CHAPTER 8

1689 Words
MALALIM na paghinga ang pinakawalan ko sa ere pagkatapos ay dinala ko sa tapat ng aking bibig ang baso na hawak ko. May laman itong red wine na hiningi ko kay Ysolde kanina. Nasa garden kami ngayon. Nakaupo ako sa single couch habang si Ysolde naman ay nasa kabilang mesa at inaasikaso ang asawa nito at ang mga bisita nila. Ang triplets, si Arn at si Morgon. Nag-iinom sila ngayon. Kanina nang dumating sila habang nasa sala kami ni Ysolde at nag-uusap, medyo naging awkward ang sitwasyon namin. Binati ko naman ang triplets pati si Arn, pero hindi na ako nag-abalang batiin si Morgon. Pagkatapos n’on... Magpapaalam na sana ako para umuwi na, kaso nakiusap naman si Ysolde na manatili pa ako kahit isang oras na lang. Pinagbigyan ko na tutal at matagal din naman kaming hindi nagkita at nakapag-bonding. Mula sa kanauupuan ko, tinatanaw ko ang kinaroroonan nina Hideo. Masaya silang nag-uusap-usap, except kay Morgon. Tahimik lang siya at paminsan-minsan ay nahuhuli kong tumitingin siya sa direskyon ko. Pero hindi ko naman ipinapahalatang nakatingin din ako sa kaniya. Baka mamaya, sabihin na naman niyang ini-stalk ko siya. Medyo makapal ang mukha niya sa part na ’yon! Mayamaya ay nakita kong naglalakad na si Ysolde palapit sa akin. “Okay lang ba kung iwanan muna kita rito, sissy? Aakyatin ko lang ang dalawa at baka gising na.” Ngumiti naman ako at tumango. “Sure. Just take your time, sissy.” “Okay. Saglit lang ako.” Ani nito saka umalis na sa harapan ko. Nang makita kong umilaw ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa, kinuha ko iyon upang tingnan. It was Marl, pinaalalahanan na naman ako tungkol sa naging pag-uusap namin kahapon. Hindi ko pa rin kasi tinatawagan si Sasa para ipaalam dito kung ano ang sagot ko sa favor na hinihingi nito sa akin. “Hey, are you okay?” Nag-angat naman ako nang mukha. Nakita ko si Ulap na nakatayo sa harapan ko. May hawak pa itong bote ng beer. “Where is Ysolde? Bakit mag-isa ka lang dito?” tanong pa nito at umupo sa isang silya na nasa tapat ko. “Pumasok lang saglit para tingnan ang dalawang baby niya,” sagot ko. Tumango naman ito at tinitigan ako nang seryoso. Kanina ko pa nahahalata ang madalas na pagtitig sa akin ni Ulap. Medyo nakakailang na, pero hindi ko na lamang pinapansin. “How are you by the way, Shiloh?” tanong nito mayamaya. Tipid naman akong ngumiti. “I’m fine,” sabi ko. Kahit ang totoo, hindi naman. Hindi talaga ako okay. Lalo na ngayong nagkita na ulit kami ni Morgon. “Nagkausap na ba kayo ni Morgon?” mayamaya ay tanong niya ulit sa akin. Saglit akong napatingin sa direksyon ni Morgon. Kausap niya si Hideo. Mayamaya ay nagbaba ako ng tingin kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang malalim na paghinga. “Wala naman kaming dapat na pag-usapan pa, Ulap,” sabi ko. Nang mag-angat ako ulit ng mukha ay nakita ko naman ang pangungunot ng noo nito. “And why? I mean, may nakaraan kayo. And I think you two need to talk.” “Hindi na, Ulap. At isa pa...” Muli akong tumingin sa direksyon ni Morgon. I saw him looking at me too. Mabilis akong nagbawi ng tingin sa kaniya. Nginitian ko pa si Ulap. “He’s in a relationship now. And... I moved on.” Pagsisinungaling ko. “So wala na palang pag-asa na magkabalikan kayo?” tila paniniguradong tanong nito sa akin. Umiling ako. “I don’t think so, Ulap.” Dinala nito sa tapat ng bibig nito ang bote ng beer na hawak nito saka iyon tinungga. “Ang buong akala ko ay magkakabalikan pa kayo. Sayang naman ang relasyon ninyo noon.” Mapait akong ngumiti ulit. “Wala na sigurong nakakahinayang doon, Ulap. Pareho naman kaming naka-moved on na. I mean, I guess. Kasi hindi naman siya maghahanap agad ng kapalit ko kung mahal niya pa rin ako, hindi ba?” “Well...” Saad nito at bumuntong-hininga. “Nalaman ko nga rin na may girlfriend na pala siyang bago.” “Maybe hindi talaga kami ang para sa isa’t isa.” Tinitigan na naman ako nito ng seryoso. At pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap namin, tumayo na rin ito at nagpaalam sa akin na babalikan nito ang mga kasama nito. Tumango lang ako bilang sagot dito at sinundan ko ito ng tingin. Kinausap nito si Morgon na mas lalong naging seryoso ang mukha. Dahil medyo malayo ang puwesto ko sa puwesto nila kaya hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Ulap sa kaniya. