CHAPTER 4

2016 Words
CHAPTER 4 HOUSEMAID UUMUPO muna at pumangalumbaba si Pamela. Inabala niya ang sarili sa paglilinis sa mansion habang nasa Daycare center pa si Tate nang makaramdam siya ng p*******t ng tiyan. “ Naku, bata ka. Kanina pa kita inaawat at magpahinga muna. Kita mo na at sumakit na naman iyang tiyan mo. Ni hindi ka pa kasi nag-almusal at nagtatrabaho ka na. ” Si Nana Loring na mabilis na lumapit at alalang-alala sinalat ang noo at leeg ni Pamela. Pinagpapawisan siya ng malamig at namumutla kaya lalong nataranta ang matanda. “ Wala ho ito, Nana. Pahinga lang po ang kailangan nito, ” pagkakaila niya nang sa ganoon ay hindi mag-alala ng husto ang matandang babae. Ito ang naging mother figure niya sa mga panahong lugmok siya. Nang mga panahong kailangan niya ng tulong at gabay ng isang magulang. Ito ang kumupkop sa kaniya nang palayasin siya ng kaniyang tiyahin. Pinasilong siya nito, pinakain at binigyan ng trabaho. “ Aba'y talagang ipahinga mo na, anak, nang sa ganoon ay hindi lumala iyan. May dalaw ka ba at inaatake ka na naman ng dysmenorrhea? ” pagkuwa'y paniniguro ni Nana Loring. Tumango siya at napangiwi sa sakit. Bumuntong-hininga ang matanda at napailing na lamang. Batid nito ang katigasan ng ulo ni Pamela pagdating sa trabaho. Kahit pa may sakit ito ay sisige pa rin sa paglilinis sa loob ng mansion. Ang rason nito noon sa kaniya ay bilang sukli ng kabutihan niya at pagpapatuloy sa kanilang mag-ina sa mansion. Malaki na ang tiyan nito noon at malapit nang manganak kay Tate pero hindi iyon naging dahilan para maapektuhan ang trabahong bahay sa dalaga. “ Ang may-ari ng bahay na ito ay ang ama ng anak mo, Pamela. Responsibilidad ni Jeth ang buhayin kayong mag-ina kaya huwag mong ituring ang sarili mong isa lamang alila sa bahay na ito. ” “ Si Tate lang po ang dahilan kaya narito pa ako sa mansion, Nana. Saka sa anak lamang namin may responsibilidad si Sir Jeth, ” pagtatama ni Pamela. Ayaw niyang maging pabigat sa ama ng kaniyang anak. Nagkakilala sila ni Jeth dahil sa pagkakamali niya at naging bunga no'n ay si Tate. Ngunit hindi isang pagkakamali ang anak niya. Para sa kaniya, si Tate ang biyayang ibinigay ng Panginoon sa kaniya. Naging mas matatag siya sa hamon ng buhay nang dumating sa buhay niya ang kaniyang anak. Ito ang nagmulat sa kaniya para huwag bumitiw sa Panginoon. “ At bakit hindi ka kasali sa responsibilidad niya? Kahit pa sabihing wala kayong relasyon, may namamagitan sa inyong anak, Pamela. Itinaguyod mong mag-isa ang anak mo noong wala si Jeth. Huwag mong ilayo ang sarili mo, anak. Mabuting tao ang ama ng anak mo. ” Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng pamimilipit ng tiyan. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya sa tinuran ng matanda. “ Oh siya, pumasok ka na muna sa silid mo at magpahinga. Aakyatan na lang kita ng pagkain, ” pagtataboy nito. Tinulungan siya nitong tumayo at inalalayang umakyat sa second floor kung saan naroon ang kaniyang tulugan. Basa ng pawis ang damit ni Pamela. Gusto niyang bumangon upang magpalit ngunit tinatamad siyang imulat ang mga mata. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya matapos ang ilang oras na pahinga. Muli siyang nahulog sa malalim na pagkakatulog. Sa malalim na pagkakatulog ay may mga kamay na nag-angat sa kanyang likod at pilit itinataas ang kanyang mga braso. Umangal siya at tumagilid ng higa ngunit muli ay mahigpit ang mga kamay na humawak sa kanyang mga braso at pinanatili siyang nakahilata sa kama. " Be still, Pamela. " utos ng isang tinig. Pakiramdam ni Pamela ay nasa malalim siyang panaginip. Maging ang malalim na boses ni Jethro ay naririnig niya. Lihim siyang kinilig at napangiti sa kanyang panaginip. Hiniling na sana ay huwag nang matapos ang napakagandang panaginip na iyon. PALUBOG na ang araw nang magising si Pamela. Mahaba-habang oras din ang kanyang ipinahinga at mabuti-buti na rin ang kanyang pakiramdam sa tulong ni Nana Loring. Maayos na ang kanyang pakiramdam at hindi na katulad kaninang umaga. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at inayos ang sarili upang makatulong sa paghahanda ng hapunan sa ibaba. Sa ibaba ng hagdan ay nakita niya si Nana Loring na kagagaling lamang sa labas. Naka-postura ang matanda at may mga hawak na echo bag na may lamang mga gulay. " Nana Loring, " tawag niya sa matanda. Agad siyang bumaba ng hagdan at nilapitan ang matanda. " O, hindi ba at dapat ay nagpapahinga ka pa? Bakit ka na bumaba? " Ngumiti siya sa pagiging maalalahanin ng matanda. " Maayos-ayos na po ang pakiramdam ko, Nana. Kaunting sinat lang ho iyon. " " Aba e, magpasalamat ka at magaling mag-alaga iyang si Jethro. Kung hindi ay hindi na kita naasikaso. " " Ano po ang ibig niyong sabihin? " Napakunot-noo siya nang may maalaka sa kalagitnaan ng kaniyang tulog. Akala niya ay panaginip lang ang lahat. " Hindi po kayo ang nasa silid kanina? " " Kagagaling ko lang sa bayan para mamalengke. Si Jethro lang ang naiwan dito sa bahay, " paglilinaw ng matanda. " Pero… " " Oh, siya pala, hija. Nandito na pala si Tate. Sinundo kanina ni Jethro. " Naalala niya ang kaniyang anak. Maghapon pala siyang nakatulog at hindi namalayan ang oras para sunduin ang anak sa Daycare center. Sa kusina ay nadatnan ni Pamela si Tate na nakaupo sa stool habang may dinudutdot na kung ano sa counter top. Sa mesa ay naroon ang mga nakahandang pagkain para sa hapunan. Naagaw ng kanyang pansin ang nakatalikod na si Jethro. Nakatuon ang atensyon nito sa stove kung saan nanggagaling ang mabangong amoy ng nilulutong pagkain. " Are you done there, son? Dapat matapos na natin ito bago magising ang Mama mo. " Sinipat ni Jethro ang ginagawa ng anak. Maingat na nilagay isa-isa ni Tate ang French fries sa paper cup. " Oh, Pamela, ano pang tinatayo mo riyan, maupo ka na roon at mukhang hinihintay ka na ng mag-ama mo. " Masyadong malakas ang boses ni Nana Loring at halos mapatalon siya palayo sa pintuan. Gulat siyang napatingin sa matanda ngunit tuluyan na itong pumasok sa kusina. Doon ay sabay na lumingon ang mag-ama sa gawi niya. " Mama! " Nakangiti si Tate na naglakad para salubungin siya ng yakap at halik sa pisngi. Hindi niya napigilang pisilin ang pisngi ng anak at yumuko para halikan ito. " Pasensya ka na, anak, hindi ka nasundo ni Mama sa school. " Iginaya niya si Tate pabalik sa kitchen table. Tinulungan niyang makaupo muli sa stool si Tate. Tinulungan na rin niya itong isilid ang mga natirang potato fries sa mga cups. " Masipag talaga itong si Tate, ano? May pinagmanahan. Hindi ba, Tate? " pabirong tanong ni Nana Loring na noo'y inaasikaso ang mga pinamili. Nakakatunaw ng puso ang tawang pinakawalan ni Tate. Lumapit si Nana Loring sa bata at nakipag-high five sa anak. Tila may tinatagong sikreto ang tinginan ng dalawa. " You should take your seat. " Nanigas ang likod ni Pamela nang marinig ang tinig ni Jethro. Nakatayo ang binata sa likuran niya habang matamang pinanonood ang ginagawa nila ni Tate. Hindi na niya tinapunan ng tingin ang binata at inabot ang upuang pinakamalapit. " Sabi ni Papa, may sakit ka, Mama. Kaya pinaghanda ka namin ng maraming pagkain para gumaling ka na. " Napaka-inosente ng ngiti ni Tate at may ningning ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Muli niyang hinalikan ang noo ni Tate. " Kanina ka pa halik nang halik sa akin, Mama. Si Papa nasa likod mo lang, bakit hindi mo rin... " " O, tapos na pala natin ito. " Agad na tumayo si Pamela at hindi hinayaang makapagsalita pa si Tate. Ngunit biglang nag-init ang mga pisngi niya. Tumulong siyang naghain sa hapag ng hindi tinatapunan ng tingin si Jethro na panay ang sulyap sa kanya. Hindi pa alam ni Pamela kung papaano niya