HAPPY NAISIP ko na baka lalong mabulabog ang mahimbing na tulog ni Kaycee kapag narinig niyang nakipagtalo pa ako kay Ray o kaya ay kapag itinuloy nito ang banta na sa garahe na lang maliligo. Kaya napilitan ako na pagbuksan siya. Agad siyang umayos ng tayo at napatingin sa akin nang buksan ko ang pinto. Ang lapad ng ngiti ng loko at nagmamadali na ipinasok sa bulsa ng shorts niya ang hawak na cellphone. “Bakit mo ba ako kinukulit? Gabing-gabi na, Ray,” nagsasalpukan ang mga kilay na tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya. “Makikiligo nga ako.” Pinagkrus ko ang aking mga braso sa harap ng dibdib ko bago ko siya tinaasan ng kilay. “Makikiligo o hindi lang mawala sa isip mo ang sinabi ko sa’yo kanina?” “Iyong totoo?” Ilang saglit na pinakatitigan niya ako bago siya ngumisi. “Yes. Sin