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Tumayo na rin ako sa puwesto ko at naglakad papasok sa loob ng bahay nina Ysolde. Sakto namang pababa na ito sa hagdan. “Sissy, I have go,” sabi ko. “Uuwi ka na?” “May importante kasi akong pupuntahan kaya kailangan ko nang umalis. I’m sorry.” “No problem, sissy. Of course you can go. I’m sorry kung pinigilan kita kanina.” Ngumiti naman ako at niyakap si Ysolde at nagpalitan kami ng halik sa pisngi. “May kikitain kasi ako ngayon. And I have go home na rin para i-check si dad.” “Ikumusta mo na lang din ako kay Tito, okay?” Magkaagapay pa kaming naglakad palabas ulit. “Love, aalis na si Shiloh.” Tawag ni Ysolde kay Hideo. Tumingin naman sa direksyon namin ni Ysolde si Hideo, ang triplets at si Arn. Pero si Morgon, nanatiling nakatuon sa ibang direksyon ang paningin niya habang may hawak-hawak siyang rock glass at may kalahating laman na alak. Naglakad si Hideo at Ulap palapit sa amin ni Ysolde. “Take care, Shiloh. Bumisita ka ulit dito, okay?” Ngumiti naman ako kay Hideo at nakipagbeso rito. “Thank you, Hideo.” “Come, ihahatid na kita sa labas, Shiloh.” “Thanks, Ulap,” sabi ko. “Bye, sissy!” muli akong yumakap kay Ysolde bago ako tumalikod at hinawakan ni Ulap ang baywang ko at magkaagapay kaming naglakad palapit sa gate hanggang sa makalabas kami. Pinagbuksan pa ako nito ng pinto sa driver’s seat ng sasakyan ko. “Thank you, Ulap.” “You’re welcome, Shiloh. Take care.” “Bye!” kaagad kong binuhay ang makina ng sasakyan at umalis na ako roon. “MY GOD, SHILOH! Thank you so much.” Malapad ang ngiti sa mga labi na saad ni Sasa sa akin nang makipagkita ako rito sa restaurant na pinuntahan namin kahapon. I decided na tanggapin na ang offer nito sa akin tutal naman at wala pa akong gagawin sa ngayon dahil on process pa naman ang termination ng kontrata ko sa London. Hindi naman ako magkakaroon ng problema sa project na ito dahil si Marl na mismo ang nagsabi sa akin na kinausap nito ang boss namin sa London na may two weeks of photo shoot akong gagawin dito sa Pilipinas. “Kung hindi lang si Marl ang nakiusap sa akin, hindi ko talaga tatanggapin ang offer mo kasi on process pa naman ang termination ng kontrata ko. But...” “That’s why I’m so happy and thankful na pumayag ka, Shiloh. My God! Ang buong akala ko ay katapusan na ng trabaho ko. Pero mabuti na lamang at pumayag ka.” Muli akong ngumiti habang pinagmamasdan ko ang nakakatuwang hitsura ni Sasa. “Oh, by the way... Baka magbago pa ang isip mo. Pumirma ka muna sa kontrata natin. I mean, give yourself a little time to read this contract. Hindi naman ako nagmamadaling umalis ngayon.” Tinanggap ko ang folder na ibinigay nito sa akin at binuksan iyon. “It’s okay. I don’t have to read this contract. I trust Marl naman,” nakangiting sabi ko at kaagad na pumirma. “Thank you so much again, Shiloh.” “Enough saying thank you, Sasa. Hindi naman kasi ito for free,” pabirong sabi ko. Tumawa naman ito. “I mean, nagpapasalamat ako kasi hindi ko na kailangang maghanap ng bagong trabaho. Alam mo kasi... Kaninang umaga ay nasabon na naman ako ng Chairman namin. Huwag na raw akong papasok sa office bukas kung hindi pa rin ako makakahanap ng model. Jusko! Magpapa-party ata ako mamaya dahil sa pagpayag mo.” Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sasa ay nagpaalam na rin ako na kailangan ko ng umuwi. Sakto namang pagkarating ko sa bahay, paalis na rin si Tito Arthur. “How was daddy, Tito?” tanong ko rito. “He’s... He’s fine, hija. Kaka-check ko lang din sa kaniya.” Ngumiti at tumango naman ako. “Thank you, Tito.” “I’ll go ahead. May importanteng meeting din kasi akong pupuntahan.” “Bye, Tito.” Humalik pa ako sa pisngi nito bago ako tuluyang pumasok sa sala. Dumiretso rin ako sa kwarto ni daddy. Nadatnan ko naman itong nakasandal sa headboard habang nagbabasa ng mga documents. “Hi, dad!” nakangiting bati ko rito. Nang makaupo ako sa gilid ng kama nito at humalik ako sa pisngi nito. “How are you?” “I’m good, princess. Kakagaling din dito ng Tito Art mo.” “Yeah. Nakasalubong ko po siya sa labas.” “How are you? Where have you been?” “I was in Ysolde’s house. Dinalaw ko lang ulit sila pati ang baby nila ni Hideo,” sagot ko. “What are you reading, daddy?” Bumuntong-hininga naman ito nang malalim. “Important documents.” Tumango na lamang ako. Wala naman akong alam at interest sa business ng daddy kaya hindi na ako nagtanong pa tungkol doon. Tumayo na rin ako sa puwesto. “I’ll go upstairs, dad. Magpapahinga lang po ako.” “Alright. Sabay na tayong mag-dinner mamaya, okay?” “Opo, dad.” Nang makalabas ako sa silid ng daddy ay kaagad akong pumanhik sa kuwarto ko. Kaagad kong hinagilap ang picture namin ni Morgon na naiwan ko rito sa kuwarto ko three years ago. Nang makuha ko iyon sa ibabaw ng bedside table ko, saglit ko iyong tinitigan at mapait na napangiti. Pagkatapos ay itinago ko iyon sa drawer ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD