NAKAKUNOT pa rin ang noo ko habang seryosong nakatitig sa kaniya.
“I’m not stalking you.” Saad ko at akma na sanang babawiin mula sa kaniya ang braso ko, pero bigla naman niyang diniinan ang pagkakahawak sa akin. “Ouch! Will you please... Let me go.” Mariing saad ko pa.
“Then what are you doing here if you’re not stalking your ex-boyfriend?” sa halip ay tanong niyang muli sa ’kin.
Ikinuyom ko ang palad ko saka saglit na inipon ang lakas ko. Pagkatapos ay muli kong sinubukan na bawiin sa kaniya ang braso ko. Pakiramdam ko kasi, kung hahayaan ko pang magkadikit ang mga balat namin ng ilang segundo pa ay baka bigla na lamang akong mag-collapse rito lalo pa at nararamdaman ko na naman ang panghihina ng mga tuhod ko.
God! Three years had passed, pero ganoon na ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Kayang-kaya pa rin niyang palambutin ang mga tuhod at kalamnan ko without doing nothing.
Dahil sa puwersang ginawa ko, nagtagumpay naman akong makawala sa kaniya. Muntikan pa nga akong ma-off balance, mabuti na lamang at napahawak ako sa hamba ng pinto.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. “Sa pagkakaalam ko, this restaurant is not yours. At walang may magbabawal sa akin na pumunta rito.”
I saw his jaw clenched because of what I said.
“I’m not stalking you, Mr. Montalban.” Saad ko at nagpakawala nang malalim na paghinga, tinitigan ko pa siya ng ilang segundo bago ako humakbang upang iwanan siya roon.
Kahit bahagya pang nanginginig ang mga tuhod ko, pinilit kong maglakad nang maayos hanggang sa makabalik ako sa lamesa namin ni Sasa.
“Are you okay?” tanong nito sa akin nang makaupo na ulit ako sa puwestong iniwan ko kanina.
Banayad akong muling bumuntong-hininga. “Yeah,” wika ko.
“Umiyak ka ba?” usisang tanong pa nitong muli.
Nag-iwas naman ako ng tingin. Dinampot ko ang baso ng tubig ko at uminom. “No I’m not. Napuwing lang ako.” I reason out to him.
Tumango-tango naman ito. Halatang sinang-ayonan na lamang nito ang sinabi ko.
Tumikhim ako mayamaya upang tanggalin ang bolang bumabara sa lalamunan ko. Nang muli akong mag-angat ng mukha ko, I saw Morgon, pabalik na siya sa puwesto nila ng kaniyang girlfriend.
Ouch! Masakit talaga sa puso kapag makita mong ang taong mahal mo ay kasama na ng iba.
Feeling ko, may patalim na namang tumatarak sa puso ko sa mga sandaling ito.
Bago pa ako tuluyang mawasak, inalis ko na sa kanila ang aking paningin.
“Um, about your... Favor to me,” sabi ko. “I’ll think about it first, Sasa.”
Ngumiti naman ito. “Sige. Pero, puwede bang malaman ko agad bukas ang sagot mo? I mean, kailangan ko kasing maghanap ulit agad kung hindi ka papayag sa offer ko sa ’yo. And, kung papayag ka naman, I promise na malaki ang bayad na ibibigay sa ’yo ng boss namin. Tutal naman at siya ang naghahanap ng pang-international model look. I mean, you are Shiloh Fuentes, an internation model. So...”
Ngumiti naman ako. “Alright, alright,” tumatangong sabi ko. “I’ll let you know my answer tomorrow.”
“Thank you so much, Shiloh.”
“Don’t thank me yet, hindi pa naman ako pumapayag.”
“I will say thank you para naman maawa ka sa akin. Ayokong matanggal sa trabaho ko kasi wala na akong ipangbabayad sa mga lalaki ko.” Pabirong saad pa nito.
Napahagikhik naman ako.
Mayamaya ay muli kong ipinagpatuloy ang pagkain ko. Kahit papaano ay naging magkaibigan naman kami nitong si Sasa dahil kay Marl, kaya nag-usap na rin kami ng kung anu-ano about sa naging life ko sa London.
Dahil doon, medyo nawala na rin sa isipan ko si Morgon at ang girlfriend niya na naroon pa rin sa restaurant.
Pagkatapos naming kumain at mag-usap, nagpasya na rin kami ni Sasa na lumabas sa restaurant na ito.
Pagkatayo ko pa lang sa upuan ko, I saw Morgon looking at me. Pero hindi ko na siya pinansin. Naglakad na ako habang nakasunod naman sa akin si Sasa.
“WHY YOU DIDN’T tell me about Sasa’s favor?” tanong ko kay Marl nang tawagan ko ito habang nasa biyahe na ako pauwi.
I heard he let out a deep sigh before answering my question.
“I tried to call you no’ng gabing dumating ka riyan, pero hindi kita makontak. And I was busy yesterday kaya hindi kita natawagan ulit.” Pagpapaliwanag nito.
“Sasa told me na kinausap mo raw si boss about it! I thought hindi puwede ’yong ganoon? I mean, the termination of my contract—”
“I know. Kaya nga kinausap ko si boss. Nakiusap ako kung puwede niya akong pagbigyan, I mean, isa lang naman. Hindi ko kasi mahindian ang boss ni Sasa which happened to be my cousin.”
I let out a deep sigh too while focusing my full attention on the front of the car. “Kaya naman pala,” sabi ko.
“So, please do me a favor sweetheart, huwag mo ng tanggihan si Sasa.”
“I’ll think about it—”
“You don’t have to. I mean, two weeks of photo shoot lang naman ang gagawin mo, and after that, tapos na.” Saad nito hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ko.
