CHAPTER 9

1548 Words
“ARE you leaving, princess?” kunot ang noo na tanong sa akin ni daddy. “Yes po, dad!” Sagot ko kay daddy habang pababa ako ng hagdan. Nasa sala naman ito at nagbabasa ng news paper. It’s already nine in the morning. Sa ganitong oras, kapag wala akong trabaho, mahimbing pa rin ang tulog ko. But since Sasa and I talked yesterday about her job offer for me, I have to go to her boss’s company so we can talk about the endorsement that I will do. I’m wearing white sleeveless crop top and pink loose bottom trouser paired with white four inches stilettos. “And where are you going, Princess?” tanong ulit sa akin ni dad. “I have to meet, Sasa,” sagot ko. Itiniklop ni daddy ang news paper na binabasa nito at inilagay iyon sa kandungan nito at mas lalong nagkasalubong ang mga kilay na tumitig sa akin. “Who is Sasa?” tanong nito. “Marl’s best friend, dad.” “At bakit ka makikipagkita sa kaniya ng ganito kaaga?” Oh! Sanay na ako sa ugaling ito ni daddy. Kahit noon pa man, nang hindi pa ako nagpupunta sa Londo para magtrabaho roon, sa tuwing makikita ako nitong paalis ng bahay... Ang dami nitong tanong sa akin bago ako pakawalan. But I understand my daddy. Siguro ay gusto lamang nitong malaman kung saan ako pupunta, at kung sino ang kasama ko, para in case something bad happen to me, alam ni dad kung saan ako pupuntahan at kung sino ang hahanapin nito para makita ako. Banayad akong bumuntong-hininga. “Because he offered me a job and I accepted his offer for me.” I told him. Wala sana akong balak na sabihin kay daddy ang tungkol doon, pero hindi talaga ako sanay na naglilihim o nagsisinungaling sa tatay ko. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng dad. “What kind of job? Related na naman ba sa pagmo-modelo?” tanong pa nito. Marahan naman akong bumuntong-hininga at tumango. “Opo, daddy!” “Shiloh—” “Daddy... It’s just a one month photoshoot. After that... I’m done!” sabi ko upang putulin agad ang pagsasalita nito. “Ang boring po kasi rito sa bahay, e! Alam n’yo naman pong hindi ako sanay na walang ginagawang trabaho. So please... Don’t get mad at me. Isang buwan lang naman po, e!” Naglakad pa ako palapit dito at tumayo ako sa likod ng wheelchair nito at masuyo kong hinaplos ang mga balikat ng daddy. Ganito ako kapag naglalambing sa tatay ko. Bumuntong-hininga naman ito. “All right,” sabi nito. Mabilis na sumilay ang ngiti sa mga labi ko. “Thank you, daddy!” sabi ko. Yumuko ako upang halikan ito sa pisngi. “I love you.” “Take care, princess, okay?” “Yes, dad. Bye!” “I love you.” Nakangiting naglakad na ako palabas ng bahay namin. Kaagad akong lumulan sa sasakyan ko. NASA ENTRANCE pa lang ako ng Vine Marketing Inc. ay sa akin na nakatuon ang paningin at atensyon ng mga taong nasa lobby ng malaking gusali. I’m not sure kung ang dahilan ng paninitig ng mga tao sa akin is because they know me that I am Shiloh Fuentes... Kasi nakilala na nga ako at ang pangalan ko bilang sikat na model sa London. Or maybe... Because the way how I looked is a bit of attention-grabbing right now? I don’t know. But I’m not uncomfortable in the stares of the people surrounds me. I’m used to it. In the industry I work in, people are left right, in front of me and behind me. Even the cameras. So I’m used to it. Hindi ko na lamang pinansin iyon at naglakad na ako nang tuluyang upang pumasok. “Shiloh!” A smile appeared on my lips immediately when I saw Sasa, who had just come out of the elevator, and she hurried to me. “Oh, my God! Sabi ko na nga ba, e! Si Shiloh nga ’yan.” Dinig kong saad ng isang babae. “Oo nga. Ang akala ko kanina ay kamukha lang niya.” “My God! Ano ang ginagawa ni Shiloh dito sa company?” “Siya siguro ang model na rumored kahapon sa itaas.” Iyon ang mga naririnig ko sa paligid ko. “Hi, Sasa!” nakangiting bati ko rito nang makalapit ito sa akin. “How are you? Hindi ba traffic?” tanong nito. Umiling ako at tinanggal ang suot kong malaki at itim na shades. “Not really,” sagot ko. “Mabuti naman. So, let’s go. Parating na rin si Chairman.” Iminuwestra pa nito sa akin ang isang braso nito kaya humawak na ako rito at magkaagapay kaming naglakad papunta sa elevator at sumakay roon. After a few minutes, the elevator door opened again, and Sasa and I got out. Just like what I heard earlier in the lobby when I arrived, I heard the same from Sasa’s colleagues when they saw me. Samo’t saring bulungan at papuri ang naririnig ko. “Oh, my God! Sobrang ganda n’yo po sa personal, Miss Shiloh!” Napangiti ako nang malapad nang lumapit sa akin ang isang babae. Bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan dahil nakita ako. Parang ayaw pa nga ata nitong maniwala na nasa harapan ako nito. “Hi.” Nakangiting bati ko rito. “Totoo ka nga po! Jusko! Para po kayong manika sa totoong buhay—este sa personal po. Hala! Miss Shiloh, puwede po bang magpa-picture? I’m a huge fan of yours po.” My smile widened because of what she said. “Of course. Come here, let’s take a selfie—” “Hay nako Hanna, mamaya na ’yang pagpapa-picture mo kay Shiloh. Marami namang time mamaya. Kumuha ka muna ng drinks para kay Shiloh.” Anang Sasa. Bigla namang ibinaba ng babae ang cellphone nito at tila napapahiyang ngumiti sa akin. “I’m sorry po, Miss Shiloh.” “No it’s fine,” sabi ko. “Just approach me later para mag-selfie tayo, okay?” “Ang bait n’yo po!” Pagkasabi niyon ay kaagad itong tumalikod at nagmamadaling umalis upang sundin ang utos ni Sasa. “Come, Shiloh. Sa office na ni Chairman tayo maghintay. On the way na raw siya.” Sumunod naman ako kay Sasa. “Hi, Miss Shiloh!” “Huge fan din po kami, Miss Shiloh.” “Hello! Thank you so much!” Nakangiting saad ko sa mga katrabaho ni Sasa habang naglalakad na ako papunta sa office raw ng Chairman nila. Nang makapasok kami sa malaking pinto ng kuwarto, bahagya akong namangha sa bumungad sa akin. This is not the first time that I entered the office of a company boss or chairman. I have been to many famous companies in London, in New York and everywhere else. Pero itong opisinang ito, parang iba ang pakiramdam ko pagkapasok ko pa lang. Malawak ang space. Mataas ang ceiling. May sala set. Gawa sa salamin naman ang nagsisilbing dingding sa likod ng lamesa ng chairman nila. Kitang-kita ko ang magandang view ng BGC. Oh! Bigla ko tuloy namiss ang London. Wala rin masiyadong mga gamit sa loob. On top of the big table, there was only a laptop. Wala ng ibang gamit doon. Is this really an office? Or baka naman hindi workaholic ang chairman nila kaya ganito? “Have a sit first, Shiloh. Sasagutin ko lang itong tawag sa akin.” Napalingon ako kay Sasa nang magsalita ito. I smiled and nodded as I walked towards the brown sofa. I sat there after placing my small handbag on the glass center table. When my cellphone rang, I immediately took it out of my bag and looked to see who sent me the message. It was Marl. Nagtatanong ito sa akin kung tinanggap ko na raw ang alok sa akin ni Sasa. I forgot to call him last night kaya hindi pa nito alam na nagkausap na kami ni Sasa kahapon. Nag-reply naman ako sa tanong nito. And right after I sent the message to Marl, the big door of the office opened and a man entered. My eyebrows met quickly, and I straightened up in my seat when I saw Morgon. Wait! What is he doing here? Kagaya ko, nagulat din siya nang makita niya ako. Halata sa mukha niya na hindi niya inaasahang makita ako ngayon sa loob ng office na ito. “What are you doing here?” Sabay pang tanong namin sa isa’t isa. Kaagad akong tumayo sa puwesto ko habang hindi pa rin naghihiwalay ang mga kilay ko. “Wait... Are you the chairman?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Pero sa klase ng pagbuntong-hininga at pagtiim-bagang niya, I already know the answer to my question. Damn, no! Sa kaniya ako magtatrabaho? Siya ang big boss ni Sasa? Oh, for Christ’s sake! Bakit hindi ko naitanong kay Sasa kung sino ang boss nito? Of all the question na makakalimutan ko... Bakit iyon pa? “Sasa!” Dumagundong ang seryoso niyang boses bago siya tumalikod at muling naglakad palabas. Nanghihina ang mga tuhod na napaupo akong muli sa sofa. Oh, no! I can’t stay here any longer. I need to leave before he comes back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD