“ARE you okay, Princess?”
Napalingon ako kay daddy nang marinig ko ang tanong nito. Nasa hapag na kami at kumakain ng almusal. Pero dahil hindi ako nakatulog nang maayos sa nagdaang gabi, medyo lutang ang utak ko ngayon. Hindi ko namamalayan na nakatulala na lamang pala ako.
“Huh? Um, y-yes po, dad,” sagot ko at kaagad ding nag-iwas ng tingin. Banayad akong bumuntong-hininga at nagsimulang maglagay ng pagkain sa pinggan ko.
“Are you sure, Shiloh?”
Alright, daddy is serious right now. He doesn’t call me by my name except when he’s angry or serious.
Saglit akong tumigil at banayad na nagbuntong-hininga. “I... I’m not, dad.” Pagtatapat ko rito.
“Why?”
Nang sulyapan ko si dad, nakita ko ang pangungunot ng noo nito habang nakatingin ng seryoso sa akin.
“I... I saw Morgon, yesterday.” Saad ko.
“And?”
And? Should I tell him kung ano ang nakita ko kahapon doon sa shop na ’yon?
Ilang segundo akong tahimik at itinuon sa pagkain ko ang aking atensyon.
“Nagkausap kayong dalawa?”
Umiling ako bilang sagot. “I just... Saw him.”
“Look, hija. Bumalik tayo rito sa Pilipinas dahil sa sakit ko. Dahil gusto kong magpagaling at umayos ang kondisyon ko. Hindi para makipag-ayos o makipagbalikan ka ulit sa lalaking iyon.”
Bigla akong napatingin ulit kay dad. What is he talking? Wala naman akong sinabi na makikipagbalikan ako kay Morgon kaya sumama ako sa kaniya pabalik dito sa Pilipinas.
“I know what you’re thinking right now, Shiloh. Kilala kita.”
“Hindi naman po ako makikipagbalikan sa kaniya dad,” mapait na sabi ko. Naroon na naman ang kirot sa puso ko kagaya sa naramdaman ko kahapon nang makita ko siyang may kasamang ibang babae. “I just saw him yesterday and—”
“And that’s the reason why you cried!”
“Dad—”
“Alam kong hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ang lalaking ’yon. But I’m telling you, Shiloh... I still don’t like him for you so—”
Hindi pa man nakukumpleto ni dad ang gusto nitong sabihin sa akin ay nagsalita na rin ako. “He’s with someone else dad,” sabi ko. “So you don’t have to say anything about him or about how I feel for him. I admit I still love him, pero dad, may ibang mahal na po ang lalaking ayaw n’yo para sa akin.” Biglang nabikig ang aking lalamunan at halos pumiyok ako dahil sa nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito.
Oh, God! Until now hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang malalim na dahilan ni daddy para tutulan niya si Morgon simula pa man, bukod sa kasama nga siya sa malaking sendikato noon. Pero simula nang maging magkaibigan ulit sila ni Hideo at nang triplets, alam kong iniwanan na rin niya ang ganoong trabaho noon pa man. Nag-focus siya sa kaniyang negosyo na alam kong ngayon ay isa na rin sa mga kilalang negosyo sa Pilipinas, even abroad.
“That’s good to hear.”
Napatungo ako kasabay ng pagpikit ko nang mariin dahil sa sinabi ni daddy. Nasasaktan ako ngayon dahil sa mga sinasabi nito sa akin. Pakiramdam ko tuloy walang pakialam sa nararamdaman ng puso ko ang sarili kong ama. Parang mas gusto pa nitong makita na nasasaktan ako dahil sa lalaking mahal ko.
When I felt the heat in the corner of my eyes, I quickly bit my lower lip to stop the tears that threatened to spill from there.
“I lost my appetite, dad. Excuse me.” Saad ko at kaagad na tumayo sa puwesto ko kahit hindi pa man ako nakakakain.
“We’re eating, Shiloh.”
“I don’t want to eat, dad.” At naglakad na ako palabas ng dining area.
“Shiloh, don’t be rude. Come back here!”
Pero hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni daddy. Pumanhik ulit ako sa kuwarto ko. Pagkapasok ko roon ay kaagad akong dumiretso sa banyo at naligo.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nag-ayos ako ng sarili ko saka umalis sa bahay. Hindi na ako nagpaalam kay daddy kasi paniguradong hindi ako nito papayagang umalis hanggat hindi kami nagkakausap nang maayos.
Sa isang restaurant ako nagpunta para makipagkita kay Sasa, matalik na kaibigan ng manager ko sa London. Gusto raw ako nitong makausap. Importante daw kaya pinuntahan ko na rin agad.
“Shiloh!” Kaagad itong tumayo sa puwesto nito nang makita ako.
“Hi. I’m a bit late.” Saad ko at nag-beso kami.
“That’s okay. Kakarating ko lang din naman. Come, let’s have a sit.”
Inilapag ko sa gilid ng mesa ang handbag na bitbit ko saka umupo sa silya.
“I’m sorry kung pinilit kitang makausap ng personal!”
Tipid akong ngumiti. “It’s okay. Wala naman akong ginagawa,” sabi ko. “Ano pala ang sasabihin mong importante?”
“Um, let’s order first. Then let’s talk about it while eating.”
“Okay.”
Ito na ang tumawag ng waiter.
Ilang saglit lang pagkatapos naming mag-order ay in-served na rin ang pagkain namin.
