HAPPY NANG makita ko si Ray na pumasok na sa banyo ay parang umurong ako bigla. Parang gusto ko nang mag-back out sa usapan naming dalawa na ako mismo ang nag-alok. Ano ba kasi ang pumasok sa kukote mo, Happy? Umayaw ka nga sa deal niya. Pero heto, gumawa ka naman ng sariling deal mo na siguradong ikaw din ang mahihirapang tumanggi. kastigo sa akin ng isipan ko. Akmang magbibihis na ako para tuluyan nang mag-back out nang may yumakap mula sa aking likuran. Napaigtad ako at mabilis na lumingon nang maramdaman ko ang mga braso ni Ray sa aking kahubdan. Halos magsalubong na ang aming mga labi dahil sa paglingon ko sa kaniya. “Change of mind?” Tumiim ang tingin ko sa kaniya. Kung makatanong siya sa akin parang dapat ko siyang katakutan. Baka nga kinakantiyawan niya ako ngayon sa isip niy