RAY Six months ago… “MUKHANG may date ka, Hijo. Saan ang lakad?” Napahinto ako sandali sa pagbaba ng hagdan nang marinig ko ang boses ng aking mula sa likuran ko. Nakangiti na nilingon ko siya. “Susunduin ko po si Lizzy sa shop niya, ‘Ma. Manonood kasi kami ng concert ng favorite K-pop band niya.” Napangiti si Mama Suzette nang marinig niya ang sinabi ko. “Sabi na nga ba, eh. May date ka with Lizzy. Todo paguwapo ka lang naman kasi kapag siya ang kasama mo,” tudyo ng aking ina. “Of course, Ma. You know how much I love her,” nangingislap ang mga mata na sagot ko. Kinakapatid ko si Lizzy bago ko siya naging fiancée. Two years din kaming magnobyo bago ko siya inalok ng kasal na hindi naman niya tinanggihan. Ilang beses din akong nagkaroon ng failed relationship noong college ako. Siya l