Muli akong napabuntong-hininga. “Bye na. I’m on my way home.” Sa halip ay saad ko rito.
“Alright. Take care, and... I missed you already.”
Napangiti ako. Sa tatlong taon na naging manager ko si Marl, naging mag-best friend na rin kami nito. Ito lagi ang pinagsasabihan ko about sa mga problems ko. And he’s always there for me, like a big sister.
“And I missed you, too.”
“Mag-iingat ka riyan!”
“You too, Marl. Bye!” saka ko pinatay ang tawag ko rito.
“ARE YOU OKAY, SISSY?”
Napalingon ako kay Ysolde nang marinig ko ang tanong nito.
Nasa bahay nila ako ngayon. Wala kasi akong ginagawa at nababagot lang naman ako sa bahay kaya nag-decide akong pumasyal ulit dito sa kanila. And, kanina ay nakikipaglaro ako sa dalawa niyang anak. Nang mapagod na, ayon, nakatulog na rin.
Iniabot sa ’kin ni Ysolde ang baso ng fresh pineapple juice saka ito umupo sa dulo ng sofa.
I let out a deep sigh. “I saw him again.” Pag-uumpisa ko.
Bahagya namang nangunot ang noo ni Ysolde habang matamang nakatitig sa akin. “Morgon?”
Tumango ako.
“And... What happened? Did you two talk?”
Saglit akong nanataling tahimik. “Kahapon nang nasa restaurant ako. I saw him there. And nang palabas na sana ako ng banyo, nandoon siya sa labas.” Tumigil ako sa pagsasalita.
Naghihintay naman si Ysolde sa susunod na sasabihin ko.
“I mean, ilang minutes lang kaming nag-usap. And guess what he told me?” saad ko. “He said I was stalking him.”
“What? He told you that?”
“Nakita ko kasi siya the other day roon sa shop kung saan ako namimili ng make-up ko. And then kahapon nagkita ulit kami. Kaya siguro sinabi niyang ini-stalked ko siya.”
Ngumiti naman sa akin si Ysolde.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Why are you smiling like that?” may kaunting inis na tanong ko.
“Iniisip ko lang, maybe this is the right time that you two—”
“He has a girlfriend, Ysolde.” Putol ko sa pagsasalita nito.
“What? May girlfriend na siyang bago?” takang tanong nito.
Halatang hindi nga alam ni Ysolde na may bago ng girlfriend si Morgon.
“Hindi ko alam na may bago na pala siya. I mean, the last time kasi na pumunta siya rito sa bahay kasama sina kuya at Arn, tinatanong siya ni Kuya Ulap kung may bago na siyang girlfriend, but he said no.”
Bumuntong-hininga ako at muling uminom sa juice ko. “I saw with my own two eyes. They kissed in front of my precious eyes, Ysolde. And yesterday, magkasama rin sila roon sa restaurant.”
“Oh, I feel bad for you, sissy.” Anang Ysolde saka kumilos sa puwesto nito at lumapit sa akin. Hinawakan pa nito ang kamay ko at masuyo iyong pinisil. “Hindi ko alam na may bago na pala siya. Akala ko pa naman, now that you are back, magkakaroon na ulit ng chance na magkabalikan kayo.”
Napailing ako. “I guess, it’s time for me to move on. To forget my feelings for him. I mean, they look happy and... In love with each other.”
“Oh, poor Shiloh.” Ani nito at kinabig ako sa balikat ko upang yakapin ako.
Mapait na lamang akong napangiti at ipinilig sa balikat nito ang ulo ko. Kinagat ko rin ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman kong nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko.
“Why does this have to happen to you? Why do you have to be hurt?”
“I guess, because this is my fate! Maybe I’m unlucky in love, Ysolde.”
“No. That’s not true, Shiloh. Huwag kang magsalita ng ganiyan. Walang taong unlucky pagdating sa love. Maybe...”
I know she just wants to console what I feel right now.
“Maybe, Morgon is not really meant for you. For you to love. Baka may ibang nakalaan para sa ’yo! I know there is someone out there na talagang destiny mo. Not Zahk, if not Morgon either, I’m sure there’s a right man out there for you. ’Yong karapatdapat para sa ’yo. ’Yong mamahalin ka nang wagas. ’Yong hindi ka sasaktan.”
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tuluyan na iyong nangilid sa mga mata ko.
“Are you two okay?”
Narinig namin ni Ysolde ang boses ng kaniyang kuya. Nang mag-angat ako ng mukha at tapunan ng tingin ang kapatid nito, mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
“Are you okay, Shiloh?”
I’m not sure if he’s Giulio or Giuseppe or Guilherme. Pare-pareho naman kasi sila ng mukha. Kahit noon pa man, nalilito na talaga ako sa triplets.
“It’s Kuya Ulap,” sabi ni Ysolde. Nakita siguro nito ang nagtatanong kong hitsura.
Umupo si Ulap sa single couch. Ipinatong nito ang mga braso sa armchair at nagdekwatro habang seryosong nakatitig sa akin.
Dahil nahihiya ako at nakita nitong umiiyak ako, nag-iwas ako agad ng tingin.
“Did you cry?” tanong pa nito.
“Pinaiyak ko ’yan,” sabi ni Ysolde at bahagyang tumawa.
“Nako! Ikaw talaga kapatid.”
“What are you doing here pala, kuya?”
“Well,”
“Hey! May bisita pala kayo!”
Sabay-sabay pa kaming napalingon sa may main door nang may nagsalita ulit mula roon. And I saw one of the triplets again. I think it’s Giuseppe.
And sumunod na pumasok sa pintuan, si Arn, and then si Hideo and then... Morgon.
Oh, God! He’s here again!