa aking sistema nang hapitin niya ako sa baywang. Kung hindi pa namin narinig ang pagtawag sa kaniya ng sales staff na nagtitimbang ng mga karne na pinamili niya, hindi niya ako lalayuan.
Iniwanan niya ako ng isang malagkit na titig bago tumalikod para puntahan ang mga pinamili niya. Samantalang naiwan naman ako na nakalapat ang palad sa aking dibdib, sa parte kung nasaan ang puso ko. It’s still beating fast. Twelve years ago ko pa yata naramdaman ang ganitong feeling. Iyong tumitibok ang puso ko na may kasamang pagsigaw ng partikular na pangalan. At nasira lang ang buhay ko nang dahil dito.
Papayagan ko ba na mangyari uli iyon sa akin?