“So, ayon na nga... Gusto kitang makausap about something. Nakausap ko kasi si Meme Marl the other day. Siya ang nagsabi sa akin na uuwi ka nga raw dito sa Pinas. E, sakto namang naghahanap ako ng magiging endorser ng—”
“Sasa, I came back here to the Philippines to accompany daddy to recover from his illness. I decided na huwag na munang tumanggap ng trabaho for now. And besides, the termination of my contract in London is being processed. You know that I am not allowed to accept any job until my leaving from the company is legal. And Marl knows about it too.” Pagpapaliwanag ko rito.
“I know. And nasabi nga sa akin ni Meme Marl ’yong about sa termination ng kontrata mo. Pero ang sabi niya rin sa akin, napakiusapan naman daw niya ang boss n’yo roon na gagawin mo ito isang beses lang. For the sake of my work, Shiloh. Kasi naman ang boss ko, tatanggalin ako sa work ko kung hindi agad ako makakahanap ng perfect model para mag-endorse sa product ng company. E, two weeks na lang campaign na namin. So, please. Kahit ito lang.” Ani nito at ipinagsalikop pa ang mga palad habang malamlam ang mga matang nakatitig sa akin.
“There are many other models here in the Philippines, Sasa. Just take them instead of—”
“If I can, I will do that. Pero ni isa sa mga model na ipinakita ko sa big boss namin wala man lang siyang natipuhan. Humanap daw ako ng pang-international face. Sakto naman na dumating ka, so I talked to Meme Marl.”
I stopped eating for a moment and picked up my glass of water. Saglit akong uminom. But when I looked at the entrance of the restaurant, I saw Morgon coming in.
Oh, God! Suddenly my heart beat faster when our eyes met. He was staring at me. But I can’t tell if he is serious or what!
And feeling ko nag-slow motion na naman ang buong paligid ko at siya lamang ang nakikita ko. Damn! This is how I’ve always felt before when I see him walking towards me, especially when he’s smiling. Feeling ko nakakakita ako ng mga tiny hearts na nakasunod sa kaniya at naka-form ng I love you my cupcake.
I don’t know. Pero dahan-dahan na gumuhit ang maliit na ngiti sa gilid ng labi ko. But to my dismay, bigla siyang nagbawi ng tingin sa akin at nagtuloy-tuloy nang lakad niya papunta sa isang mesa, three table from our table. His girlfriend was waiting for him there. I didn’t even notice that girl earlier.
Napapahiyang nagyuko na lamang ako ng ulo ko.
“Are you okay, Shiloh?” tanong sa akin ni Sasa.
Tumango na lang ako kahit deep inside of my heart, nag-uumpisa na naman akong madurog ngayon.
“So, ano? Pumayag ka na sa akin. Please!”
I heaved a deep sigh. “I’ll think about it,” sabi ko na lamang nang muli akong mag-angat ng tingin. At mula sa likuran ni Sasa, I saw that Morgon is looking at my direction. Pero nang makita niyang tumingin din ako sa kaniya, muli siyang nagbawi ng tingin sa akin. And I saw his sweet smile... To his girlfriend.
Damn. Dati para sa akin lang ang ngiti na ’yon. But now, para na sa ibang babae.
Masakit pala ’yong ganoon. ’Yong akala mo habang-buhay ng magiging sa ’yo ang lalaking pinakamamahal mo, but in the end, sa ibang babae lang pala siya mapupunta.
“Are you sure you’re okay, Shiloh?”
Napatingin ako ulit kay Sasa.
“Are you crying?” tanong nito ulit sa akin.
Doon ko lang napagtanto na namamasa na pala ang mga mata ko.
Sunod-sunod akong napakurap at muling nagyuko ng ulo ko. “Um, excuse me. I need to use the comfort room.” Saad ko at kaagad na tumayo sa puwesto ko at nagmamadaling tinungo ang banyo.
Sa isang cubicle ako pumasok at doon pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos.
I silently cried inside the cubicle. I don’t know how many minutes I stayed there. Basta, nang kumalma na ako saka ako nagpasyang tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng bowl at lumabas sa cubicle. I stood in front of the sink and looked at myself in the big mirror. My eyes are red. Halata talagang galing lang ako sa pag-iyak.
Oh, damn it. Nakakahiya naman itong ginawa ko. Ano na lamang ang iisipin ni Sasa o ng ibang tao kapag nakitang namumula at namamaga ang mga mata ko?
Kung bakit kasi ang dali-dali kong umiyak ngayon?
Nag-retouch ako ng make up ko para hindi mahalata masiyado ang pag-iyak ko kanina. Inayos ko pa ang suot kong white off-shoulder bohemian mini dress saka ako nagpakawala nang malalim na paghinga at naglakad na rin upang lumabas sa banyo na iyon. Pero sakto namang pagkalabas ko sa pintuan ay biglang may sumalubong sa akin... And it was Morgon.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya sa harapan ko.
At kagaya kanina nang makita ko siya sa entrance pa lang, mabilis na naman ang pagkabog ng puso ko, lalo na nang mapatingala ako at mapatitig sa mga mata niya.
Oh, holy lordy! It’s been three years. Ngayon ko lang nasilayan muli ang magaganda niyang mga mata. I missed those beautiful eyes.
“What are you doing, Shiloh?”
Bumalik ako sa ulirat ko nang marinig ko ang mariin niyang tanong.
Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ko. “What... What are you talking?” sa halip ay balik na tanong ko sa kaniya.
Mayamaya ay naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko kaya napatingin ako roon.
“Are you stalking me?” tanong niya.
Ano raw? Stalking him? E, hindi ko nga alam na may date pala sila ng girlfriend niya rito sa restaurant na ito.