CHAPTER 6
MISTAKE
NASAPO NI JETHRO ang noo kasabay ng pagtiim-bagang. What got into his mind at hinalikan niya si Pamela? Minumura niya ang sarili sa isip. Nagkasundo sila ni Pamela para sa kapakanan ng bata at hindi kasali ang para sa kanilang dalawa.
Hindi kasali sa kasunduan na iyon ang halikan niya si Pamela. What he did was a big mistake. He was tempted. At nagpadala siya sa tukso .
Fuck! Naihilamos niya ang palad sa mukha.
Nagpanggap siyang tulog at nananaginip nang halikan si Pamela. Ngunit di siya nakatulog magdamag. Nanatili siya sa library para kastiguhin ang sarili at para iwasan ang tukso.
Pamela sleeping soundly in his bed was torture for him. That woman was insanely beautiful, at hindi siya santo para di matukso.
He should have done that. Sa balintataw ay isang mukha ng magandang babae ang nagpakita. Pinagpawisan siya ng malamig. Nasa malayo man ito at walang alam sa sitwasyon ay hindi niya maiwasang kabahan at makonsensya. He loves his fiancée.
Wala ng ibang babae ang magpapasaya sa kaniya kundi si Aileen lang. Aileen and him were perfect for each other. Wala na siyang mahihiling pa sa kaniyang fiancee. Takot siyang mawala ito sa buhay niya. Kaya naman bago siya umuwi sa Pilipinas ay nag-propose muna siya.
Ngayon nangangamba siya para kay Aileen dahil kina Pamela at Tate. Pero hindi rin naman niya kayang pabayaan ang kaniyang anak.
Aaminin niyang hindi siya handa sa pagdating ni Tate sa buhay niya. Lalo pa at ikakasal na siya. Nakaramdam siya ng takot pero hindi rin maipaliwanag ang saya sa kasuluk-sulukan ng puso niya. At iyon ang naging dahilan para tanggapin agad si Tate kahit na batid niyang magiging threat ito sa relasyon nila ni Aileen.
Ngunit ang tungkol kay Pamela, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya rito. For the meantime ay hinayaan muna niya itong tumira sa mansion dahil kay Tate.
Alas sais ng umaga at nasa loob pa siya ng library. Napaahon siya sa upuan nang may kumatok sa pinto, kasunod ng pagbukas no'n. Bumungad si Nanay Loring, dala ang isang mug ng black coffee.
“ Good morning, hijo. ” Lumapit ang matanda at inilapag ang hawak na tray sa lamesa.
“ Good morning, ’Nay, ” sagot niya at dinampot ang mug na nilapag nito at agad humigop ng kape. “ Salamat ho, sa kape. ”
“ Mukhang di ka natulog, hijo. May problema ka ba? ” nag-aalalang tanong ni Nanay Loring.
Tipid na ngumiti si Jeth bago umiling. “ Wala ho, Nay, ” kaila niya. Na hindi naman pinaniwalaan ng matanda.
“ Kilala kita, hijo. Ako na ang nagpalaki sa iyo. Hindi mo ako mapaglilihiman. Tungkol ba ito sa mag-ina mo? ”
Sa huli ay walang nagawa ang binata kundi magtapat.
“ Hindi ko ho alam kung ano ang gagawin ko, 'Nay. Mahal ko si Aileen pero hindi ko kayang pabayaan si Tate. ”
“ At si Pamela, ” dugtong ng matanda. “ Hindi lang kay Tate ka may responsibilidad, hijo. Maging sa ina ng anak mo, may pananagutan ka. ”
“ Kaya ho ako naguguluhan, 'Nay. Hindi ko kayang paglihiman ng matagal si Aileen. Pero hindi ko rin ho kayang ilayo si Tate kay Pamela. ”
Pinakatitigan ng matanda nang mabuti ang alaga. Maging ito ay hindi rin alam kung ano ang ipapayo sa binatang gulong-gulo.
“ Naiintindihan kita, hijo. Pero hindi mo puwedeng kunin lahat. Mayroon at mayroon ka talagang masasaktan kapag namili ka ng maiiwan sa iyo. Pero, anak. Alam kong ang makabubuti para sa inyo ni Tate ang pipiliin mo. Kung saan ang kasiyahan mo, at kung tingin mo ay para sa kabutihan ng anak mo, doon ka, hijo. ”