CHAPTER 7

654 Words
CHAPTER 7 GARDEN MAAGA pa ay pawisan na si Pamela sa pag-aasikaso ng mga halaman sa hardin. Ang hardin sa mansion ang pinakapaborito niyang tambayan kung ganoong tapos na siya sa gawaing bahay. Ngunit dahil hindi siya gustong pagtrabahuin ni Nanay Loring sa loob ng mansion dahil sa pag-aalalang mabibinat siya ay tumakas siya para asikasuhin ang mga tanim na bulaklak. Iniangat niya ang isang paso ng halaman at inilipat sa ikalawang palapag ng plant base. Bahagyang tumatabing ang ilang hibla ng kanyang mahabang buhok sa kanyang mukha pero hinayaan niya hanggang matapos siya sa ginagawa. Palibhasa'y patamad lamang niyang tinali ang kanyang buhok kaya iyon mabilis kumawala. Si Tate ang palaging nakakapuna noon na tila naiirita sa buhok niya. Nasasanay na rin siyang kinukulit nito habang naghahalaman siya. Umayos siya ng tayo at tumingin sa paligid upang kunin ang watering can. Napasinghap siya nang hindi inaasahang makita ang malaking bulto ni Jeth sa kanyang gilid. Nakapamulsa ito habang kunot ang noong nakatitig sa kanya. Halatang katatapos lamang nitong maligo dahil mamasa-masa pa ang buhok nito. " Good morning, ” bati ng binata. Tumikhim siya upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan. “ Magandang umaga, tulog pa si Tate? ” “ Napagod yun kahapon kaya tulog pa. Ikaw, bakit napakaaga nandito ka na sa labas? " Muli siyang tumikhim. “ Anong oras na. May pagkain na sa loob. Gusto mo bang ipaghanda kita … ” “ No need. Hintayin muna nating magising si Tate. ” Tumango siya. Dinampot na niya ang water can at nagsimulang diligan ang mga halaman. “ Your hair is a tangled mess but it still looked good. ” Napalingon siya rito ng wala sa sarili. Hindi malaman ang sasabihin kaya hindi na siya nagsalita. " Ganito ba lagi ang routine mo sa umaga? I mean, how do you take care of Tate if you work so much? " " Inuuna kong asikasuhin si Tate sa umaga. Ngayon lang naman siya nahuli ng gising kaya inuna ko na ito. " aniya. Ibinaba na ni Pamela ang water can at naghugas ng kamay. " I'm sorry for asking so much questions like that. Hindi kita natulungan sa pagpapalaki kay Tate kaya huwag mo sanang isiping kinukuwestiyon ko ang paraan mo ng pagpapalaki sa anak natin kapag nagtatanong ako. " " Walang anuman iyon. Hindi ko napalaki si Tate ng ganito kung wala ang tulong mo. At kahit wala ka sa tabi ni Tate noon, hindi ka nawala sa isip niya. " Totoong wala ito sa tabi ni Tate habang lumalaki ang bata pero hindi siya kailanman nagtanim ng sama ng loob kay Jethro. Mukhang may itatanong pa sa kanya ang binata ngunit hindi na nito itinuloy base sa biglaang pagtigas ng ekspresyon nito. " Let's get inside. Baka nagising na rin si Tate. " Agad na itong tumalikod at iniwan siya. At habang papalayo ang lalaki ay malaya niyang pinanood ang malamig nitong likod. Huminga muna ng malalim si Pamela bago sumunod sa loob ng bahay para makapaghanda na ng agahan. Pagpasok ni Pamela ay si Nana Loring na nakapamaywang ang sumalubong sa kanya sa sala. " Ang sinabi ko, magpahinga ka, Pamela. Hindi ang madaling araw pa ay nasa labas ka na. " " Alas sais na po ng umaga nang lumabas ako. Tsaka hindi na ako magkakasakit, Nana. " aniya. Umiling iling ang matanda. " Matigas ang ulo mong bata ka. " Sumabay na si Pamela sa matanda patungo sa kusina. Naroon na noon si Tate sa hapag at hinihintay siya. Habang si Jethro ay kasalukuyang inaayos ang mga plato sa mesa. Kung kanina sa hardin ay kinakausap siya ni Jethro, sa hapag naman ay hindi na siya tinapunan ng tingin ng lalaki. Na hindi na rin niya ipinagtaka pa. Bakit siya kakausapin ni Jethro gayung wala naman silang dapat pang pag-usapan. Tumahimik na lamang siya at inabala ang sarili sa mga gawain hanggang sa muli siyang mapadpad sa hardin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD