CHAPTER 17 UNACCEPTABLE “ HAYAAN mo, Pamela, ire-report ko sa iyo lahat ng ginagawa ni Sir Jethro sa opisina. Wala akong palalagpasing detalye. Kahit pa pag-ihi nito, malalaman mo. ” Parang estudyanteng nanunumpa sa harap ng watawat ng Pilipinas si Miya habang binibigkas ang mga pangako sa kaibigan. “ Tumigil ka nga, Miya. Ang trabaho mo ang asikasuhin mo sa opisina ni Jethro. Huwag ang pakialaman ang mga kilos niya, kung gusto mong magtagal sa kompanya niya, ” paalala rito ni Pamela. Sa tulong ni Jethro ay makakapagtrabaho na si Miya sa Montreal Realty. Matagal na itong pangarap ng kaibigan simula makapagtapos ng pag-aaral sa probinsya. Kinuha ito ni Jethro bilang Leasing Agent ng Montreal Realty. Ang totoo ay nahihiya siya sa binata dahil sa pagtanggap at pagtulong nito sa kai