“MORGON!” Mahinang sambit ko sa pangalan niya nang iilang hakbang na lamang ay nasa harapan ko na siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Basta ang alam ko lang, just like before, sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. It seems, my heart is doing a circus at this moment.
Pero mayamaya ay nakadama ako ng panghihinayang at pagkadismaya nang hindi siya huminto sa tapat ko, sa halip ay nilagpasan niya ako na para bang wala ako roon o hindi niya ako nakita o hindi niya ako nakilala!
The smile drawn on my lips gradually disappeared. My heart, which was so happy earlier, slowly subsided.
Tila ba, napapahiya akong nakatayo roon. Pakiramdam ko lahat ng taong naroon maliban sa kaniya ay nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako dahil hindi ako pinansin ng taong matagal ko ng hindi nakikita.
Nahigit ko ang aking paghinga.
“Hey, sweetheart!”
Dinig ko ang malambing na boses ng babae mula sa likuran ko.
Kahit naninigas ang katawan ko sa aking puwesto, pinilit kong humarap ng dahan-dahan. Until I saw him standing in front of a woman. She smiled at him and kissed him on the lips.
Fuck!
It was like an arrow hit the center of my heart. Bull’s eye. Sentro sa puso ko.
“Are you done?”
“Almost.” Sagot ng babae at inilingkis pa ang mga kamay sa braso ni Morgon at hinila siya papunta sa isang shelve. “I’m sorry if I kept you waiting, sweetheart. Hindi kasi ako makapili kung alin ang bibilhin ko, e! Can you help me choose which one to buy?”
When I felt the heat in the corner of my eyes, I suddenly turned back and even though my knees were shaking because of what I witnessed, I forced myself to walk out of the store. Just a few seconds my vision became blurred because of my tears.
Oh, jeez! Mahal na mahal ko pa rin talaga siya. Hindi ako masasaktan ng ganito ngayon kung hindi ko na siya mahal.
Pakiramdam ko hinihiwa ang puso ko ngayon.
Hanggang sa makarating ako sa sasakyan. Pagkapasok ko sa drivers seat, kaagad akong napasubsob sa manibela at doon tahimik na lumuha.
Oh, Morgon! Hanggang ngayon ba naman sasaktan mo pa rin ako? Sasaktan mo pa rin ang puso ko?
Mabuti na lamang at tented ang bintana ng kotse ni Tito Arthur kaya hindi ako makikita ng mga tao sa labas na umiiyak dito.
Oh, Shiloh. Enough crying. It’s been three years since he broke up with you. Three years na kayong hiwalay, walang communication so, dapat expected mo na itong bagay na ito. Dapat expected mo ng baka may iba na siya. Umasa ka kasi na mahal ka pa rin niya hanggang ngayon kaya hindi niya magagawang maghanap ng iba kahit matagal na kayong magkahiwalay. Umasa kang magkakabalikan pa rin kayo after these years. But the reality is... He’s with someone else already. And he seemed happy with his new girl.
Mas lalong tumulo ang mga luha ko.
Is this my karma dahil sa ginawa ko dati kay Ysolde? Is this my karma because of what I did wrong before? Bakit ngayon pa? Hindi ba puwedeng huwag na akong singilin ngayon? I have sacrificed three years for the man I love. But why do I have to be hurt again now because of him?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling tahimik na umiiyak sa loob ng kotse bago ako nagpasyang ayusin ang sarili ko at umuwi na.
Pagkarating ko sa bahay, nasa sala si daddy at Tito Art pati ang nurse ni dad.
“Hija, what took you so long?” tanong ni daddy.
Hindi ko pa magawang tumitig dito dahil namamaga ang mga mata ko. Paniguradong magtatanong na naman ito sa akin kung ano ang nangyari.
Lumapit ako kay dad at humalik sa pisngi nito. “Um, may dinaanan lang po ako dad.” Saad ko.
“Are you okay?”
“Yeah.” Sagot ko habang nakatungo at nilalaro ng mga daliri ko ang handbag ko. “I’ll go upstairs, daddy. Magpapahinga lang po ako.” Paalam ko rito at kaagad na tumalikod upang hindi na ito magsalita pa.
Nang makarating ako sa kuwarto ko, padapa akong humiga sa kama ko at doon muling naiyak ng tahimik.
“ARE YOU OKAY, BABE?”
Napalingon si Morgon sa kaniyang girlfriend nang marinig niya ang tanong nito.
Nakatuon kasi ang buong atensyon niya sa unahan ng sasakyan habang nagmamaneho siya. Ukopado ang kaniyang isipan dahil sa nakita niya kanina sa loob ng shop na iyon.
Three years, pero sigurado siyang si Shiloh ang nakita niya kanina. Hindi siya maaaring magkamali. It was his ex-girlfriend.
“Babe, I said if you’re okay?” tanong ulit ng babae sa kaniya. Hinawakan pa nito ang isang kamay niya na nakapatong sa kaniyang hita. “Is there a problem? Bigla kang natahimik, e!”
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa’y saglit na nilingon ulit ang kasintahan. “Yeah, I’m fine,” sagot niya.
“Are you sure?”
Tumango siya. “May iniisip lang ako.”
“Is it a problem? Puwede mong sabihin sa akin.”
Three months pa lang siyang in a relationship with his girlfriend, Eba. Simula nang makipaghiwalay siya kay Shiloh bago umalis ang dalaga noon patungong London, ito ang unang beses na nakipagrelasyon siya ulit. Although marami ng babae ang dumaan ulit sa buhay niya, pero hanggang fling lang lahat ng iyon. Wala siyang seneryoso ni isa. Pero itong si Eba, sa lahat ng babaeng naka-fling at naka-date niya, ito ang naiiba. Mabait ang dalaga at understanding sa kaniya. Supestikada at galing sa maayos na pamilya. Isa itong pediatrician. Hindi niya alam kung saang banda o ano’ng mga bagay ang common sila ng dalaga, pero lagi silang nagkakasundo. Kahit sa maliliit na bagay lang. Isa sa nagustohan niya rin sa dalaga ay ’yong hindi ito makulit sa kaniya. Hindi laging nagde-demand sa kaniya ng oras, kasi naiintindihan daw nito ang kaniyang trabaho. Hindi kagaya sa mga naging babae niya dati, halos lahat ng oras niya gusto roon lamang igugugol.
“Don’t mind me. I’m fine. Wala akong problema.” Saad niya.
Tinitigan siya ng dalaga saka nito ipinagsalikop ang kanilang mga palad. “Sigurado ka, huh? You know I’m always here to listen to you.”
Nilingon niya ito at nginitian. “Thank you.”
“By the way babe, may sasabihin pala ako sa ’yo.”
“What is it?”
“May bagong mission na naman kami.”
Salubong ang mga kilay na saglit niya itong nilingon ulit. “When? Where?”
“Sa Nigeria. This weekend ang alis namin. Maybe one or two months siguro kaming mananatili roon. Wala pa namang final statement ang head namin.”
“So, matagal pala tayong hindi magkikita!”
“Yeah. And I’m going to miss you.”
“We can video call.”
“Yeah. Pero iba pa rin kasi ’yong magkasama tayo. Nakikita kita.” Naglalambing na saad pa nito at lumapit sa tabi niya. Iniyakap sa braso niya ang mga kamay nito at ipinilig ang ulo sa kaniyang balikat. Mayamaya ay hinalikan pa siya nito ng ilang ulit sa kaniyang pisngi. “I love you, babe.” Nakangiting saad pa nito.
Hindi siya kumibo at sumagot sa sinabi nito. Alright, he likes Eba, pero hindi pa niya makapa sa kaniyang puso kung sapat na ba ang nararamdaman niya sa dalaga para tugunin niya ang bawat I love you nito sa kaniya. Lately ay sumagi na rin sa isipan niya ang paglagay sa tahimik, well, he’s thirty-five years old kaya dapat lang ay magkaroon na rin siya ng sarili niyang pamilya. Sobrang nasa tamang edad na siya para mag-asawa.
Sinubukan niyang i-picture out ang sarili niya in the future na kasama si Eba, but sad to say, hindi niya makita ang kaniyang sarili na may pamilya kasama ang babaeng ito na nasa tabi niya ngayon. Or maybe, it’s too early fo him to imagine himself in that situation. Kasi tatlong buwan pa lang naman silang magkarelasyon. Malay niya hindi pa ito ang tamang oras para isipin ang bagay na iyon.
“I said I love you, babe.” Saad ulit ni Eba sa kaniya.
Nilingon niya ito. Kaagad naman nitong hinalikan ang kaniyang mga labi.
“Are you sure okay ka lang talaga, babe?” tanong nitong muli. Nasa mukha na nito ang pag-aalala para sa kaniya.
Tumango siya. “Yeah. I’m just... Tired. You know, madami rin akong inasikasong trabaho these past few weeks. Wala akong naging pahinga.” Pagdadahilan niya na lamang.
Kumalas ang mga kamay nito sa braso niya at umangat papunta sa mukha niya. Masuyong humaplos ang palad nito roon.
“I understand,” sabi nito. Pagkatapos ay sinuklay nito ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri nito. “Gusto mo bang masahiin kita mamaya? Sasama ako sa condo mo.”
“No it’s okay. Ipapahinga ko na lang ito. Tomorrow, I’m sure okay na ako.”
Ngumiti naman ang dalaga. “Okay. Sorry kung nagpasundo pa ako sa ’yo ngayon. Dapat nakapagpahinga ka na.”
“It’s okay. No problem with me.”
“Thank you.” Ani nito at muli siyang hinalikan sa kaniyang pisngi bago ito umayos sa puwesto nito.
“BOSS, NARITO na po ang ipinag-utos ninyo sa akin kahapon.” Anang kaniyang tauhan.
Hindi agad siya nag-angat ng kaniyang mukha mula sa dokumentong binabasa niya. Tinapos niya muna iyon at pinirmahan bago tiningnan ang kaniyang tauhan.
Iniabot nito sa kaniya ang brown envelope. Nang tanggapin niya iyon ay kaagad niyang tiningnan ang laman n’on.
“Ayon po sa source na nakausap ko, no’ng isang araw po dumating dito sa Pilipinas si Miss Shiloh kasama ang daddy niyang si Mr. Markus Fuentes.” Ani nito.
Isa-isa namang tiningnan niya ang mga picture na iyon. Tama nga talaga siyang si Shiloh ang nakita niya kahapon doon sa shop.
“Umuwi po sila rito dahil mas lalong lumalala ang sakit ni Mr. Fuentes. Ayon din sa manager ni Miss Shiloh doon sa London, nag-resign na raw po siya sa kaniyang trabaho, ngunit hindi pa malinaw kung babalik pa siya roon. Iyon lang po ang sinabi sa akin ng manager niya.”
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere saka muling ibinalik sa loob ng envelope ang mga larawan.
“You may go,” sabi niya sa tauhan niya.
Tumango naman ang lalaki at tumalikod na upang lisanin ang kaniyang opisina.
Isinandal niya ang kaniyang likod sa kaniyang swivel chair habang nasa magkabilang armchair ang kaniyang mga braso.
“So, you’re staying here for good?” tila ba ay nasa harapan niya ang dalaga at tinatanong ito kung muli pa itong aalis ng bansa.