NANG mabuksan ng isang bodyguard ko ang pinto sa backseat ay kaagad akong umibis doon at nagmamadali akong pumasok sa main door.
“Where is dad?” tanong ko sa PA ni daddy na nasa sala.
Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa. “In his room, Miss Shiloh.”
Nagmamadali akong pumanhik sa mataas na hagdan hanggang sa makarating ako sa silid ni dad.
“Dad,” sabi ko at napatingin kay Tito Arthur, ang personal doctor ng daddy. Nakatayo ito sa gilid ng kama habang si daddy naman ay nakahiga sa higaan nito. Lumapit ako rito at kaagad na umupo sa tabi nito. “Hey, daddy! Are you okay?” bakas sa mukha at tinig ko ang labis na pag-aalala para sa aking ama. “Tito, what happened? May nangyari po ba kay dad na hindi maganda?” Tanong ko nang tumingala ako rito.
Kanina kasi bago ako umalis papunta sa bar ay okay naman si dad. Tapos ngayon, mukhang may dinaramdaman na naman ito.
“Princess, relax. I’m fine.” Anang dad at inabot pa ang isang palad ko at masuyo iyong ginagap.
Tiningnan ko ang daddy. Labis pa rin akong nag-aalala para sa kalagayan nito ngayon. He was pale.
Matanda na ang daddy. At sa edad nito ngayon, ang sakit sa puso nito ang laging dinadamdam. Ang sakit na iyon ang mas lalong nagpapahina sa kalusugan nito. Nitong mga nakaraang linggo, ilang beses din itong dinala sa ospital dahil laging inaatake sa puso.
We were together here in London, two years ago. Nagkahiwalay kasi ulit sila ni mommy kaya nagdesisyon si dad na dito na muna sa akin tumira. Hindi ko alam na dati pa pala ay hindi na sila okay ni mommy. Ang buong akala ko pa naman noon ay perfect family ang mayroon kami, but I was wrong.
I’m a daddy’s girl kaya masaya rin ako na sumunod sa akin si dad papunta rito sa London.
“I know you’re not, daddy.” Malungkot na saad ko at umangat ang isang kamay ko papunta sa mukha nito. Masuyo kong hinaplos ang pisngi ng dad. “Ano po ba ang nangyari sa kaniya, Tito?” tanong ko ulit kay Tito Arthur.
Nagbuntong-hininga ito at saglit na tiningnan ang ama ko. “Mas lalong lumalala ang sakit ng papa mo—”
“Arthur, please,” sabi ni dad upang putulin ang pagsasalita ni Tito Arthur. “Just... Don’t tell her about my condition right now.”
“But dad.”
“Ayokong mas lalo ka pang mag-alala para sa akin.”
“Of course, mag-aalala po ako para sa kalagayan ninyo because you’re my dad.” Parang gusto ko tuloy maiyak ngayon dahil sa nakikita kong sakit, lungkot at hirap sa mga mata ng daddy ko.
Oh, God please! Huwag n’yo po sanang kukunin agad sa akin ang tatay ko. I can’t bear to lose him right now! Kapag nawala ang daddy, labis akong masasaktan. Wala na akong magiging kakampi sa buhay. He’s the only one I have. The only person I trusted the most.
“Kumpadre, karapatan ni Shiloh na malaman ang kalagayan mo ngayon.” Anang Tito Art. “Habang tumatagal mas lalong humihina ang katawan mo. Hindi mo naman puwedeng sarilinin na lamang itong nararamdaman mo.”
“Tito Art is right, dad,” sabi ko.
Bumuntong-hininga ang dad at muling hinimas-himas ang likod ng palad ko. Mayamaya ay dinala nito sa tapat ng bibig nito ang kamay ko at hinalikan iyon ng ilang beses.
“Gusto kong bumalik na tayo ng Pilipinas, anak.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ng daddy. “Po?”
“Mahina na nga ang katawan ko. Gusto ko, bago ako mamatay, nasa Pilipinas na ulit ako—”
“Dad, don’t say that.” Nakagat ko pa ang pang-ilalim kong labi nang bigla akong makaramdam ng takot sa puso ko dahil sa sinabi nito. Nag-init din bigla ang sulok ng aking mga mata. “You’re not going to die.”
“I can feel it, anak.”
“No.” Umiling-iling ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. “You’re not going to die, dad. Gagaling ka pa po. Hahanap tayo ng magaling na doctor na gagamot sa inyo,” lumuluhang sambit ko.
Ngumiti lamang ng mapait ang daddy at hinaplos ang pisngi ko. “I love you, princess.”
Mas lalong nangilid ang luha sa mga mata ko. Dahil ayokong makita pa lalo ni daddy ang pagpatak ng mga luha ko, dumukwang ako palapit dito. Ipinilig ko sa dibdib nito ang aking ulo at niyakap ito.
“Umuwi na tayo sa Pilipinas. Hindi kita puwedeng iwanan dito ng mag-isa. So please, come with me, princess.”
Ramdam ko ang pagmamakaawa nito sa akin na sumama ako sa Pilipinas. Ayoko namang biguin ang kahilingan ng daddy, kaya kahit hindi pa man ako nakakapag-desisyon kung tatapusin ko ba ang limang taon na kontrata ko sa trabaho ko o hindi, tumango na lamang ako. Mas importante sa akin ang daddy ko kaysa sa trabaho ko.
“Yeah. Uuwi po tayo sa Pilipinas.”
“Thank you, princess.”
“I love you, dad.”
“I love you, too.”
KINABUKASAN, kasama ko ang attorney ko na nagtungo sa office. Nagkausap na kami kagabi ng aking manager, pero nang makarating ako sa office ay kinausap ko ulit ito. Ipinaliwanag ko rito ang dahilan kung bakit hindi ko na matatapos ang natitirang dalawang taon sa trabaho ko at kung bakit biglaan ang pag-uwi ko sa Pilipinas.
“Sayang naman kung hindi mo na matatapos ang trabaho mo, Shiloh.” Anang bading na manager ko. Pinoy rin ito.
I sighed. “Even me, Marl. Nanghihinayang din naman ako sa trabaho ko. But my father’s condition is more important to me now.”
“Yeah, I know. I understand. Nanghihinayang lang ako. Marami pa naman tayong big event na gaganapin. Malaki rin ang mawawala sa company kapag umalis ka agad. Alam mo namang ikaw ang in demand na model ngayon.”
Tipid akong napangiti. Hindi naman sa nagmamalaki, pero sa maikling panahon na pagiging modelo ko rito sa London, biglang nakilala ang pangalan ko. Not only a few times I was invited to big fashion shows, runway shows or even to be a model in advertisments, so my face can always be seen on big billboards on every street in London, even in New York. Sumikat man agad ako rito sa ibang bansa, pero ganoon pa rin naman ako. Hindi naman lumaki ang ulo ko dahil sa kasikatan. I’m still Shiloh Danielle Fuentes. The girl who used to only dream of being part of big and famous fashion shows in other countries.
“Mabuti na nga lang at nakausap ko ng maayos si Madam Angeline kanina. I explained to her everything kung bakit biglaan ang pagbabalik mo ng Pilipinas. And just like me, she understand your decision. Pero sana,” sabi nito at saglit na pinutol ang pagsasalita. “Sana soon, bumalik ka rin ulit dito.”
“I hope so, Marl,” sabi ko.
After I talked to my manager, I also went to the office of our boss. I talked to her about my dad and my reason. Mabuti na lang at mabait ito kaya hindi na ako nagkaroon ng problema. Ito na nga rin ang nag-suggest sa akin na maagang umuwi ng Pilipinas at huwag ko ng problemahin ang pag-asikaso sa kontrata ko sa kumpanya. Ipapadala na lamang daw nito sa Pilipinas ang mga papeles na kailangang kong pirmahan, soon.
Nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko sa trabaho, sa mga kaibigan ko. Of course, nalulungkot din sila sa biglaang pag-alis ko sa trabaho. But I just told them that I will come back when my daddy’s health is okay.
“Shiloh.”
Napalingon ako kay Monroe nang marinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko, papalapit na ito sa puwesto namin nina Emily at Maxine.
“Excuse me,” sabi ko sa dalawa kong kaibigan. Naglakad na rin ako para salubungin ito.
“It is true? Are you leaving?” tanong nito agad sa akin.
Tumango naman ako. “I have to.”
“But why?”
“It’s my dad. I can’t refuse him.”
Bumuntong-hininga ito at nagbaba ng tingin. “So, that means, I will never see you again?”
I can see a sadness in his eyes. Oh! Hindi man kami naging totally na best friends ni Monroe dahil nga iniiwasan ko ito maging ang pagpapalipad hangin nito sa akin, nalungkot din naman ako na hindi ko na rin ito makikita. Well, in my three years here in London, naging part na ng daily life ko ang mainis, magsungit at iwasan ang lalaki na ito. Kapag nasa Pilipinas na ako, isa rin iyon sa mami-miss ko. I guess!
“You can visit me in the Philippines. You can go with Em and Max when they visit me there,” sabi ko.
“Really?”
Kahit papaano ay may nakita akong kislap sa mga mata nito dahil sa sinabi ko.
“Yeah.” Tipid na sabi ko na lamang.
“Alright. So, that means, we’re... Officially friends?” tila nag-aalangan pang saad nito.
Napangiti naman ako pagkuwa’y bumuntong-hininga rin. “Alright.”
Oh, Shiloh! Kung kailan paalis ka na ng London saka mo naman pinagbigyan ang lalaking ito! Ang galing mo naman!
Malinga-lingang batukan ko ang sarili ko ngayon.
“Thank you, Shiloh.” Nakangiting saad nito.
Magsasalita na sana ako, pero bigla namang dumating ang manager ko.
“Madam wants to talk to you. It’s important.” Ani nito.
“Excuse me, Monroe.”
“Yeah, sure. See yaa around.”
Kaagad akong sumunod sa manager ko papunta sa office ng boss namin.
THREE DAYS ang lumipas bago ang flight namin ni dad pauwi sa Pilipinas. Kasama rin namin sa pag-uwi si Tito Arthur dahil ito ang nag-mo-monitor sa kalagayan ni daddy.
Habang sakay ng eroplano, nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana; sa mga ulap. Ewan, pero madami akong iniisip ngayon. Isa na roon si Morgon. What if, sa pag-uwi ko ay magkita ulit kami? Well, hindi naman iyon malabong mangyari. We have common friends. At sigurado ako na kapag malaman ni Ysolde na nasa Pilipinas na ako, malalaman din iyon ni Hideo, ng mga kuya niya, pati ni Jule. So, hindi malabong malaman din agad ni Morgon na bumalik na ako.
Ano naman ang gagawin ko kapag nagkita kami?
Oh! Wala pa man, hindi pa man lumalapag ang eroplano sa airport ng Pilipinas, pero iyon na agad ang iniisip ko ngayon.
Am I worried kung sakaling magkita ulit kami? I’m not sure. Pero aaminin ko sa sarili ko na ilang araw na rin akong excited dahil sa pag-uwi ko. I’m excited to see him again. Although, hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag magkita ulit kami.