sisimulan ang pagpapasalamat dahil kabutihang loob nito. Tingin niya ay mas maiging masinsinan siyang makipag-usap sa binata dahil nagtatrabaho siya para rito. Pagkatapos ng maganang hapunan ay hinugasan na niya si Tate at pinalitan ng damit pantulog. Inihanda na rin niya ang kama para matulog sa kabila ng pamimilit nitong manood ng TV. " Weekend bukas kaya wala kayong pasok. Puwede kang manood ng kahit anong gusto mo. Basta ngayon, matulog ka na at gabi na. " " Pero hindi pa ako inaantok, Mama. " reklamo pa rin nito. Tumabi siya ng higa at humarap rito. " Kahit na. Palibhasa sinasanay kang late nang matulog eh. " saway niya at itinaas ang kumot sa katawan ni Tate. Si Jethro ang palaging umaayon sa mga gusto ni Tate at nasasanay ang bata sa maling gawain nitong iyon lalo na sa panonood bago matulog. " Hindi naman pagpupuyat ang 9 o'clock. " Sumulpot si Jethro mula sa pintuan. Hindi na nagulat pa si Pamela dahil palagi na nito iyong ginagawa. " Dati-rati, wala pang alas otso ng gabi, natutulog na siya. " aniya ng hindi tumitingin sa binata. Alam niyang katatapos lang maligo ng lalaki dahil naaamoy niya ang panlalaking mint shampoo sa paligid. " Huwag mong bigyan ng sama ng loob ang anak mo sa pagtulog." Sa sinabi binatang iyon ay napalingon siya rito. Nakita niyang inabot nito ang remote control, ini-on ang TV at tumalon sa kama. " Anong… " Napaupo siya dahil sa pagkamangha. " Get up, Tate. Manonood pa tayo ng Frozen. " Inalis ni Jethro ang kumot mula kay Tate. " Get up, buddy. " At ang carbon copy ni Jethro ay agad na tumalima. Naupo sa tabi ng ama habang nakikitawa. Habang siya ay walang magawa kung hindi ang panoorin ang mga itong magsaya. " Si Kubo o si Coco? " " Coco! " excited na sagot ng bata. " Napanood mo na si Coco, Tate. " saway niya sa anak. " Iba po iyon, Mama. " Alam na ni Pamela na wala na siyang ibang magagawa sa katigasan ng ulo ng dalawa kaya naman pinili niyang lumabas muna ng kuwarto at puntahan si Nana Loring sa kusina. Sa sala ay naabutan niya itong inaayos ng matanda ang mga throw pillows ng sofa. " Nana, tulungan na kita. " Lumabas si Pamela mula sa banyo nang nakabihis ng pantulog. Sa kama ay wala na si Jethro. Alam niyang nasa study room ang lalaki dahil sa mga paper works. Tiningnan muna niya si Tate na mahimbing ang tulog bago lumabas ng kuwarto at tinungo ang pintuan ng study room. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok roon. Walang sumasagot mula sa loob kaya sinubukan niyang ipihit ang seradura ng pinto. " May kailangan ka? " Napatalon si Pamela sa gulat nang mula sa kanyang likuran ay ang nakatayong si Jethro. Pero agad siyang nakabawi. " Puwede ka bang makausap sandali? " Kumunot noo ito at nag-alangan si Pamela sa reksyon nito. " Bakit? Tungkol ba iyan kay Tate? " " Hindi. Tungkol ito kanina, baka naabala kita sa trabaho mo. Pasensya na, hindi naman kasi malalang sakit iyon pero si Nana Loring kasi inabala ka pa… " " Walang kaso iyon sa akin, Pamela. I would do anything I could to help. " Pinagsalikop ni Pamela ang mga kamay at tumingin sa binata ng deretso. " Salamat kung ganoon. " Tumango si Jethro. Aalis na sana siya ngunit muli itong nagsalita. " And also, you are under of my concern. Kapag hindi ka gumaling ibig sabihin wala akong kasamang titingin kay Tate. " Sang-ayon si Pamela sa sinabi nito. Pero may bahagi sa kanya ang parang bumigat at hindi niya alam kung bakit. Tumango-tango siya. " Tama. " " Iyon lang ba ang gusto mong sabihin? What about... " Wala na siyang iba pang sasabihin pa rito kaya mabilis na siyang tumabi mula sa pinto. " Oo, babalik na rin ako sa kuwarto. Baka hanapin ako ni Tate. " Tinalikuran na niya ito at tinakbo ang pintuan ng kuwarto nila ni Tate. " Goodnight, Pamela. " Hindi na siya tumugon at basta na lang pumasok sa pintuan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD