CHAPTER 5

1091 Words
Mula sa terrace ng second floor ng mansion ay kinawayan niya ang anak. Hingal na hingal ito sa pagtakbo, hinahabol ang ama sa malawak na compound. "Mom, sali ka?! Laro kami ni Daddy ng tag!" Umiling siya at itinaas ang hawak na watering can para ipaalam ditong busy siya sa pagdidilig ng mga halaman sa terasa. Nagtuloy ito sa paghabol kay Jet na sinadyang magpahuli sa anak. May ibinulong ito sa kaniya bago siya kinawayan. Isang tipid na ngiti ang iginanti niya at nagpatuloy sa ginagawa. Saktong natapos siya nang lumitaw ang mag-ama sa terasa. "Mommy, sasabay ako kay Daddy na maligo. Mamaya raw pasyal tayo." "Tayo?" Kunot-noong binalingan niya si Jet na seryosong nakamasid sa kanilang mag-ina. "Family time din paminsan-minsan, Mommy." He flashed a boyish smile that made her heart beat crazy. Hindi niya matanto kung nagiging malambing lang ito dahil nakaharap ang anak nila. Dumistansya siya kay Jet simula nang dumating ito at nakipagkasundo para sa bata. Ayaw niyang isipin na isa siyang mababang uri ng babae kahit na iyon naman na talaga ang tingin nito sa kaniya. Family time. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya. Pero alam niya kung ano ang estado nila ni Jet. She is the mother of his son, kaya siya kasama sa pamilya get sinasabi nito. No deeper reason. "E, Kasi ang dami ko pang gagawin. Tutulungan ko si manang sa…" "Hindi kita inuutusang magtrabaho sa mansion, Pamela." May pagbabanta sa tinig nito. He won't take no for an answer. "Bukas ay darating ang katulong na magsisilbi sa atin. Your job is our son at hindi ang maglinis ng bahay." "Pumayag ka na, Mommy, please? Hindi pa ako nakapunta sa Enchanted Kingdom. Hanggang playground lang tayo naglalaro." Ngumiti siya at pinunasan ang pawisang anak. "Oo na. Lalabas tayo." Nagtatalon sa tuwa si Tate. "Thanks." Magkapanabay na sambit nila ni Jet. Lumakas ang hangin at sumabog ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha. Hahawiin niya Sana ang buhok nang maunahan siya ni Jet. He tug her hair behind her ears. Hindi niya inasahan iyon pero lalo siyang nagulat nang haplosin nito ang pisngi niya. "No, Pamela. Thank you. Thank you for bringing Tate in this world. I can't explain how I feel but I feel complete now having Tate in my life." Hinapit siya sa baywang at hinalikan sa noo. Just a simple gesture that took her breath away. "Thank you rin. Si Tate ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Without you, I don't have Tate." Tumingkayad siya at dinampian ng magaang halik sa labi si Jethro. Kapwa sila nagulat at bumitaw sa isa't isa. May kung anong init ang namagitan sa kanila at kapwa napaso. Napahiya siya sa ikinilos. Hindi niya intensyong halikan ito. God! Her face pinked. Mabuti na lang at hinila ni Tate ang ama para maligo. Gusto niyang magsisi. Nagpadala siya sa udyok ng kaniyang damdamin. Ayaw sana muna niyang magpakita kay Jet sa sobrang hiya pero kailangan niyang daluhan ang anak sa pagbihis. Pumasok siya sa silid ni Jethro para alamin kung tapos na ang mag-amang maligo. She can still hear their noise in the bathroom. Naglalaro pa ang mga ito. Nag-alala siyang baka sipunin ang anak kapag mababad nang gusto sa tubig. Madali pa namang kapitan ito ng ubo at sipon. Kinatok niya ang mga ito at agad na bumukas ang pinto. It was too late to step back nor run outside nang tumambad sa harap niya ang hubad na Jethro. His well built body looks hot and yummy with water droplets on his skin. Ang nakabuhol na puting tuwalya sa pang-ibabang bahagi nito'y gusto niyang kalasin. His hair was damp. Tumutulo pa ito sa kaniyang maskuladong katawan. His broad shoulders…was oh… "Mommy!" si Tate na nakasampay sa balikat ng ama. Agad niyang itinuon ang mga mata sa anak na parang hindi napaso sa mainit na tanawing nasa harap niya. "Hindi ka pa naligo?" asked Jet, half smiling. Parang huli siya sa aktong pagnanasa sa katawan nito kanina. "H-hindi pa. Kailang aasikasuhin ko muna si Tate." Ibinaba nito ang anak. Nagtinginan ang mag-ama na parang may hindi magandang binabalak. Bago pa siya nakatalikod ay umangat na siya sa sahig at inilapag ni Jet sa jacuzzi. Napatili siya sa gulat pero na bumagsak sa tabi niya ang mag-ama. "This is amazing, right, champ? Daddy, Mommy and Tate bathing together." Jet flashing a grin on his lips while gazing her playfully. Pumalakpak si Tate at nag-umpisang sabuyan sila ng tubig. Nakipaglaro siya sa mag-ama kahit walang segundo na hindi siya hinagod ng nakakapasong tingin ni Jet. Mabuti na lang at may Tate na pagkakaabalahan niya para hindi tuluyang matupok sa mga titig nito. Sinundan niya si Jet nang ipanhik sa silid nito ang tulog na anak. Halatang napagod ito sa paglalaro sa buong maghapon. Kumuha siya ng pajamas at inasikaso ang bata. Naupo sa gilid ng kama si Jet, paharap sa kanilang mag-ina. Ramdam niya ang mga mata nitong nakatuon sa kaniya. Pagkatapos niyang asikasuhin ang anak ay tumayo na siya at akmang lalabas na nang magsalita si Jet. "Can you sleep with us, Pam? Laging kagigising ng hatinggabi si Tate at hinahanap ka." Of course. Sanay ang anak na katabi siya sa pagtulog. Pero dahil hiniling ni Jet na makatabi ang bata ay sa silid na nito pumapatol ang anak. "Pero…" "Please, Pamela? Sleep here tonight." Tumango siya. "Magbibihis lang ako." Pagbalik niya sa silid ni Jet ay tulog na rin ito. Pinagmasdan niya ang dalawa. They were really look alike. Pati ang puyo sa noo ay nakuha ni Tate kay Jet. The mini Jethro, 'ika nga ng mga nakakakilala sa kanila. Parehong nakasandong puti ang mag-ama at magkaharap ng higa. Jet's arm was wrapped around Tate's small body. Her eyes watered as she felt the tight squeeze inside her chest. Humiga siya sa tabi ng anak at hinaplos ang mukha nito bago lumipat sa mukha ni Jet. Hindi niya napigilan ang pagbuhos ng mga luha. She loved him secretly. So in love to him na alam niyang bawal. Naalala pa niya nang banggitin nito sa kaniya ang tungkol sa girlfriend nitong naiwan sa US. Nilinaw nitong si Tate lang ang dahilan ng ugnayan nila. Kaya naman pinanatili niya ang distansya rito. Inangat niya ang ulo para abutin ang noo ni Jet. Hinalikan niya ito pero laking gulat niya nang gumalaw ito at kabigin ang batok niya at siilin ng malalim at maalab na halik sa labi. "Pamela…" he breathed as he claimed her mouth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD